Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Potek di naman ako nagpa alarm ah pero bat tumutunog to. Kinapa ko yung kama kung nasaan yung tunog na yun kasi inaantok pako ayoko pa dumilat.
Aba't sino tong tumatawag ang aga aga pa.
"Hello po? Sino to?" tanong ko.
"Hulaan mo" patawa nyang sinabi. Potek binibwesit ako nitong kumag nato , sino ba to.
"Wala akong panahon sayo ha potek kay aga at sinisira mo na araw ko. Bye " binabaan ko kasi di ko naman yun kilala jusko.
Nang biglang may nagtext "Hi Amara,seeyou later" What the , may paseeyou later pa punyeta ah.
Binalibag ko cellphone ko sa sobrang inis.
"Amaraaaaa gising na bruha , araw-araw nalang ba? Ha ! Napupuno nako sayo baka gusto mong palayasin kita dito bruha ka! " Sigaw ng nanay ko.
Bigla nalang tumulo yung luha ko, hanggang kailan pa ba ipaparamdam ni nanay yung hinanakit nya sakin.
Dali dali akong naligo at pagkatapos ay umalis sa mala impyernong bahay na yun. Naiiyak parin ako pero kailangan kong magpakatatag.
"Kaya mo to Amara, kakayanin mo" sabi ko sa sarili ko.
Ilang minuto ay nasa sakayan nako ng tricycle at napansin ko na naman yung lalaking sunod nang sunod.
"Miss pwde papicture?" nahihiya nyang sinabi.
Heto na naman tong lalaking to, sobrang weird jusko. Nung una may ipapakita tas ngayon magpapapicture.
At muli tumakbo na naman ang kumag matapos akong kunan ng stolen picture. Anong makukuha nya dun? Weird amp.
Matapos ihatid ni kuya driver lahat ng pasaho dito sa St. William Academy ay umalis na sya. Nagbayad nako syempre.
Nagmamadali akong pumasok sa room namin ngunit nang nasa tapat na ako ay nasa pintuan si Vince. Nag uumapaw ako sa galit. May gana pa talaga syang magpakita matapos ang nangyari. Yayakapin nya sana ako nang...
"Paaaaaak" sinampal ko sya. Sobrang pula ng pisngi nya ngunit hindi ako nakokonsensya.
"Oh Vince, may gana ka pa talagang magpakita sakin? " galit na galit nako.
"Amara,bakit? Anong ginawa ko?" kunwari pa ang kumag. Lalo lamang akong naiinis.
"Paaaak,Paaaak,Paaaak"
"Tatlong sampal na yan sana matauhan ka na! Ano Vince? Masarap ba? Sa CR pa talaga ha? Anong nagawa ko ha ! Naging mabuting girlfriend ako Vince alam mo yun pero kung makapatol ka sa ibang babae parang wala kang jowa ah." sabi ko
"Paaaaaaak" huling sampal para sayo kumag ka.
"Akala mo sguro hindi ko malalaman noh, sinundan ko kayo Vince, alam ko at narinig ko ang kabalastugang ginawa nyo mga hinayupak kayo ! Let's end this nonsense relationship, wala kang kwenta !" iniwan kong nakatunganga si Vince sa pintuan.
"Bes okay ka lang? Kaya pa?" niyakap ako ni Kate pagka upo ko sa upuan ko.
Humahagul-gol ako sa kanyang mga bisig dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buhay kong ito.
"Okay lang yan woy, iiyak mo lang mawawala din yan. Just a bad day bes not a bad life. I'm always here, cheer up Amara mabessy" dagdag pa ni Kate. Kahit malas ako sa pamilya at jowa swerte naman ako sa kaibigan kahit papaano.
Walang dumating na teacher kaya niyaya ako ni Kate na pumunta muna sa cafeteria.
Habang naglalakad kami ni Kate ay naiihi ako.
"Hm bes? Okay lang mauna ka na naiihi ako eh hintayin mo nalang ako dun okay lang ba?" sabi ko kay Kate.
"Oh ano ka ba okay lng sge siputin mo ko ha gaga ka" patawa nyang sinabi.
Pagdating ko sa CR ay kinikilabutan ako kasi nakakadinig na naman ako ng tinig na kakaiba jusko wala ba silang ibang lugar na pwde gawan ng ganong bagay. Nawala tuloy gana kong umihi kaya lang papunta nako ng cafeteria ay hinarang ako nang kumag na si Aiden.
"Oh look who's here. Ano na naman ba kailangan mo? Perwesyo ka sa buhay ko chupiii" pataray kong sinabi. Pangit na nga umaga ko dadagdagan nya pa.
Kaya lang hindi nagpadala ang kumag at hindi talaga ako pinadaan.
"Ano ba problema mo, wag mo na dagdagan problema ko pls!" galit na saad ko
"I'm here to make friends with you Amara, may masama ba dun?" nalulungkot na saad ni Aiden.
Heto na naman tayo Amara naaawa ka na naman jusko last nato.
"Okay friends, padaanin mo na ko please lang" tugon ko kay Aiden.
Dadaan na sana ako ngunit dumating si Vince at agad akong hinablot.
"Amara please sorry hindi ko yun sinasadya sorry patawarin mo ko, wag moko iwan please" sabi ng kumag na Vince.
Kunwari nadadala ako naaaah never, ikaw ba pagtaksilan kaya ekis.
"Bitawan moko Vince, tapos na tayo hindi ba yun klaro sayo? Nagtaksil ka walang hiya ka bitawan moko sabi nasasaktan ako!" mangiyak ngiyak na sabi ko kasi ang sakit ng paghawak nya sa kamay ko.
Nang bigla akong hinila ni Aiden
"Oy pre nakikita mong nasasaktan na yung babae bakit ayaw mo parin bitiwan ha?" sabi ni Aiden kay Vince.
"At sino ka para utusan ako ha!" agad kinwelyuhan ni Vince si Aiden.
Ngunit bago pa ako umapila ay sinuntok ni Aiden si Vince at dumudugo ang gilid ng kanyang labi.
"Pre ang mga babae minamahal, hindi sinasaktan" huling sabi ni Aiden bago umalis nang walang pasabi.
BINABASA MO ANG
'Til the End
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakatagpo si Amara Darlene Scott na takot magmahal at Aiden Josh Davis na palaging iniiwan. May mamumuo kayang pag-iibigan o isusuko lamang nila ang kanilang nararamdaman? Kakalabanin kaya nila ang kanilang kahi...