Video Scandal

332 9 0
                                    

   Ngalay at sakit ng paa ang naramdaman ko ng huminto kami sa court. Agad akong nilapitan ni Mommy at inabutan ng maiinom. Pinunasan niya rin ang mukha ko at mabilis na nag retouch. Tinatawag isa isa ang mga reyna's para ipakilala. Ng tawagin ako ay halos nakayuko lang at kiming ngumiti. Panghuling tinawag ang Reyna Elena kasama ang escort nito. Nakisali ako sa palakpakan ng umakyat sa stage si Angela na nakakawit ang kamay kay Zander. Dark blue ang suot na barong ni Zander kapartner ng gown ni Angela. Bagay na bagay ang dalawa. Nginitian ko si Angela ng mapatingin sa akin. Hindi niya ko nginitian pabalik at tinaasan lang ng kilay. Siguro ay napagod lang.

   We had a small feist after the event. It was a success and I might say that I enjoyed it. Masaya si mommy na nakikipag socialize sa mga kaibigan niya. Hindi matapos tapos ang kwentuhan kahit na dumilim na. Busy rin ang iba dahil may pasayaw na magsisimula ng 8pm. At ayaw kong maabutan non kaya naman 7:15 pm nagpaalam ako kay mommy na uuwi na ako at maiwan muna siya. Nung una ay ayaw niyang pumayag pero napilit ko naman siya na mag stay muna. Nagpaalam ako sa mga tiyahin at bitbit ang mga gamit umalis ako doon. Gustong-gusto ko ng alisin ang sandals ko ng makawala na ang mga masasakit kong paa. I badly need to rest. This is a tiring day. Pagmemake up palang ay nakakapagod at nakakangalay na.

   Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ng court ng harangin ako ni Angela. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit ng hilahin ang braso ko. Nabitawan ko ang bag na bitbit.

   "Bakit mo nagawa sakin to?" She asked.

   Nakita ko si Zander na tumatakbo palapit sa amin. Hinapit niya si Angela at binulungan. "It's not what you think."

   "Really Zander? Kahit na halatang-halata naman sa video nilalandi ka niya." Tumaas ang boses ni Angela na dinuro ako.

   Lumundag ang puso ko sa narinig. I don't know what's going on but seeing how angry she is parang nagwawala ang puso ko sa kaba.

   "Don't make a scene here." Zander caress her hair as he calms here.

   Unti-unti na kaming nililingon ng mga tao dahil sa komusyon. Buti na lang at malakas ang audio na tinetest para sa pasayaw mamaya. Nasa malayong part din ng court si mommy.

   "Bakit? Dahil ayaw mong malaman nila ang pinaggagawa niyo habang wala ako." Sumbat nito kay Zander at nilapitan ako. Lumandas ang luha sa kanyang mga mata. "Kyla hindi ko inakalang magagawa mo sakin ito. Of all people ikaw pa."

   "Angela I don't know what's your talking about."

   Lumapit sa amin si Bill na isa sa mga nakamasid. "Ate Kyla there's a video of you and kuya Zander kase."

   May tinipa si Angela sa fone at plinay ang video. "Maang-maangan ka pa Kyla huli ka na nga sa akto."

   Nanlaki mata ko ng makita kami si Zander sa video sa loob ng gate nung isang gabing pinuntahan niya ko. Naka zoom sa amin ang camera kaya kitang-kita kung pano niya ko niyakap at kung paano ko siya niyakap ng mas mahigpit. Kahit sinong makakakita sa video ay iisiping may ginagawa kaming masama lalo na at sa madilim pa kami nag-uusap. Natapos ang ilang segundong video na magkayakap lang kami. Napatingin ako sa humihilot sa sentido na si Zander.

   "Ano Kyla deny pa. Itanggi mo magpalusot ka para naman hindi madungisan yung good image mo." Tinulak nito ang balikat ko. She's still wearing her gown pero dahil sa sanay siya sa ganon hindi siya hirap kumilos.

   Paulit-ulit niya kong tinututulak sa balikat dahil sa hindi ako makasagot. Napapaurong narin ako. Dumadami ang mga taong nakapaligid sa amin.

   "Angela, please tigilan mo na to. Mag-eexplain ako umalis na tayo dito." Si Zander na humawak sa balikat niya pero winaksi lang niya.

   "Disappointed ako sayo Zander pero mas disappointed ako kay Kyla. I wanna hear her side. Come on Kyla talk," she mocked me.

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now