Love Confession

242 5 0
                                    

Nagulat ako ng paglabas ng gate ay nakita ko si Macki. Inenspeksyon ko ang mukha niya habang palapit sa kanya. Salamat naman at wala siyang kahit anong galos.

"Macki, anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka. Sabay na tayong pumasok."

Naglakad kami hanggang sa paradahan ng tricycle. "Sinabi sakin ni Hane ang mga nangyare kahapon."

Saglit siyang napapikit sa frustrations. "Sabi ko sa kanya ay wag na muna sabihin sayo para mas makapagpahinga ka ng maayos."

"It's okay I'm fine now. Actually mas gumaan pa nga ang pakiramdam ko ng nalaman ko ang ginawa ni Britney. Atlis wala ng mananakit kay Jen dahil sakin."

Huminto si Macki at humarap sa akin. "Kyla uulitin ko. Papatay ako ng sinumang mambubully sayo."

Natawa ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "I actually called you last night."

He groaned.

"Why? What happened?" I asked.

"I had a few shots with your boyfriend. Gusto kaming ipagkaayos nila Dyllan. Naiwan ko ang phone ng magbanyo ako. That's when you called and he answered it. Sa galit niya ay binato niya ang cellphone ko."

Gulat na napamaang lang ako sa kanya. "It's okay papalitan naman daw ni Myco."

Sumakay na kami sa kalapit na tricycle. Ang school ay nasa 30 minutes ride away from my house. After nito ay isang jeep nalang at nandon na.

"Kyla may ginawa akong kalokohan." Saglit siyang natawa. "Nagsumbong ako sa boyfriend mo. Sinabi ko sa kanya ang ginawa ni Jen sayo."

"Bakit mo ginawa iyon?" frustrated na tanong ko.

"Gusto kong malaman ang gagawin niya. At tama lang iyon kase kasalanan naman niya."

"Anong gagawin ko Macki?"

"Sa ngayon wala. Bayaan mo silang magkagulo." Tumawa ito ng malakas.

Hinatid ako ni Macki paakyat ng building. Marami ang nakatingin sa amin. Ang iba ay halatang galit pero wala lang iyon kay Macki.

Pagpasok ng room ay nilapitan kami ni Hane. Niyakap niya ko. "Aalis na ko. Stay away from trouble. Susunduin ko kayo ng lunch." Dumudungaw ito sa mga kaklase ko na halatang pinagbubulungan kami. "At kapag may nagtangkang guluhin kayo humanda sakin." Nilakasan nito ang boses para marinig ng lahat. Saglit silang natahimik.

Maayos naman ang naging mga klase ko. Bukod sa bulung-bulungan sa malayo ay wala namang nagtangkang lumapit. Bumuhos din ang suporta ng mga kaibigan ko.

Lunchtime ng makatanggang ako ng text mula kay Mike.

Secret friend:
I hope your fine now. I miss you.

Pilit kong nilalabanan ang luha at nireremained sarili ko na nasa school ako. Magkahawak kamay kaming pumunta sa cafeteria ni Hane. Mas marami ang napapatingin samin ngayon.

"Gusto mo sa labas na lang tayo kumain." She whispered.

"Hindi na Hane." Ngumiti ako ng mapansin ang pamumutla niya. "Okay ka lang ba?"

Hinaplos ko ang noo niya. Wala siyang lagnat pero ang lamig ng pawis niya. "Medyo masakit ang tyan ko."

"Pumunta tayo ng clinic." Nung una ay ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko naman siya.

Madadaanan ang malawak na school quadrangle bago makarating sa clinic. Marami ang tao doon ngayon. May ibang nagka klase sa ilalim ng puno ng mangga they are having their PE classes. May iba naman na kaswal lang na naglalaro ng basketball.

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now