CHAPTER 7

8 3 0
                                    

( Y H Z Z E L L E'S P O V)

tumingin ako dalawang lalaking kasama ni alexa' laking gulat nilang dalawa nang malaman na nakatingin ako sa kanila saka' nginisian kong silang dalawa "nagkita muli tayo branko at Jack" sarkastiko kong bungad sa kanilang dalawa.

wala akong natanggap na sagot mula sa kanila' tumingin sila kay Alexa "punyeta ka alexa!" sigaw ni Branko kay Alexa "ipapabugbog mo sa amin yang si valette?!" inis na dagdag ni branko.

"Oo siya nga pagkatapos babayaran ko kayo" si alexa "bobo! kung gusto mong ipabugbog yang si Valette kailangan yung mas malakas pa sa sundalo o kaya mas angat bobo" sagot ni jack.

umiba ang ekspresyon ng mukha ni alexa "bakit?! kilala niyo bayang si Yhzzelle Valette?!" inis na tanong ni alexa sa dalawa "oo! kilalang kilala!" Sabay nilang sagot.

"Ikaw nalang bumugbog diyan kay Valette bahala ka sa buhay mo!" si Branko "punyeta! kawawa ka dyan kay valette" si jack halatang inaasar si alexa' saka umalis na silang dalawa at naiwan si alexa.

"Bakit mo ipapabugbog si yhzzelle?" inis na tanong ni Iyah "kaya nga, pwede ba tigilan mona si yhzzelle" singit ni zaach napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Gusto kona siyang mawala dito sa University" si alexa "hmm.. pwes hindi mo ako mapapa-alis o mapapabugbog o mapapatay" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Sige tayong dalawa ang mag-tuos" paghahamon ni Alexa dugyot "okay, basta ihanda mona pera mo para sa magiging bills mo sa Hospital Alexa" sarkastiko pa din ang pananalita ko.

"Wag kang pumatol masasaktan ka" si zaach' tinignan ko siya "kaya ko'to, hindi mo pa alam ang kaya kong gawin" sagot ko' tumingin ako sa kanilang lahat at binigyan sila ng tingin na "kaya ko'to"

bumalik ang tingin ko kay alexa' susuntukin na sana siya ako pero nakailag ako at ako naman ang sumugod at sinipa siya' tumayo siya mula sa pagkakadapa at kinuha niya ang maliit na kutsilyo mula sa kanyang bulsa' aambangan na niya sana ako ng kutsilyo ngunit nakaiwas ako at pinatid siya.

"TUMIGIL KAYONG DALAWA! LALO KANA ALEXA!" inis na sigaw sa amin ni kuya' dahilan para tumigil kami sa away namin ni alexa.

"Alexa' tumigil kana kapag hindi nakapag-pigil yan si yhzzelle mayayari ka" seryosong bungad ni kuya ke' alexa.

lumingon ako kay alexa "pasalamat ka' nakapag-pigil ako" sabi ko kay alexa saka ngumisi "argh! yari ka sa akin valette!" pagbabanta ni alexa saka naglakad palayo.

"Wow! Akalain mo'yon natakot sayo yung dalawang lalaki" si wade at lexus.

"Buti nakapag-pigil kapa yhzzelle" si Iyah tumingin ako sa kanya "buti nga eh' dahil kung hindi mayayari siya" natatawang sagot ko.

lumapit ako kila Iyah "i-excuse mo naman ako sa mga iba nating Subject' nanghihina ako gusto kong umuwi" matamlay na sagot ko "sige sige magpahinga ka ha?" sagot niya.

naglakad na kami palabas ni kuya nang marinig kong tinatawag ako ni zaach "hoy saan ka pupunta? uuwi kana?" tanong niya, andaming tanong tsk "oo" maikling sagot ko "sige' ingat" siya.

"Okay ka lang ba? gusto mong pumunta sa hospital?" si kuya "hindi na kuya' napagod lang siguro ako sa mga pinapagawa school" sagot ko

Pagdating namin sa bahay ay agad na ikin-wento ni kuya ang nangyari kanina sa school.

"Buti dumating agad ang kuya mo" komento ni mama.

"Ma' kung hindi man dumating si kuya hindi ko pupuruhan si alexa tss, alam ko ang ginagawa ko" ako.

I'M YOUR PROLOGUE BUT SHE'S YOUR EPILOGUE | ONGOINGWhere stories live. Discover now