Mike Samonte

431 10 0
                                    

Halos mapaurong ako ng matanaw si Mike Samonte na nakaupo malapit sa poste ng ilaw. Nakaitim na sando lang siya nakapatong sa tuhod ang pulang jersey na suot kanina. Nakatukod ang mga siko sa tuhod habang nakayuko. Walang ibang tao sa paligid. Dead end narin ang gilid niya. Yung pinanggalingan ko lang ang tanging daan palabas. Medyo madilim din sa kinatatayuan ko.

Nag iisip pa ko kung lalapitan ko ba siya o aalis nalang. Pwede namang patay malisya lang diba. Tumayo siya ng mapansin ako. Lumapit siya sakin nangungunot ang noo at naniningkit ang mata. Tumabi ako sa daan malay ko ba kung dadaan lang siya. Ayaw ko siya tignan pabalik. Pero huminto siya sa mismong harap ko kaya tiningala ko siya.

"Ikaw ba ang nagpapunta sakin dito?" his voice was cold and deep at the same time.

"Hindi. May hinihintay rin lang ako."

He took a deep breath and checked the time on his phone as he turn the screen on. Hawak niya ito sa isang kamay kasama ng jersey niya. Tinalikuran niya ko. Nakarinig ako ng iilang mura sa kanya. He seems pissed.

"Kyla!" Tawag ni Angela sa malayo. Halos malukot ang mukha ko ng makitang nakakawit ang braso niya at kinakalakad niya palapit si Zander.

Parang may nagbara sa lalamunan ko. God knows how much I want to run but the only way I can walk out is where they are coming from. Napaurong pa ko hanggang sa yung rehas na nagsisibling pader na lang ang nasandalan ko.

"Ano nakapag-usap na ba kayo ni Mike Samonte?" Maligaya nitong pahayag.

Upon hearing his name Mike turned to us.

"Ano naman kaylangan nilang pag-usapan ni Mike Samonte?" Iritado si Zander.

Unti-unting lumapit samin si Mike. This time nakapamulsa ang isang kamay. His dark eyes are directed to me.

"Crush ni Kyla si Mike Samonte." Walang prenong banggit ni Angela. Tumawa pa ito at tinukso ako sa lalaki.

"No. Of course not." Nanlaki ang mata ko. Hindi alam kung kanino ako haharap para umiling. Kay Mike Samonte ba na nasa kaliwa ko at matalim na nakatingin sakin o kay Zander na nakasimangot na.

"It's not funny Angela." Then Zander walked out.

Sinundan ni Angela si Zander kaya naiwan kami ni Mike. Stunned by what happened nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"It's not true," bulong ko habang nangingilid ang luha.

"Kyla right? Hane's Kyla?"

"Yes" In a shaking voice I answered. Buti na lang nasa madilim akong parte hindi halata ang nakasungaw na luha.

Tumango lang ang lalaki tapos napatitig sa expose kong legs. Awkward na pinagdikit ko ang mga paa at hinila laylayan ng palda.

"Damn," Mike whispered and walked away. Narinig ko pang kausap nito ang girlfriend habang palayo. "Yes babe papunta na ko." Tinanaw ko na lang siya habang nagtatakbo siya paalis.

Kapag nalaman ni Hane ang mga pinaggagawa ng pinsan ko ano kaya ang magiging reaction niya? Alam ko masaya na siya kay Myco Samonte ngayon pero kapag nakarating sa kanya ang kasinungalingan ng pinsan ko alam ko magagalit parin yun. Mike Samonte's good at basketball indeed. But he's not attractive for me.

Bigo. Umuwi na lang akong mag-isa. Ang sakit na hindi ka pa nakaka move-on sa ex mo tapos siya masaya na sa iba. Ang mas masakit yung may mga binabalikan kang good memories pero alam mong tapos na yun.

I cried alot last Christmas Eve because of Zander. Pumunta ako sa bahay nila para bigyan siya ng Carbonara na gawa namin ni Mommy. Their house is just few blocks away from ours. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko ng ilang araw kaya nagdesisyon na kong puntahan siya. Naabutan kong may party sa bahay nila. He's with his peers and he seems drunk but happy. Nawala yung ngiti niya ng makita ako. Nilapitan niya ko ng makita sa may gate nila then his words are. "Tigilan mo na ang pagtetext at pagtawag sakin. Nakukulitan na ko." Tapos tinalikuran na niya ko. Naghintay ako ng ilang araw na bawiin niya ang sinabi niya baka lasing lang yun pero nung New Years Eve nalaman kong may gusto siya kay Angela. I have to hide my pain to mommy. Nagtatanong siya bakit daw hindi na dumadalaw sa bahay si Zander. Ang hirap magpaliwanag kapag masakit sa loob. I always cry myself to bed every single night for the past months. Hoping one day matatapos din to.

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now