27

747 13 0
                                    

27


Lumabas muna ako sa village dahil nandoon na daw siya sa gate at naghihintay na sa akin. Nakita ko siyang nakasandal doon sa labas nakaporma pa. Asus.

"Ang ganda talaga ng future wife ko." humalakhak siya at nilapitan ako para hilahin papasok sa kotse.

"Grabe ka naman, pinalabas mo pa talaga ako ha!" sinapak ko siya sa braso.

"Chansing ka oy!" kinurot naman niya ako.

"Wala ka na 'bang trabaho Caleb? Alam mo hindi mo na naman ako kailangan bisitahin eh. Ayos lang naman ako." sabi ko.

"I'm just checking you out. I want to take care of you." sumeryoso siya bigla.

"Ha! I'm not your girlfriend!" tumawa ako.

Hininto naman niya agad ang sasakyan ng makarating na kami sa gate ng village namin. Hinintay na muna namin na mabuksan ng security guard ang gate namin bago kami pumasok.

"Nandito ba ang asawa mo Lirs?" kinalabit niya ako.

"Ah. Umalis hehe. Siguro nag gym lang. Halika!" anyaya ko sa kanya at inaya siya papunta sa living area.


Napangiti naman siyang sumunod sa akin. Iniwan ko muna siya saglit sa living area para pumunta sa dinning area. Magba-bake muna ako ng cookies para sa kanya.


"Need help?" napalingon ako ng mabosesan si Caleb sa likod ko.

Inayos ko muna ang mga gagamitin ko bago siya nilingon na nakahilig na ngayon sa pinto ng kitchen counter. Ang cute!

"Bakit marunong ka ba magluto?" hamon ko pa.

"Challenge mo ba 'yan sa akin huh? Oh sige maupo ka, gagawan kita ng kahit na anong gusto mo." ngumiti siya.

Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa. Talaga? He will cook for me?  Omgee!!


"Talaga? Lutuan mo ako ng choco roll cake!" kumislap bigla ang mata ko ng tumango siya.


"Omgee! Thank you Caleb!" sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya.


He just chuckled and tap my cheeks. "Iyong likod mo baka kumirot na naman. Take care." he said worriedly.


"I'm fine! Ayos na naman ako eh!" ngumuso lang ako at umupo sa kitchen counter habang inaayos niya ang mga gagamitin na ingriedents.


I just don't know if why I want an attention from Caleb, maybe because Anton can't give me an attention that I really want to, maybe because he is the only man he made me feel special from the start.

Kahit bago pa lang kami magkakilala. If he really wants a chance we'll I want to give it to him because he truly deserve it.

He's kind and gentle and very understandable. Kung siguro ay una ko siyang nakilala siguro naging masaya kami.


Siguro hindi ako mahuhulog sa iba. I know na bago pa lang kami na magkailala ni Caleb but based on his actions, he speaks of being a gentle, kind and very sociable person.

"Sobra ba talaga akong gwapo sa paningin mo?" panunukso niya pa.

"Gago!"


"Luh nagmura, language mo." saway niya.

"Hmp. Minsan lang naman eh!" reklamo ko din.

"Ang cute mo." heto na nanaman po siya.

"Ang cute! Ang ganda! Aww ang swerte ko naman!" tumawa ako at napailing na lang.

Ngumisi lang siya bago kinuha ang naunang chocolate roll cake na luto na. Nilapag niya iyon sa harap ko.

Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon