CHAPTER 1: ESCAPE

356 26 25
                                    

Chapter 1: Escape

Lucia's POV

"Mama no!!"

Napabalikwas akong napabangon sa pagkakahiga. Pinagpapawisan ako at hinihingal. Napakurapkurap ako 'tsaka sinapo ang aking noo. Napanaginipan ko na naman ang araw na iyon...

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko at napatingin sa orasan. 4:46 am. Kailangan ko nang maghanda ng almusal ni papa.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at nagsimulang maghanda. Patay na naman ako kay papa kapag nauna na naman siyang magising sa'kin. Surely, he'll beat me up again.

Pagkatapos kong ayusin ang almusal sa lamesa ay umakyat na ulit ako sa aking silid. I don't want to be seen by my father. I'm sure bubugbugin niya ako kung maisipan niya.

After that day, when my mom died after saving me from getting hit by a car, my father's treatment to me bacame worse than ever. He'll beat me up whenever he wants to and blame me again and again for my mother's death. I blame myself too. If I didn't follow that stupid balloon, hindi sana ako mapupunta sa kalsada. At mas lalong hindi sana ako kinailangan iligtas ni mama na sanhi nang pagkamatay niya.

"Lucia!"

Napabalik ako mula sa malalim na pag iisip nang marinig ko ang pagtawag ni papa. Nanginginig akong tumayo sa kama at lumabas ng aking silid. Alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Hayop kang bata ka bilisan mo!" galit na sigaw nito.

Agad naman akong lumapit. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko sa kaba at takot.

Pagkalapit ko ay agad na binato nito sa akin ang isang bagay.

"Bilhan mo ako ng alak! Bilisan mo!" utos nito.

Agad kong pinulot ang isang libo na ibinato niya at nagkukumahog na tumakbo palabas ng bahay.

Saka lang ako nakahinga ng maayos nang nakalayo na ako sa bahay. Nakayuko ako habang binibilisan ang lakad patungo sa malapit na tindahan.

Nang nakarating ay agad akong bumili ng alak ni papa. Habang hinihintay ang aking binili ay napatingin ako sa malawak na gubat sa kabilang kalsada. Naisip ko na ring takasan si papa ngunit natatakot ako. Binantaan na niya ako dati na hahanapin niya ako kahit saang sulok man ako ng mundo magtago at kapag nahanap niya ako ay papatayin niya ako. Hindi ko na rin naisip magsumbong sa awtoridad sa sobrang takot na makahanap pa rin siya ng paraan at mas lalo lang akong gustuhing patayin.

Agad akong bumalik sa bahay nang makuha na ang binili. Wala si papa sa sala pagdating ko kaya agad ko nalang inilagay ang alak sa lamesa at kumaripas nang takbo paakyat sa silid. Hinihingal akong napasandal sa likod ng pinto pagkapasok ko sa kwarto. Nakahinga rin ako ng maluwag nang narinig ko ang pabukas at pagsarado ng front door namin. Sa wakas pumasok na rin siya sa trabaho. Makakapag pahinga na ako ng maayos at maluwag na makakagalaw sa bahay.

Pag katapos kong maligo at kumain ay umupo ako sa lamesa sa harapan ng bintana ko at kumuha ng lapis at papel. Nagsimula akong gumuhit gaya nang nakagawian kong gawin kapag wala si papa. Gabi na umuuwi si papa kaya hindi na ako nag aabala pa na magluto ng tanghalian. Hindi rin naman ako nagugutom.

Naisip kong iguhit ngayon ang magandang mga puno sa gubat na nasa harapan lang ng aking bintana.

Sa kalagitnaan ng aking pag guhit ay may nahagip ang aking mga mata. Isang malaking aso na tumatakbo sa gubat. Mabilis lang ito at hindi ko na nakita pa. Naisip kong baka namamalikmata lang ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pag guhit hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Hindi kasi ako masyadong nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa takot na bigla nalang pumasok si papa sa kwarto ko at saktan ako. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa lamesa.

Nang nagising ako ay napatingin agad ako sa orasan at nang nakitang hapon na pala ay agad akong bumalikwas ng tayo. Parating na si papa. Masyado akong nahimbing sa pagtulog at hindi na namalayan ang oras.

Agad akong bumaba at nagsimulang mag ayos para sa hapunan. Binilisan ko ang galaw ko dahil ayokong maabutan ni papa. 5:34 na nang natapos ako at agad na tumakbo ulit pabalik sa kwarto.

Mag didilim na nang narinig ko ang pag bukas at pag sarado ng pinto namin. Nakauwi na si papa. Kabadong kabado ako na nakaupo sa kama ko. Sigurado akong lasing na naman si papa.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako nang pagkabasag ng mga bagay sa sala. Kinakabahan na ako at naiiyak na. Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga natamo ko na sugat kay papa noong isang araw at mukhang madadagdagan na naman.

"LUCIA!"

Narinig ko ang yabag ng mga paa ni papa palapit sa pintuan ng kwarto ko at galit itong binuksan. Nanginig ako sa takot nang makita ko ang madilim na mukha ni papa.

"Papa please po 'wag mo akong sasaktan" pagmamakaawa ko.

Hindi niya ako pinakinggan. Agad niya akong nilapitan at hinila ang buhok. Napangiwi ako sa sobrang sakit at napahawak sa kamay niyang nakahawak sa buhok ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit kinaladkad niya ako palabas ng kwarto at pababa sa sala.

"Papa tama na please!" humagulgol ako sa sakit na naramdaman ko sa aking anit. Parang matatanggal na ang mga buhok ko sa pagkakahila niya.

"Tumahimik kang bata ka!" sigaw niya bago ako hinarap sa kan'ya at sinampal nang malakas. Para akong nabingi at bumagsak sa sahig. Tumama pa ang ulo ko sa gilid ng glass table at agad kong naramdaman ang pag tulo ng dugo mula sa aking noo.

"Kasalanan mong bata ka kung bakit namatay si Helena!" paulit ulit niya akong tinadyakan sa tiyan. Napapangiwi ako sa sakit kada sipa niya. Pinilit kong umiwas pero masyado siyang malakas.

"P-pa please t-tama na" napaubo na ako ng dugo ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Napasigaw na ako sa sobrang sakit nang bigla niya akong hinila sa buhok.

"Tumahimik ka! Puro kamalasan nalang dinadala mo sa pamilyang ito! Dapat talaga ay hindi ko na pinayagan si Helena na alagaan ka!" sinubukan kong tumayo at tumakas ngunit nahila niya ako pabalik at sinampal nang malakas na ikinatumba ko. Nandidilim na ang paningin ko at gusto ko nalang matapos 'tong lahat.

"Anak maging malakas ka"

Mas napaluha ako nang maalala ko ang sinabi ni mama sa'kin bago siya nawalan ng hininga. Ayaw niyang makita akong umiiyak sa panahong iyon. Nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob sa naalala. Kahit na nahihilo at gusto nalang bumigay ng katawan ko ay agad akong humanap ng paraan para maka kawala kay papa. Bago niya pa ako suntukin ulit ay agad kong inabot ang vase sa lamesa at buong lakas na hinampas kay papa.

"Tang ina"

Napahawak siya sa ulo niya at napaupo sa sahig. Kinuha ko ang sandaling iyon upang makatayo. Nanghihina at nahihilo pa ako nang tuluyang nakatayo. Hindi ko na inalintana ang masasakit sa aking katawan dahil ang gusto ko nalang ay makatakas dito.

"Putang ina ka Lucia! Pagbabayaran mo 'to!"

Sa takot na baka mahawakan niya ako ulit ay agad akong tumakbo palabas ng bahay.

"Hindi ka makakatakas sa'king bata ka! Papatayin kita!"

Naririnig ko pa rin ang sigaw niya nang nakalabas ako ng bahay. Agad akong kumaripas ng takbo papasok sa gubat kahit na nanghihina. Naisip kong kung sa mataong lugar ako pupunta ay mahahanap niya ako agad kapag nag tanong tanong siya.

Wala akong ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Hindi tumitigil. Natatakot na baka maabutan niya ako kung sakaling titigil kahit isang segundo lang. Hindi ko na alam kung saang parte na ako ng gubat basta tuloy tuloy lang ang aking pagtakbo. Umaagos ang mga luha ko kasabay ng dugo na nanggagaling sa aking mukha. Naghahalo ang sakit na nararamdaman ko, ang poot, takot at pagod. Mama gabayan mo po ako...

Hindi ko na namalayan kung gaano katagal na akong tumatakbo sa gubat. Naramdaman ko nalang ang labis na pagkahilo at pang hihina. Napatigil ako sa pagtakbo at napahawak sa ulo ko. Nandilim bigla ang paningin ko sa sobrang panghihina at pagod bago bumagsak sa lupa at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

The Alpha King's LunaWhere stories live. Discover now