16

741 15 0
                                    

16

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Fuck! I have a hang over!

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at dumiretso sa restroom. Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba sa dinning area. Napahilot ako sa ulo ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumabas kayo kagabi ng mga kaibigan mo?" isang baritonong boses ang sumalubong sa akin ng makapasok sa dinning area.

Napasinghap ako bago naupo sa kabilang kabisera. Seryosong nakatingin sa akin si Anton habang ako ay abala sa paglagay ng cream sa kape.

"Lahat na lang ba ng dapat kung gawin ay kailangan 'mong malaman?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Nasa pamamahay kita Lira. Bakit ba ang hilig 'mong pagaalahin ako huh?" malamig na sinabi niya.

Maingat kong nilapag ang baso malapit sa pinggan ko. Napangiti ako sa sinabi niya. What a man of principle indeed.

"You don't have to worried about me. Mas nag alala ako sa'yo kaysa sa sarili ko." malumanay na sabi ko bago iangat ang baso at uminom ng tubig.

"Magpaalam ka sa akin sa susunod. Learn to ask permission with me Lira. Dahil sa oras na mapahamak ka sa poder ko, masisira lahat ng pinaghirapan ko. Nasa paligid ko ang medya at mga detractors. They can ruin my reputation in just one snap." he buts in.

Ah. Okay.

"I know. Ma ingat ako Anton. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa'yo." malamig na tugon ko.

Tumango lang siya at hindi na ulit nagsalita.

Matapos namin mag umagahan ay nagbihis ako ng bathrobe para makapagswimming ako. I have no class today. Katatapos ko lang kahapon sa exams.

Naupo muna ako sa kama habang kinakalas ang kwintas ko. Napansin ko ang picture frame sa isang tabi. It was Anton and a girl. Hindi ko siya namumukhaan pero parang nakita ko na siya.

Dahan dahan kong nilapitan ang frame at hinawakan. Nagyayakapan sila sa picture at masayang masaya. Pero nasaan na ang babaeng ito ngayon? Bakit pumayag siyang magpakasal sa akin kung gayon na may fiancee naman pala siya?

Nilapag ko 'yong picture nila sa side table. Naupo ako sa kama ulit habang abala sa paglalagay ng sunblock. He really love that girl.

Hindi ko na lang iyon pinansin at pumunta na sa infinity pool area namin. Kinalas ko 'yong bathrobe ko, revealing my red strap bikini, inilugay ko 'yong buhok ko bago unti unting bumaba sa pool.

Napapikit ako ng maramdaman ang lamig ng tubig sa pool na unti unting yumakap sa akin. Ah. I should do this if I'm not busy.

Nag laps muna ako ng dalawang beses bago umahon. Uminom muna ako ng orange juice bago nagpatuloy sa pag laps. Napansin ko na parang may humila sa paa ko kaya napapiglas ako sa gulat. The fuck!?

"Omg! AAAH!" tumili ako ng may gumapang na talaga sa mga hita ko.

Napapangunahan ako sa sobrang takot kaya napalundag ako at lumayo doon pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Pft!"

Fuck!?

"Anong ginagawa mo diyan!?!" tili ko ng makitang umahon si Anton sa harap ko.

Siya 'yong humawak sa akin!? Bakit nandito 'to!?

"What the hell!?" tinulak ko siya palayo sa akin ngunit hindi siya natinag.

Sinamaan ko siya ng tingin at malakas siyang hinampas. Fuck? I almost got heart attack? Akala ko may shokoy sa ilalim!?

"Aray. Ang sakit!" reklamo niya.

"Bakit ka naninisid!?" galit na talagang akusa ko dahil sa ginawa niya.

Akmang lalayo na ako ng hinapit niya ako papalapit sa kanya at siilin ng halik. Hindi ako makapagsalita. What was that?

"Hindi pa ako nagsimulang sumisid sa'yo." ngumisi siya kaya hinampas ko siya ulit.

OMG. Manyak!

"Bastos! Pervert! Manyak!" hampas ko siya sa braso kaya marahas niyang hawakan ang papulsuhan ko at kinulong ako sa gilid.

"I love your lips." he muttered.

"Ano ngayon? Pag ingit pikit." umirap ako sa kawalan.

Hala! Bakit niya ako hinalikan?

"Why are you kissing me!? You pervert manyak!" angil ko pero imbis na mainis sa akin ay nakakaloko siyang ngumisi.

"Wala pa nga akong ginagawa eh. Do you want to try bedding me?" nang aakit na aniya niya.

Umirap ako sa kawalan. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito. Thickfaced feeling gwapo!

"Bed my ass." I rolled my eyes.

"I saw you kissing a man on the bar." he started. So nandoon siya kagabi? Is he stalking me? "Coincidence na nakita kita doon." dugtong pa niya.

"Sinong niloko mo? Hindi ako pinanganak kahapon Anton. Wag 'mo 'yang sabihin sa akin na hindi ka sumunod!" bulalas ko.

"Ang kapal din ng mukha mo." bulong pa niya na narinig ko naman.

Namula agad ang mukha ko sa sobrang inis, ha? At ako pa talaga ang makapal ang mukha!?

"Argh! Diyan ka na nga!" inis na sabi ko.

Unti unti na niya akong binitawan kaya tumalikod na ako sa kanya. Akmang aalis na ako doon ng niyakap niya ako mula sa likod, isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko. Napapikit ako ng may maramdaman na wait?

"Anton! A-Ano 'yong------"

"Sssshh. Let's just remain like this for a while please?" biglang malungkot niyang sabi kaya sinilip ko siya sa likod ko.

Bakit bigla siyang nagdrama?

"Ayos ka lang ba? May problema ka ba?" nag aalala biglang tanong ko.

"Nothing. I just want you be with me." he sighed heavily.

Hindi ko alam ang problema niya at wala naman akong karapatan na makialam dahil asawa lang naman niya ako. We still respect and didn't invaded our privacy. Napasinghap ako dahil hindi na dapat ako nakisawsaw sa problema niya but I guess he need my advice?

Nandito lang naman ako as a friend. Phew friend daw pero asawa. Amp.

"Sabihan mo lang ako kapag may problema ka. I'm all ears." malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nakayakap ngayon sa tiyan ko. "I am here not as your friend but your wife. Hindi pa man tayo ganon ka closed sa isa't isa ay gusto kong malaman mo na nandito ako. I won't leave if you want me to stay." I murmured.


"I want you to stay Lira. I hope you'll not fall to someone else." he stated.


"I'll stay because we are not annulled yet Anton. Mananatili ako sa bahay mo hangga't hindi tayo annulled. At kung darating ang araw na maghihiwalay tayo, magiging magkaibigan pa rin tayo. Walang magbabago doon. Swear." napangiting sabi ko.

"Gusto kong akin ka lang muna ngayon Lira. Akin ka muna ngayon." bulong pa niya.


Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko din na maging akin ka Anton. Gusto ko na magustuhan mo rin ako pero alam kong darating ang araw na matatapos ito. "Asawa mo ako Anton. Oo at sa'yo ako. Sa'yo lang. Wala munang iba."

Marrying Her (Manila Avenue Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon