19

722 19 0
                                    

19

Nakasimangot akong makipagkita kina Avi na naghihintay na sa akin sa labas ng village, ngayon kasi ang outing namin sa Palaui Island, nagpaalam pa ako kay Anton mabuti naman at pumayag siya, akala ko hindi. Ang init naman dito! Parang ayoko na lang tumuloy.

"Hoy! Bakit nakasimangot ka diyan? Ha! Hindi ka sana sasama 'no? Aba! Tigilan mo ako Lira Buenavista! Naku!" tinulak pa ako ni Mishy kaya muntik na akong mabuwal, sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.

Powertrip na naman!

"Masyadong nahuhumaling sa asawa haha! Minsan ka na nga lang lumabas eh ayaw mo pa? Baka naman sa susunod niyan malaman na namin na ikaw na iyong humiling kay Anton na magpakadena sa kanya?" humalakhak Avi na ikinasimangot ko.

Bakit ba ganito ang ugali ng mga kaibigan ko?

"We're just friends." imik ko pa.

"Nek nek mo! Hindi kami ipinanganak kahapon oy! Anong friends? May friends ba na naghahalikan!? Amputcha Lirs. Lokohin mo sarili mo teh." pambubuyo ni Mishy.

Napailing ako sa sinabi nila. Magkaibigan lang naman talaga kami ni Anton ah? And about doon sa kiss? Nagkikiss rin naman ang friends ah?

"Maniniwala pa ako sa'yo kung sabihin mo na friends with benefits. Tss." si Avi ulit.

Hayst. Bahala nga sila!

Tumigil na sila sa pambubuyo sa akin ng dumating na si Kio na nakabusangot. Oh? Napipilitan lang din ba siya?

"Hay nako, tumigil kayo sa drama nito ha! Once lang talaga ang out of town natin! Wag na kayong mag inarte!" si Avi na halos sumabog na sa sobrang pag iinarte ni Kio.

At ako din pala haha.

"Ang saya 'no? Saya ka teh?" inis akong binalingan ni Avi.

"Tara na nga! Ang drama mo Av, para kang ewan." piningot ko siya.

"Aray ha! Aray!" isinasiwas niya ang kamay niya para pigilan ako.

"May topak 'yan bess, malamang nag away na naman sila ni Sean. Tsk. Tsk. Tsk." umiling si Mishy.

"Oh shut it u-----" pinutol ni Kio si Avi.

"Ang ingay mo naman Aviegail! Hindi ka ba naaawa sa tenga namin?" saway ni Kio.

Napangisi ako ng matigilan siya. "Oo nga parang anytime ay lalabas na ang eardrums ko!" reklamo ko din.

"Ako din haha!" si Mishy.

"Sakit ng tenga ko bess," reklamo ni Myx.

"Tss. Sorry na nga! Fine!" maktol niya.

Kinuha kami ng pick up papuntang airport. Masyadong maaga pa kaya natulog na muna kami, mabuti naman at binantayan lang kami ni Kio.

After an hour of driving ay nakarating na kami sa airport. Wala sa sarili akong sumakay sa private plane nila Mishy dahil sa inaantok pa rin talaga ako. Amp.

"PALAUI ISLAND HERE WE COME!" sigaw nila saka pa lang ako nagising.

"Oh? Pagod na pagod ka ata? May ginawa ba kayo ng asawa mo kagabi?" ngumisi si Mishy.

Kumunot ang noo ko sa ngisi niya. "Huh? Anong ginawa?" inaantok pa rin na sabi ko.

"Alam mo na 'yong..." sumenyas senyas pa 'yong kamay niya ng kung ano.

Shet?

"Hoy! Bastos ka!" kinurot ko siya kaya mas tumawa siya.

"Dali na kayo! Ayy ang gandaaaaa!!!" tumili si Avi at Myx kaya bumaba na din kami.

Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon