Dinala ako ng mga paa ko sa magubat na parte ng aming paaralan kung saan kakaunti lamang ang nakakapunta dahil sa layo nito.
"Bakit ginawa ni Aiden yun? Eh di naman kami close pero bakit ko ba binibigyan ng malisya?" tanong ko sa sarili ko.
Gaga ka Amara wag magpapadala walang maidudulot na maganda ang mga kalalakihan duh.
Nang napansin kong may tao sa malimit kong puntahang parte dito.
"Sino ka?" tanong ko sa lalaking nakatalikod. Bigla itong humarap.
"Aiden!? Bat nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Ngunit hindi ito umimik. Baka ano na naman gimik ng kumag na to. Teka wait kailangan ko magpasalamat sa ginawa nyang pagtatanggol. Nang biglang aalis na sana sya.
"Tika wait , Aiden hmm salamat pala kanina kasi pinagtanggol mo ko" sabi ko na may kasamang ngiti. Ngunit naiirita lang ata si Aiden.
"Thank you saan? Hindi kita pinangtanggol, gumagawa kasi kayo ng eksena , andami ng nakakakita tss ang drama nyo" iniwan nya ko na tulala sa sinabi nya.
Bakit ganyan sya wala naman ata akong nagawang mali tsssk. Tumulo na naman traydor kong luha.
Nakakapagod naman na buhay to oh, may mali ba sakin ? Parang ayaw ng lahat sakin ah si Kate nalang ata natitira kong dahilan para magpakatatag. Nagpasalamat nga lang ako pero bat naiirita sya tsss bahala sya.
Tumakbo ako sa papasok sa room namin nang nadinig kong tumitili yung mga kaklase ko.
"Uwuuuu meron daw tayong transferee tsaka ang gwapo nya" sabi ng kaklase kong naka facepalm pa.
"Oo nga sana makatabi ko syaaaa"
"Lalandiin ko yun"
"Magiging jowa ko yun abangan nyo"
Iba't ibang sigaw ang narinig ko.Teka sino ba yang transferee na yan at ang oa naman ng mga kaklase ko kung maka react.
Gwapo ba talaga ? Tsssk
Dumating na ang aming Math teacher na si Mr.Cruz , ang gwapo nya kaso may jowa na. Agawin ko kaya to? Hmp tigil ka Amanda, hindi ka na nadala sa gagong Vince na yun amp. Teka asan na ba yun.
"Ows Ms. Scott, ang lalim ata ng iniisip mo dyan? Sabi ni sir , dahilan na natauhan ako. Potek nakakahiya grrrrr.
Kaya nilagay ko nalang sa ibabaw ng armchair yung ulo ko. Tsss badtrip
"Anyways, meron kayong bagong kaklase. He came from Doughlas Academy. At tulad nyo grade10 din sya , malamang kaklase nyo nga" at natawa ang mga oa kong kaklase dzaaa anong nakakatawa dun?
Badtrip ako kay Aiden kaya ayoko sumabay sa trip nila.
"Pumasok ka Mr. Davis" sabi ni sir
Wait Mr.Davis? Totoo ba to? Baka yung kumag na masungit ang kaklase ko? Kaninang umaga ko pa kasi nakita yun dito nung tinulungan nya ko. Wag naman sana Lord. Ayoko talaga silipin kung tama ba ang hinala ko.Nang biglang niyugyog ako ni Kate.
"Waaaaaaaah Amara ang gwapo nyaaaa di ko to kayaaa" sigaw nang sigaw ang gaga.
Sino ba yang gwapo na yan eh kung makayugyog parang nakakita ng artista.
Kaya tiningnan ko kung sino man yung sinisigaw nila, silip lang dapat eh kaso kailangan kong makisiguro na hindi yun si Aiden ngunit nanlaki ang mata ko pagkakita ko ..
"Ikawwwwwwwww!?" sabay naming sigaw na ikagulat ng mga kaklase ko at ni Mr. Cruz.
"Magkakilala kayooo??" sabay sabay na sigaw ng mga tao sa loob ng classroom.
Awittttt daig pa nila nakakita ng multo kung makasigaw ah. Parang nabutas ata eardream ko sa lakas ng sigaw.
"Ah Ms. Scott, kilala mo si Mr. Davis?"
nahihiyang tanong ng gwapo naming guro.Nakarinig ako ng bulongan sa mga kaklase ko.
"Luh dba sya yung tumulong kay Amara kanina?"
"Knight in Shining armor uwuuuuu"
"Magkakilala sila for sure kasi pinagtanggol nya si Amara kanina sa ex nito na si Vince sabi ng mga nakasalubong ko"
Awiiiiit nakakahiya amp. Wala nako sa mood nakakabadtrip,classmate pa talaga? Tssssk.
Sasagutin ko sanang obvious ba ngunit naunahan ako ng kumag.
"Hmp Yes magkakilala kami ni Amara pero hindi ko sya tinulungan o pinagtanggol kanina ang akin lang is gumagawa sila ng eksena tsss" oh dba ang sungit ng kumag.
Wala ni isang nagsalita dahil sguro na aawkward nang natauhan si Sir."Since magkakilala kayo Mr. Davis ni Ms. Scott kayong dalawa ang magkatabi sa upuan, maliwanag ba?" sabi ni sir.
Jusq naman kaklase na nga seatmate pa, malas talagaaaa grrr. Wala ata akong choice hays.
Natapos ang klase na wala kaming imikan sa isa't isa. Lalabas na sana ako ng classroom ngunit tinawag ako ni Aiden.
"Amara? Basahin mo pag nakauwi ka na sa bahay nyo." sabi nya nang may binigay syang isang maliit na papel, sulat ba to, love letter, death note?
Ang corny hmp. Pero napansin kong natatawa sya pagkatapos nyang ibigay ang papel.
"Ows,okay bye" sabi ko na may kasamang ngiti para mapantayin ko ka plastikan nya.
"Ingatan mo sarili mo , wala pa namang mag iingat sayo" natatawa nyang sambit.
Okay na sana eh, grrrr!
BINABASA MO ANG
'Til the End
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakatagpo si Amara Darlene Scott na takot magmahal at Aiden Josh Davis na palaging iniiwan. May mamumuo kayang pag-iibigan o isusuko lamang nila ang kanilang nararamdaman? Kakalabanin kaya nila ang kanilang kahi...