Macki Del Carmen

324 5 0
                                    

"So ganon po ang nangyare mommy," nakayakap ako sa kanya. Parehas kaming nakahiga sa kama niya. I was extra exhausted today because of what happened. Dahil diyan dito na lang ako matutulog sa tabi ng ina. Bukas din ang birthday niya. Monday bukas at kahit birthday niya kaylangan niya parin pumasok. Pinayagan naman si Mommy ng boss na mag-half day. Magpapa-cater kami bukas ng hapon dahil may mga bisita siya.

Patuloy niyang hinaplos ang buhok ko. "Hindi ka dapat iniskandalo ni Angela ng ganon. Hindi kita pinalaki para lang tratuhan ka ng ibang tao ng ganon. At itong si Zander anong ginawa nakatayo lang doon?"

"Hindi naman po mommy sinusubukan niya naman pong awatin si Angela. But she's just too angry."

"Sinaktan ka ba niya?" tumaas ang boses nito.

"Hindi po mommy. Isa pa dumating si Mike Samonte. Pumagitna siya sa amin."

"Mike Samonte. The shirtless guy awhile ago ?"

"Opo."

"May gusto ba sayo yun anak?"

Marahas akong napalingon. "Naku Mommy wala po. School mate ko lang po yun."

"Ang panget talaga ng pagpapalaki ni Maggie sa mga anak niya. Masyado niyang inispoil. Buti na lang ako merong maganda, mabait at napaka maunawain na anak."

Nilingon ko siya para ngitian. "Dahil birthday mo bukas mommy magluluto ako ng paborito mong kare-kare. Pagkalabas mo ng opisina deretso ka na sa bahay para dito na lang po tayo mag-lunch. Bago dumating mga bisita mo mommy."

"Sige. Ganon nga ang gawin natin bukas. "

Natahimik kami at naririnig ko na ang mahinang pag-hilik ni Mommy. Hindi agad ako pinatulog ng mga pangyayare ng araw na iyon. Who would have taught that out of all the people watching us that time only Mike Samonte stood up for me. I think I owe him this one. I should be nicer to him. And secret friend huh ? Crazy. Natawa ako bago hilahin ng antok.

Nagising ako na wala na si Mommy sa tabi. It was just 8 in the morning ang aga naman lumabas non hindi ko pa napansin. Nabati ko man lang sana bago siya pumasok sa office. I muttered a little prayer then stretch a bit. Nararamdaman ko pa ang konting sakit sa katawan dahil sa pagod kahapon.

Inabot ko ang fone ko para itext si mommy. I saw a text from Zander. This was from last night pa.

11:43pm
Sorry about what happened. I've already explain to Angela and that video was already deleted. Agatha took that video. Don't worry ako na ang bahala dito. Sorry ulit. Take care.

Agatha took that video. Saglit akong nanlamig dahil sa galit na naramdaman. Ilan sandali kong pinakalma ang sarili at nagdasal. Pagbibigyan ko siya. Isa pang chance. Last na ito.

Pagkuwan naligo na dahil kaylangan ko mag maggrocery para sa lulutuin kong kare-kare.

Pagkatapos kong nagluto ay saglit pa akong naglinis ng bahay para sa paghahanda para sa mga bisita mamayang hapon. Bumili rin ako ng mga birthday decorations.

Binitawan ko ang hawak na walis para mabunot ang cellphone sa bulsa. Kuya Macki is calling. Sa pagkaka-alam ko nakabalik na sila ni Hane kahapon.

"Hello kuya Macki."

"Hi Kyla. What's up ? Are you home ?"

"Yes kuya. Why ? Nakabalik na kayo diba. Ang sabi ni Hane nakauwi na kayo kahapon." Naupo ako sa sofa at nililibot ang paningin ka kabuuan ng aming medyo may kalakihang sala. Tinitignan kung ano pang pwedeng ayusin.

"Yes. I'm actually outside your house."

"Hah? Wait lalabas ako."

It was all if a sudden kaya nagulat ako. Agad kong sinipat ang suot sa salamin. May kaiklian ang jumper shorts na suot na napapalooban ng black fitted shirt. Gusto ko sanang magbihis pa dahil expose ang mahaba kong binti kaya lang ay nasa labas na siya. Wala naman kase akong inaasahang bisita ngayon. Balak ko palang maligo ulit pagkatapos mag-ayos ng bahay.

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now