Minulat ko ang mata ko nang biglang "Wait nasan ako?" medyo blurd pero puting kisame ang natatanaw ko. Kinakabahan ako bat andito ako ng biglang may tumabi sa 'king lalaki.
"Wag mokong hahawakan, sino ka?" mangiyak ngiyak kong tanong.
"Iha dinala ka ni Aiden dito kasi nadisgrasya ka" sabi ng doktor.
"Sinong Aiden? Wala akong kilalang Aiden" sabi ko
"Oum I'm Aiden Josh Davis" sabi nung Aiden.
"Bakit tinatanong ko ba pangalan mo? At bakit moko dinala dito? Anong nadisgrasya? Paano?" naguguluhan kong tanong.
"Iha maiwan ko muna kayo ni Aiden kailangan nyo mag usap" huling sinabi ng doktor bago umalis.
"Amara Darlene Scott , right? " tanong nya na may kasamang ngiti.
Ang weird ng lalaking to ah pati buo kong pangalan alam, stalker ko ba to?
"Are you stalking me? Bat moko kilala? Ganon na ba ako kaganda para makilala mo ko?" tinarayan ko pa sya.
Tumawa sya nang tumawa, ang weird nya talaga.
"Paanong nadisgrasya? Anong oras na hinahanap nako ng nanay ko ngayon" sabi ko
"Ah kasi nabangga kita nung nasa gitna ka ng kalsada hindi ko napansin sorry" may halong tuwa yung tono ng pananalita niya.
"Oh bat natatawa ka pa dyan? Happy?" napipikon na tanong ko.
"Wait ihahatid na kita sa bahay nyo para makapag explain ako sa nanay mo kung anong nangyari, okay lang ba?" tanong ni Aiden. Kaya tumango ako.
Lumabas na kami ng ospital dahil sabi ni Aiden pwde na ako madischarge, galos lang naman daw ang tinama ko.
Akala ko mag tataxi lang kami o tricycle pero pagkalabas namin ay sinalubong kami ng Ferrari.
"Diyan tayo sasakay?" naguguluhang tanong ko
"Oo bakit ayaw mo ba?" Diko akalain mayaman pala ang kumag na to ah.
Ngayon ko lang napansin na mga mamahaling brand ang lahat ng gamit nya. Bobo ka talaga Amara jusko.
Pinasakay nya ko sa front seat, pinagbuksan nya pa ako ng pinto ha wow gentleman. Sana lahat.
Sumakay na din sya at nagdrive na. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako.
Nagising nalang ako ng napansin kong huminto na kami.
Nabigla ako dahil nasa tapat na kami ng bahay namin."Bakit mo alam na dito ako nakatira?" tanong ko.
Sobrang weird , una pangalan ko tas ngayon bahay ko naman.
Ngunit wala syang sagot parang natatawa lang sya. Kaya wala akong choice kundi ang lumabas sa Ferrari nya nang biglang pinaharurot nya ito palayo.
Aba't gago din sabi nya eexplain nya pa kay mama. Malas naman talaga.
"Patay ka ngayon Amara" sabi ko sa sarili ko.
Pagbukas ko sa pintuan ay sinalubong ako ni nanay na galit na galit.
"Bruha ka, bat ngayon ka lang ! Nag aaral ka pa ba o naglalakwatsa ka lang? Wala ka na ngang silbi dito, di ka pa nag aaral nang mabuti ha !"
Nang biglang tumunog cellphone ko dali dali kong kinuha at nakita kong may nagtext na number ngunit hindi nakasave.
"Nice meeting you Amara Darlene Scott" ang nakalagay. Ngunit bigla itong hinablot ni nanay at pagtingin ko sa kanya..
"Pak,Pak,Pak" sinampal nya ko ng tatlong beses.
"Ito ba Amara ha! Ang landi landi mong babae ka! San kayo galing ha, may pa nice meeting you pa." hindi ko na pinatapos si nanay at tumakbo ako papunta sa kwarto at doon walang sawang umiyak.
Lalo akong naiyak dahil naalala ko kung paano ako pinataksilan ng boyfriend kong si Vince.
"Lord bakit ganto , wala ba akong karapatang lumigaya?" sabi ko sa sarili ko hanggang sa nakatulog nako.
BINABASA MO ANG
'Til the End
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakatagpo si Amara Darlene Scott na takot magmahal at Aiden Josh Davis na palaging iniiwan. May mamumuo kayang pag-iibigan o isusuko lamang nila ang kanilang nararamdaman? Kakalabanin kaya nila ang kanilang kahi...