Kabanata 5

4 0 0
                                    

Dumidilim na sa labas ng room namin pero walang Aiden na dumating.

Nakakadisappoint kasi sabi nya pupunta sya sabi pa nya hintayin ko sya dahil may kukunin lang eh bat wala pa sya, magsasara na tong paaralan wala parin sya. Bukas na ang presentation pero walang Aiden.

Nakakafrustrate grrr. Sinabunutan ko sarili ko. Grades ko nakasalalay dito jusq naman.

Kaya wala akong choice kundi ang umuwi nalang pero malas kasi umuulan na.

"Malas naman na buhay oh, nakikisabay ba tong ulan na to sa nararamdaman ko? Hays" sabi ko sa sarili ko kasi nakakalungkot talaga.

Nilusob ko ang napakalakas na ulan kasi wala akong choice kundi ang umuwi sa mala impyerno naming bahay.

Matapos ang isang oras na lakaran ay nakauwi nako, yes naglakad ako pauwi kasi wala ng tricycle na namamasada at umuulan ng malakas.

Nanginginig ako pag uwi ng bahay at parang lalagnatin ata ako. Pagbukas ko sa pintuan iba ang sumalubong sakin.

"Paaaaaaaaaaaaaak" sinampal ako ng nanay ko jusq sge dagdagan nyo pa, wala namang magandang nangyayari sa buhay ko eh tsss.

"Anong oras na Amara, bat ngayon ka lang ha! Nakipagkita ka pa ba sa nobyo mo o kung sino mang lalaki ha haliparot ka! Paaaaaak" sampal na naman ang tinamo ko. Napupuno nako wala na.

"Oh sge nay sampalin nyo,sge pa. Ni minsan ba pinag explain nyo ko, ni minsan ba may pakialam kayo sakin? Nasanay nako sge sampal pa. Pagod na pagod nako sa buhay na to kung alam mo lang. Hindi ko alam ko anong problema nyo sakin kasi nay hindi ko alam kong nanay ko ba kayo sa lagay na yan!" napasigaw ako sa huling sinabi ko dahil pagod nako eh ubos na ubos na ako.

"Paaaaaaaaaaaaaak"
"Wala kang utang na loob Amara!" huling narinig ko balo tumakbo sa kwarto at nagkulong.

Umiyak ako ng umiyak, di pa ba nauubos tong mga luha na to tsssk.

Gabi-gabi nalang akong nakakatulog dahil sa labis na pag iyak hays malas na buhay.

Nagising ako hating gabi dahil ang sakit ng ulo  at nanginginig pa katawan ko.

"Arrrrrrgh malas naman pano nato bukas" naiiyak ako sa kamalasan na tinamo ko sa  buhay na to. Kasalan to ni Aiden eh, kung dumating lang sana sya hindi ako mauulanan.

Babangon sana ako ngunit nahihilo talaga ako kaya walang choice kundi pilitin matulog muli at magpakaokay.

"Laban lang Amara malalampasan mo to lahat" kumbinsi ko sa sarili ko.

Nagising ako sa ingay ni nanay jusq bumangon ako kahit nahihilo pako ng kunti.

Kailangan kong pumasok dahil may
presentation ngayon sa Music.

Matapos ang ilang paghahanda ay papasok nako sa school. Diko ugali mag agahan kasi nakakawala ng gana kasabay kumain nanay mong walang paki sayo.

"Namumutla ka ata bes?" sabi ni Kate dahil nagkasabay kami pagpasok sa school.

"Wala ka na namang almusal noh? May dala akong sandwich, kainin mo muna. Tara sa canteen malayo pa naman yung time" hinila ako ng napakabait kong bff.

Ang nag iisang lakas ko sa buhay. Parang kapatid ko na ata to eh.


FLASHBACKKKKKKK


"Ms. Scott, may favor sana ako sayo" sabi ng Math teacher namin nung grade 7 pako sa St. Willian Academy.

Tumango ako .

"May anak akong babae na magtatransfer dito grade7 din at gusto ko sanang kaibiganin mo kasi alam kong mabait kang bata at spoiled yun eh baka mabago mo. Kung okay lang " pangiting sabi ni Mrs. Rosales.

Pumayag ako kasi wala namang mawawala sakin dba?

"Class , you have new classmate and she's my daughter Kate Lesliejoy Rosales".

Pumasok ang anak nyang si Kate na naka poker face. Hmp spoiled brat talaga to kaya ko ba tong pinasok ko?

Tumabi sya sakin dahil walang ibang vacant seat.

"Hi Kate, I'm Amara Darlene Scott sana magkaclose tayo" pangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti sya sakin.

"Nice to meet you Amara". Shoookt sabi ng nanay nya spoiled brat to eh bat di naman hays.

"Para ka atang nakakita ng multo dyan woy HAHAHAHA wag ka maniwala sa nanay ko di ako spoiled. Sadyang sabi ko sa kanya ikaw gusto kong makaclose kasi paranng ambait mo. Sana maging bff kita" sabi nya habang niyayakap nya ko.

Ows ang sarap sa pakiramdam ng may nagbiibigay sayo ng importansya.

Lumipas ang  ilang araw, buwan at taon mas lalong tumatag ang pagkakaibigan namin.



END OF SHORT FLASHBACKKKK



Matapos kong kainin ang baong sandwish ng bff ko ay dumiritso na kami sa room namin.

Natapos ang first subject which is Math ay walang Aiden na dumating. Gaganti ako sa kumag nayun, dahil sa kanya nilalagnat ako ngayon.

"Bes okay ka lang talaga? Namumutla ka talaga" nalulungkot na sabi ni Kate at dumapo ang kamay nya sa noo ko.

"Potek Amara naman eh may lagnat ka halika  punta tayong clinic bat ka pa kasi pumasok eh ang init mo jusq naman bes!" pagalit nyang sinabi.

Tatayo sana ako ngunit dumating ang Music teacher namin. Oh No patay ako ngayon wala akong partner wala pang praktis. Naiiyak nako malas ka Amara malas!

"So class get ¼ sheet of paper then write write your names kasama yung partner nyo, if wala kayong partner kayo mag isa kakanta sa harap. Gets? At the count of 10 dapat nakapass na ha." sabi ni sir . Nataranta kami kasi pahirapan ang papel hihingi pa kami.

"Uyyyy pahingi, dalian nyo" sabi ng pabida kong kaklase jusq. Buti nalang at merong papel si Kate at di ako kawawa.

"1..... 2......3.....4.....5....6.....7....8...9...10. So lets start with Amara Darlene Scott" saad ni sir na syang kinabigla ko.

Malas talagaaa grrrr. Maganda boses ko pero awit ako unang kakanta nakakakaba kaya. Wala akong choice hays.

"Bes kaya  yan alam mong ang galing mo kumanta, para sa grades ajaaaaa" bulong ni Kate. Oh dba may supporter pala ako.

Tumayo ako at pumunta sa harap.

Nanginginig ako hindi dahil kinakabahan ako kundi dahil ang lamig. Dapat pumunta muna ako sa clinic eh ,kaya ko to hays.




Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling

At nung dumating

Ang aking panalangin

Ay hindi na maikubli




Jusq nahihilo nako di ko na ata kayang matapos ang kinakanta ko. Umiikot na ang paningin ko tulongggggg.




Ang pag-asang nahanap ko

Sayong mga mata

At ang takot kong sakali mang

Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na

'Di mapaliwanag ang nadarama



Huling salitang nakanta ko bago ako natumba at nawalan ng malay, ang tanging narinig ko lang ay sigaw ni Kate.



"Besssssssssssssssssssssssss!!!!!!!".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Til the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon