Panibagong araw na naman jusq , ang sigaw na naman ng bruha kong nanay ang gigising sakin. Late na naman ako araw araw nalang hays.
"Goodmorning Amara" bati sakin ng school guard.
"What's good in the morning ? Tsss" patakbo akong tumungo sa classroom namin .
Nang nadaanan ko ang music room na malapit lapit lang sa classroom namin ay natulala ako.
Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma'y naguguluhan
Nakakapangilabot ang tinig nya jusq ngayon lang ako nainlove sa boses ng tao.
Di ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad
Ang ganda ng boses ng lalaking to para akong hinaharana jusq malala nato Amara. Sisilipin ko sana kung sino ngunit tumunog na ang bell.
"Okay malas hays" tumakbo ako papasok sa classroom. Ngunit wala pa ata ang kumag na syang katabi ko. Bahala sya, paki ko ba?
Dumating ang Music teacher na nakangisi. Ano kayang trip nito jusq.
"Goodmorning class. I will give you an activity by pair. And this will be presented tomorrow" sabi nya habang nakangisi.
Ano kaya nilaklak nito at nakangisi hmp.
"Ano po bang presentation yan sir?" saad ng pabida kong kaklase na nakangiti.
Sige pumapel ka girl bibigyan ka ng 100 na grades nyan sge pa tssk.
"Ang activity na ibibigay ko is kakanta kayo by pair. Music ang subject na ito so wala kayong magagawa. Pumayag man kayo o hindi dapat nyong gawin. At bukas eppresent. By pair dba? Hindi kayo pwde mamili ng partner nyo. Gets?" sabi ni sir.
"Luhhhh sir kami nalang mamimili pleaseeee, baka di namin close yung magiging partner namin sige na sirrr pleaseee" sabi na naman nung pabida kong kaklase jusq ang oa ha. Di close eh classmate nga hays.
"Wait pag iisipan ko" sabi naman ng uto utong guro namin jusq naman.
Matapos ang limang minutong pag iisip nya eh nakapagdesisyon na sya. Limang minuto ang sinayang nya hays.
"So I guess hmm? Ang partner nyo ay ang katabi nyo HAHAHAHA" sabi nya na tawa ng tawa.
Wait ? Ano!? Noooo!
"NOOOOOOOO! HINDI PWDE!" napasigaw ako.
Ngayon lang nag sink in na ang katabi ko ay si Aiden at hindi pwde kami magkapartner.
Natulala ang mga tao sa paligid ko. Pati ang bestfriend kong si Kate.
Tinapik ko ang gaga kasi tulala talaga parang nakakita ng multo.
"Uyyy anyare sayo" nag aalala ako kasi hindi gumagalaw. Nabuhayan ako ng loob ng magsalita na ito
" Ano yun bes, ang lakas ng sigaw mo. Aayaw ka pa kay Aiden eh ang gwapo at yummy nun" naglip bite pa ang gaga amp. Anyare sa mga nilalang na to jusq naman.
Buti nalang at natauhan ang lahat ngunit malas eh.
"Tapos ang usapan class, katabi nyo ang magiging partner nyo. Aalis nako at magpractice na kayo. Goodluck" paalis na sya ngunit tumitig sya sakin at ngumiti. Awit anyare dun.
Sinundan ko ng tingin si sir hanggang nasa pintuan na sya ay syang pagdating ni Aiden.
Awit pano ko to sosolusyunan eh di kami close tas kakanta kami ? maganda ba boses nun? Hmp malas!
Wala akong choice kundi kausapin yung masungit na si Aiden.
"Hmm Aiden, may presentation tayo bukas which is kakanta by pair, eh yung katabi magiging pair so tayong dalawa." in mabait tone pa ha para di sya maiinis.
Sana umepekto to kasi grade conscious ako hays.
"Sige anong kakantahin natin? Ikaw mag suggest kasi wala akong taste sa music" sabi nya ng nakangisi pa.
Ginagawa nya? Happi? Nagtitimpi nako ewan bat napipikon ako sa isang to.
Parang may binabalak eh tss jusq wag naman sana.
"Ah sige ikaw at ako nalang kantahin natin. Malapit na yung time para sa next subject eh so magpraktis tayo mamayang hapon,gets? sabi ko ngunit wala akong natanggap na sagot kundi thumbs up lang.
Okay sige pagbibigyan kita ngayon tsss.
BINABASA MO ANG
'Til the End
Teen FictionSa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakatagpo si Amara Darlene Scott na takot magmahal at Aiden Josh Davis na palaging iniiwan. May mamumuo kayang pag-iibigan o isusuko lamang nila ang kanilang nararamdaman? Kakalabanin kaya nila ang kanilang kahi...