(Y H Z Z E L L E' S P O V)
sa wakas dumating na'din si kuya saka hininto niya ang kanyang kotse at bumaba "tara na pupunta pa tayo sa mall" panimula niya napatitig ako kay kuya saka ngumiti sa kanya at dali dali'ng sumakay sa kotse.
"Kuya doon kana muna sa bahay pleaseeee" malambing kong tono habang pinipilit siya.
"sure, nasasawa na din ako sa condo saka wala kaming pasok 1month kasi may Importanteng aasikasuhin mga Lecturer namin" paliwanag niya
"yeheyyyyyyyyyyyy!!" masaya kong sagot.
"Nabalitaan ko'na may nagsundo sayo at may nakakasama ka ngayong araw sa univerity" nagulat ako sa sinabi niya "ah kuya oo kaibigan lang kami" nahihiyang sagot ko "I see" saka nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
makalipas ang Isang oras na byahe patungo sa Mall ay nakarating na kami ni kuya' nandito na kami sa loob ng mall at naghahanap ng restaurant' pero sabi ko kay kuya mag-pizza na lang kami.
"Hoy panget kong kuya mag-order kana gutom na ako" masungit kong sabi "kapal ha, teka tsk!" singhal niya saka lumapit na sa counter.
ilang minuto naming hinintay ang kakainin namin "Supreme Pizza, Enjoy" ani ng waiter "kain na" si kuya' tumango ako saka nagsimula nang kumain.
tumingin ako kay kuya "kuys' may girlfriend kana?" pang-aasar na tanong ko' nahinto naman sa pagsubo si kuya saka lumingon sa akin "wala pa' wala pa din akong nililigawan o nagugustuhan" pandederetso nita.
"Mmmm.." tanging sagot ko saka ipinagpatuloy na ang pag-kain' ilang minuto ang lumipas at tapos na kami kumain, ngayon ay nandito kami sa Books Store.
"Pumili kana nang Books na bibilhin mo, Libre ko" si kuya well' malakas ako sa kanya eh hahaha! tumango ako saka nagsimula nang pumili ng mga books' Tragic Stories hinahanap ko ngayon.
mahilig ako sa mga tragic stories kaya ayon lagi binibili ko kapag may natira sa allowance ko or kapag nililibre ako nila mama o kuya' kinuha ko na ang gusto kong libro kaya agad agad akong lumapit kay kuya saka inabot ang napili kong libro "hintayin mo ako dyan' magbabayad lang ako" si kuya saka pumunta na siya sa counter.
lumapit na sa akin si kuya dala dala ang mga librong binili ko "Thankyou kuya! ansaya ko ngayon" bungad ko kay kuya saka niyakap siya "welcome panget" sagot niya saka umuwi na kami.
pagdating namin sa bahay ay may hindi ako inaasahang bisita "hello yhzzelle" bungad sa akin ni zaach at kasama niya ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya' "ginagawa nyo dito?" takang tanong ko sa kanila.
bago paman magsalita si Iyah ay "Yhzzelle, wala nang lalabas" nagulat ako sa sinabi ni kuya saka umakyat siya sa taas "ge ang panget mo" pang-aasar ko at sinamaan niya ako ng tingin.
"hmm, nag-aya ako na pumunta dito eh matagal nadin nung hindi kami nakapunta dito" si Iyah.
"Ah okay, teka kunin ko lang yung brownies na binake' ni mama kanina" sagot ko saka pumunta sa kusina, pabalik na sana ako dala dala ang brownies nang sumunod sa akin si zaach "woy sorry na" pag-mamaka-awa niya' tinignan ko siya "sige, bati na tayo" naka'ngiti kong sagot saka nauna na sa kanya.
naupo na ako at ganon din si zaach' nakatabi siya kay Lexus "oh ayan kayo na lang kumuha ng juice sa ref meron don" sabi ko sa kanila' tumango naman silang lahat saka kumain na.
5:00 na nang hapon at ayaw pa nilang umuwi "hoy di pa talaga kayo uuwi" tanong ko sa kanila "hindi pa enjoy pa us' saka sabay sabay naman kami at iisang subdivision lang kami nila khiana, athena, wade, lexus, at Cleo" paliwanag ni Iyah
"Susunduin naman ako ng Driver namin isasabay kona si Haisley" si Aeira' napatingin naman ang lahat kay zaach "taga dito lang din ako sa subdivision na'to" si zaach.
ngumisi naman si Iyah at Aeira "baka magdate na kayo palagi huh" panunukso nilang dalawa "ew" kunwaring nandidiri na sagot ko' at humalaklak silang dalawa.
ilang minuto ang lumipas at naisipan na nilang umuwi' hinatid ko sila sa gate "babye ingat kayo, kita kita na lang sa school bukas" sabi ko sa kanila at pinanoood ko silang maka-alis.
"Gising na Panget!" nagising ako sa sigaw ni kuya mukhang nagsisi ako, ayaw ko siya dito sa bahay huhu
inis akong bumangon saka naligo at nagbihis."Mama Bread at Milk lang ako" bungad ko kay mama at tumango naman ito "okay! eatwell" sagot agad ni mama "ako ang maghahatid sayo yhzzelle panget" singit ni kuya.
"Luh! Bakit ako lang?! paano sila hansel at scarlette?!" galit kong tanong "wala silang pasok pareho" si mama "okay" sagot ko saka nagsimula nang kumain "tapos na ako, toothbrush lang ako" paalam ko saka pumunta na sa cr.
"Tara na!" Sigaw ni kuya "eto na nagmamadali ka masyado punyeta!" inis na sigaw ko sa kanya "punyeta ka din" inis din na sigaw ni kuya.
pumasok na ako sa loob ng kotse "matagal kana din hindi nakakapag-training ng ibat ibang' uri ng Martial Arts Yhzzelle, at ang Firearms Training" si kuya hays, kahit matagal na akong hindi nakakapag'training ay mahusay na ako lalo na sa pag-gamit ng baril.
"Kaya nga, pero kahit hindi ako nakakapag-training ay marunong at mahusay na ako lalo sa pag-gamit ng baril" seryosong sagot ko "alam kong babalik ang Lalaking Anak nang Pamilyang Cuevas siya na lang ang natira sa Pamilya nila' alam kong susugod bigla bigla yon" seryoso talaga si kuya.
napabagsak namin ang Pamilyang Cuevas at namatay ang Ilan sa Miyembro nito dahil sa pakikipag barilan sa mga Miyembro nang aming Pamilya at si Tristan Cuevas lang ang natira' kung babalik siya ay handang handa na ako at ang Pamilya ko.
"Ihahatid kita hanggang sa Classroom niyo" si kuya habang naglalakad kami patungo sa Building namin' habang naglalakad kami ayon nag-bubulungan nanaman sila.
ewww!! Ibang lalaki nanaman ang kasama ni Yhzzelle.
Kamukha niya si kuya baka magkapatid sila. Yes tama ka magkapatid kami.
Hindi sila bagay ew!
huminto ako sa paglalakad ganon din si kuya maganda ako kaya "HOY MGA BABAENG CHISMOSA O MGA BABAENG MGA ISSUE, FYI HINDI KO LALAKI YAN!!" sigaw ko sa kanila sabay turo kay kuya "KUYA KO YAN MGA PANGET!!" sigaw ko pa ulit sa kanila.
"Tapang" natatawang ani ni kuya at nag-patuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa Classroom.
"Goodmorning Mr. Valette" bungad ni Ms Joanna kay kuya' wtf?! Magkakilala sila? eh? "Goodmorning din Ms Joanna" sagot ni kuya.
"Hi Ms, pasok napo ako' kuya bye" paalam ko sa kanilang dalawa at naupo na.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Break time.
Nandito na kami sa hall way ng building namin nang makita namin si Alexa at may kasamang dalawang lalaki "Hi Yhzzelle" si alexa "boys, alam niyo na ang gagawin" utos ni alexa sa kasama niyang dalawang lalaki. Damn!
tignan na lang natin alexa ang mangyayari!
IG; rhiannfaith_ocampo
twitter; _cutypie
FB; Rhiann faith Ocampo
FB; Cutypie's Babie
YOU ARE READING
I'M YOUR PROLOGUE BUT SHE'S YOUR EPILOGUE | ONGOING
De TodoBakit sa dinami daming lalaki na lumalapit sakin ay wala ako magustuhan? Pero, dumating ang lalaking 'to nagsimula magbago takbo ng buhay ko. BOOK 1