Basketball Shoes

283 5 0
                                    

Muntik na kong napatili ng may humila sa braso ko. Isinandal ako ni Mike Samonte sa pader. Nasa ikalawang palapag kami ng building. Kaunti narin ang tao dahil halos lahat ng klase ay tapos na.

"Bakit mo ko pinagtataguan," he's to close that his breathing tickles my cheeks kahit na bumulong lang siya. Nakadikit din ang sapatos niya sa paa ko. He's right hand is holding my arm.

Sinimangutan ko lang siya. I wanted to push him away hindi ko magawa. Ito ang unang beses na naging ganito kami kalapit. Hindi ko mapigilang kilatisin ang buong mukha niya. Mula sa nakaayos na buhok, makinis at perpektong hugis ng mukha. Ang mga kilay niyang medyo makapal. Ang tangos ng ilong. At sa huli ay napatingin ako sa labi niya. It was a bit reddish. Ganyan din ang itsura ng labi niya nung huli ko silang nakitang naghahalikan ni Britney sa kwarto niya. Inilag ako ang paningin sa kanya ng maalala ang kwento ng mga kaklase.

Sa ginawa ko ay hinawakan din niya ang kabilang braso ko. Ngayon ay dalawang braso ko na ang hawak niya. Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay kinukulong niya ako. Tinapat ko ang dalawang kamay sa tyan niya para itulak siya.

"Tigilan mo na ako." Pagsusumamo ko na diretsong tumingin sa mga mata niya.

Nagkatitigan lang kami. Hindi siya natinag sa panunulak ko. Tumigil ako sa pagtulak sa kanya pero ang mga kamay ko ay nananatiling nakahawak sa tyan niya. Mali ito diba ? Because it felt too right.

"Baby what happened?" Manunuyo ang mga mata niyang mapaghanap.

Umiling na lang ako at yumuko. Dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Dumampi ang labi niya sa noo ko dahil sa pagyuko ko. Tiningala ko ulit siya.

"Sorry," nag-apologize ako dahil sa nangyare.

Napabuntong hininga siya at mas nilapit sakin ang mukha. Hindi ako makagalaw lalo na ng yumuko siya at siya mismo ang nagdampi ng labi sa aking noo. Magaan lang yun. Pero alam ko andon ang labi niya ng matagal na sandali. "I'm sorry Kyla. I'm sorry."

Napayuko ako. Para siyang nakayakap sakin dahil sa pwesto ng katawan niya pero hindi siya nakadikit sakin. Nasa may gilid ko ang mukha niya at nakayuko din. May mga dumadaang iilang estudyante pero kampante ako na di kami mamumukhaan dahil sa ayos namin.

Matapos ang ilang minutong katahimikan tinulak ko siya ulit. Galing sa pagkakapikit ng mata dumilat siya at tinitigan ako. Lumayo din siya ng bahagya. I have to do the right thing.

"Let's stop this here."

Ipinilig niya ang ulo sa kaliwa. "Hindi pa nga nagsisimula Kyla pinapatigil mo na."

"Oo. Kase yun ang dapat. Mas alam mo yun kase ikaw tong may relasyong maaapektuhan."

He chuckled pero nababakas ko sa mata niya ang lungkot. "Nag-aalala ka sakin."

"Hindi ako nag-aalala sayo. Mas nag-aalala ako para sa sarili ko."

Natigilan siya ng ilang sandali. Pagkatapos ay binitiwan ako. Lumayo siya ng bahagya. "You're right."

"Stop flirting with me Mike."

"I will stop if you answer me properly." He fix a few strands of my hair.

I want to stop him from his sweet gestures kase pakiramdam ako natutunaw ako. Umilag na lang ako para matigil siya.

"Do you really have a crush on me?"

"I already told you." Mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko. Tunog nanunumbat din ako. Saglit akong natigilan. "Nanonood kami ni Angela ng liga nung nakita ka naming naglalaro. Sabi ko kilala kita dahil lahat ng babae sa school may gusto sayo."

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now