08

778 19 0
                                    

08



Tinanaw ko ang buong pasilyo ng hotel na dinadaanan namin. This place was good. Maganda.

"Nakapasyal ka na ba dito?" biglang tanong ni Anton.

"Hmm. Noon pa, mga taon na siguro? Masyado kasi akong busy sa school eh. Ikaw? Have you been there? Or first time mo din?" nilingon ko siya sa tabi ko.

"I've been here with my fiancee." nag iwas siya ng tingin sa akin.

"Eh nasaan siya? Bakit ka nagpakasal sa akin? You should marry your fiancee." napakunot ang noo ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon. "Wala na siya.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Ano? Wala na ang fiancee niya? Anong nangyari? "Oh sorry."

Hindi na siya nagsalita ulit. Pumasok na kami sa isang presidential suite na kinuha nila Mom para sa amin.

"Nagugutom ka ba?" tanong ni Anton.

"Oo! Sige kain tayo?" anyaya ko.

Tumango lang siya at sumunod na sa akin palabas. Pupunta kami ngayon sa resto ng hotel na 'to.

"Table for 2 please." utos ko sa waiter.

"This way ma'am." inilahad ng waiter sa amin ang daan papunta doon.

Nag-order na muna kami ng pagkain. We talk some random things like school and about our life and plans somehow I can say that he's a good companion.

"Ilang taon ka na ulit?" tanong ko.


"I'm 21 ikaw?" siya.

"Ako? Ah. 20 na." sumimsim ako ng frappe.

Nilantakan ko 'yong pancakes pati 'yong pizza na inorder niya. Umorder lang ako ng green salad para sa dessert.


"Are you done?" tanong ko ng hindi na niya ginagalaw ang pagkain niya.


"I'm done. Finish your food." sabi niya.


"Okay."



Nagpaalam na muna ako sa kanya bago umalis sa table namin. I need to pee first. Argh! Naiihi ako!


Mabilis ang lakad ko papunta sa restroom. Matapos kung umihi ay kumuha ako ng tissue sa powder room. Nagretouch muna ako saglit bago lumabas.


"Saan natin itatanim ang bomba Edgar?"


Napakunot ang noo ko sa lalaking nagbubulungan at may dalang malaking handbag. I think there is something wrong.


Napalingon sila sa gawi ko kaya agad akong nagtago sa loob ng malaking halaman.


"Baka may makakita sa atin! Mag-ingat ka! Ibaon mo 'yang bomba sa gitna ng resort! Dali!"


Napatiim-bagang ako ng mawala sila sa paningin ko. What the hell!?




Lumabas ako sa halamanan ng makita silang lumiko sa isang pasilyo, papunta sa pool area. Maraming tao doon, siguradong doon nila ibabaon ang bomba.



"Ang tagal mo naman." reklamo ni Anton mula sa likod ko.



Nilingon ko siya agad. "Secure the people! Palabasin mo sila sa hotel! Dali!"



"Teka anong nangyari!?" tanong pa niya.



"Mamaya ka na magtanong! Dali na! Bilis!" utos ko at iniwan siya doon.



Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon