45

1.2K 21 0
                                    


45

Napakunot ang noo ko ng makita ang marriage contract na pinadala ni Kio sa akin. Ano 'to!?

Marriage?

What the hell!? Ibig sabihin ay hindi pa... Impossible! Anong katangahan ito?!?

Hindi pa kami annull? Hindi niya ba ipinasa 'yong annulment papers namin noon kaya walang naaprubahan!?

"W-What about his wedding?" wala sa sariling bulong ko sa kawalan.

It's been 2 months since I stay here in San Alfonso mabuti na lang at may contact kami ng anak ko, namiss ko na siya. I really miss her.

"Pwede mo naman na bisitahin si baby Kierra kina Anton e." suminghap si Mishy.

"Mishy... Hindi kami annulled ni Anton." wala sa sariling sabi ko.

"Edi mabuti- ANO!?"

Paano nangyari 'to? Hindi niya ba ipinasa ang anullement namin sa city hall!?

Shit!

"Hoy! Paano nangyari 'yan!? Edi ba gusto din niya ang makalaya sa'yo!? Paano 'yan ngayon Lira? Pwede niyang ilaban ang costody ng bata at manatili sa poder niya!" natatarantang sabi niya.

"Hindi kami makakalabas ng bansa kung kasuhan niya nga ako. Baka mag file siya ng restraining order laban sa akin! Shit!" pinunit ko 'yong marriage contract namin.

"Hay nako kahit anong punit mo diyan, maraming copies 'yan teh!" si Mishy ulit.

Nagpipigil talaga akong tumalon dito sa terrace dahil sa nalaman. Argh! Nakakainis! Ang buong akala ko...

"You never escaped from a chain Lira. Mukhang mahihirapan kang makawala sa asawa 'mong 'yan." umiling si Mishy.

She's right. Hindi ako papayag na paglaruan na naman niya ako. Never.

"Mag issue ulit kayo ng annullment papers. I'll call Kio." irita na talagang sabi ko.

Napailing ako sa papel na natanggap ko ngayong araw. Kutang kuta na talaga ako sa problema na ito! Leche!

After a week of working to my new partime job here in San Alfonso it goes great somehow. Mabuti na lang.

Wala ngayon ang asawa ni Mishy dahil nandoon daw sa abroad at may inaasikaso ngayong negosyo. Kaming dalawa lang ang naiwan dito.

"Ano naka-move on ka na ba sa kanya?"

Nilingon ko si Mishy na kinarga ngayon ang anak niya. Kumislap ang mata ko sa cute niyang baby. Tahimik itong natutulog sa bisig ni Mishy.

"Ang cute naman ni baby boy! Aww. Hi Andres! This is ninang ganda!" ngumuso ako ng medyo gumalaw siya, baka nagising dahil sa ingay ko.

"Cute talaga 'yan bes! Mana sa Mommy niya!" mahinang tumawa si Mishy.

"Namiss ko na bigla ang baby ko." suminghap ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko kaya nagpaalam muna ako saglit kay Mishy.

Oh! It was my baby!

"Mama ko! I miss you na po! Uwi ka na sa house natin! Na sad na ang heart ko Mama. Matagal ka ng hindi umuwi sa house natin po. I always cry po kasi wala ka. Mama go home ka na po please?" salubong niya sa kabilang linya, kagagaling lang sa pag iyak.

Ini-on ko ang camera para maka-video call siya at tama nga ako, umiiyak siya. Namumula ang mata niya sa pag iyak.

"Shush. Uuwi din si Mama diyan this week okay? Wait mo lang si Mama ha?" nahihirapang sabi ko.

Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon