30

819 19 0
                                    


(Warning R-18)

(Matured scenes teh. Kung hindi kayang basahin, chupi! Ahaha!)

30



Dumaan muna ako sa bistro para siputin si Caleb sa dinner date kuno na hinanda niya. Well.


"I'm so glad you came. Akala ko hindi ka na tutuloy eh." aniya.



"Minsan lang naman Caleb at saka hindi naman ako busy para hindi ka siputin, nagpromise pa naman ako sa'yo." naupo ako sa harap niya.


"It's fine. Ang importante nandito ka. Now eat." he smiled genuinely.



Matapos namin kumain for dinner ay inihatid na niya ako sa village. The car stop at the gate then I let myself open the door when he insist to open it for me.


"Tsh. Thank you!" I smiled cheerfully.



"Anything for you I will." he tap my head. "I have to go, bye!" he kissed me on the forehead.


Napanguso ako at kumaway na siya palayo sa akin, kumaway din ako pabalik. Napasinghap ako ng makarating na sa bahay.


Oo nga pala.



"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?" malamig na salubong ni Anton sa akin.


Nandito pa pala 'to? At tsaka wait?


Nakita ko sa di kalayuan ang mga basag na bote at mga kung anong inumin na nagkalat sa counter top. Ininom niya diretso 'yong isang shot na vodka at nagsalin agad. Shit!

"Pst! Tigilan mo na 'yan. Halika na!" nilapitan ko siya at akmang hahawakan ng iniwas niya ang siko niya. "Matulog na tayo oy!" mas lumapit pa ako sa kanya pero mas lalo lang siyang lumayo.

"Sumama ka kay Caleb? Diba sabi ko na layuan mo siya? Gaano 'yon kahirap intindihin?" nag aalab ang galit niya kaya napa-iwas ako ng tingin.

Napasinghap ako. Magiging ganon pa kaya siya sa akin kapag nalaman niya na ako ang dahilan kong bakit nawala ang fiancee niya? I bet not. Kamumuhian niya ako.


"Hindi ko pa siya sinasagot." untag ko.

"Kahit na. Sinipot mo pa rin. You give him false hopes that you give him a fucking chance." sumbat pa niya.


Umirap ako sa kawalan. "Ang arte mo! That was only a dinner! Ano namang ikinagagalit mo doon e gusto mo pa lang naman ako!" inis din na sabi ko. Arte talaga!


"Ako ang asawa mo kaya dapat akin ka lang." malamig na aniya.



Napatawa ako ng wala sa oras. "Excuse me? You don't own me. Nagpapatawa ka ba?" ngumisi ako.


"What's funny? Para kang tanga." inakbayan niya ako.


Aww huh.


Namumula na ang mukha niya dahil sa ka-iinom niya. Siguro kanina pa 'to. Napailing ako at niligpit ko na 'yong mga basag na bote at nagkalat na baso sa counter table. May bisita ba siya kanina?

Hindi ko na lang siya ginulo at nagpatuloy sa pagliligpit ng mga nagkalat sa countertop at nilagay 'yon sa kusina. Napansin ko na tila para siyang malungkot na nakatingin sa kawalan, parang may problema e.


Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglilinis ng mga gamit na baso ng biglang may yumakap sa likod ko. Napasinghap ako. I know it's him. Is there something wrong?


Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon