Simula

13 2 0
                                    

"Amaraaaaaa gumising ka na may pasok ka pa bruha ka" ang paulit ulit na sinasabi ng nanay ko dahil ang tagal kong gumising, ikaw ba naman makatulog ng hating gabi kakagawa ng assignment ng jowa mo.

"Babangon na ho" sabi ko. Oo bruha tawag ng nanay ko sakin , kasi malaking perwesyo daw ako sa buhay nya . Naging bunga daw ako ng isang pagkakamali.

"Oh bat nakatunganga ka pa dyan? Anong oras na ? Dba alas otso pasok mo eh alas syete na ah" dali dali akong pumasok sa banyo , diko akalain na ganong oras na pala.

Teka bat wala ng shampoo dito. "Nay bakit walang shampoo?" sabi ko kay nanay. "Bakit may pera ka bang binigay pambili? Wala naman ata, gamitin mo kung anong nanyyan wag ka na mag inarte" Wala ata akong choice kundi gamitin ang tira-tirang shampoo sa lahat ng nakabukas na lalagyan dito, malas na buhay naman.

"Alis na ho ako nay" dali dali akong lumabas ng bahay , wala pa akong umagahan kasi nasanay na'ko pag late na wala ng kainan.

Nasa sakayan nako ng tricycle nang napansin kong merong nakasunod sakin.

Teka nakasunod talaga sya di ako nananaginip ang gwapo nya pa naman Lord ano po ba ito may jowa nako pero ewan basta.

"Hmmm miss" sabi nya. "Po? Bat kayo nakasunod sakin hmp di naman sa feeling ako ha pero kanina ka pa sunod ng sunod" kunwari naiirita yung pananalita ko kahit kinikilig ako potek ang gwapo nya.

"May ipapakita sana ako sayo pero pumikit ka muna" sabi nya. Dahil nadala ako sa kagwapuhan nya pumikit ako.

Matapos ang ilang segundo ay walang nangyari dumilat ako at ang nasaksihan ko ay tumatakbo na ang kumag.

"Luh anyare don? May ipapakita daw eh umalis naman , ang weird hmp"

"Oyyy isa nalang papuntang St. William Academy, isa nalang at aalis na" dahil sa sigaw na yun ay natauhan ako. What the late na ko.

"Kuya kuya sasakay ako" nagmamadaling sinabi ko.

Parang iba pakiramdam ko parang may naiwan ata ako sa bahay, kung minamalas ka talaga hays.

Matapos ang ilang minuto ay nandito na kami sa harap ng gate ng St. William Academy.

"Oh andito na tayo , magbayad na barya lang sa umaga" sabi nung driver.

Dali dali akong lumabas at kumuha ng pera sa bag ko pero walang akong mahagilap na pera . "Asan na ba yun" sabi ko. Hinalughog ko na pero wala talaga.

"Oh miss ikaw nalang ang di pa nagbabayad, bayad mo?" sabi ni manong. "Ah kuya kasi nawala po yung pera ko magbabayad nalang ako mamaya,pasensya".

Nakita ko sa mga mata ni kuya ang galit kaya wala akong choice kundi ang tumakbo nang mabilis papasok sa gate. Matapos ang isang kapagurang pagtakbo ay nasa tapat na ko ng classroom ko. Wala pang teacher dahil nagbabangayan pa ang mga tao sa loob.

Nahagilap ko ang bestfriend kong si Kate.

"Oh Amara bes bat nakatunganga ka pa dyan at pawis na pawis ka pa?" patawa nyang tanong. "Ah kasi tumakbo ako galing sa gate papunta dito nawala kasi pera sa bag ko" sabi ko.

"Panong nawala?" dagdag pa nya.

Luh diko ala, sasabihin ko sana nang pumasok sa isip ko yung gwapong lalaki. Hindi kaya sya ag nagnakaw, hays malas na araw talaga.

Narinig namin ang bell kaya dali dali kaming pumasok sa classroom.

"Wait Amara andito pala si Vince kanina,hinahanap ka kaya sabi ko hindi ka pa dumadating parang badtrip ata yun eh" sabi ni Kate.

Dali dali akong lumabas at pumunta sa classroom  ni Vince ngunit wala akong nadatnang Vince doon .
Nang pabalik na ako ay nakita ko si Vince sa may CR parang may inaantay kaya tinawag ko ngunit hindi ata narinig nang may dumating na napakasexy at napakakinis na babae , college department ata yun ah. Kaya wala akong choice kundi pumunta kay Vince dahil nasa akin assignment nya.

Ngunit dali daling tumakbo si Vince at yung babae papasok sa CR ng mga girls.

"Di ako kayang pagtaksilan ni Vince mahal ako nun" paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.

Nang papalapit na ako ay binuksan ko ang pintuan dahil hindi nakalock. Naiiyak na talaga ako sana mali hinala ko. Pagtapak ko palang ay may narinig ako dahilan ng pagtaas ng aking balahibo kasabay ng pag agos ng aking luha.

"Urrgh sge pa Vince, ah ah dalian mo at late na tayo pareho" sabi ng babae.

Tumakbo ako nang tumakbo at nanlalabo na paningin ko dahil sa walang sawang pag agos ng mga luha.

Hindi ko inaasahan na palabas na pala ako ng paaralan namin nang may nakita akong nadapang bata sa gitna ng kalsada kaya pinuntahan at pinatawid ko sa kabila nang biglang ..

"Boooooooom" at nawalan nako ng malay.

'Til the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon