CHAPTER 7: THE PRINCE

74 12 0
                                    

Chapter 7: The Prince

Lucia's POV

Hinayaan kong balutin ako ng katahimikan habang nakahiga sa kama ko. Kanina pa tulog si Eris ngunit parang ayaw pang matulog ng sistema ko. Tanging ang mga pagaspas lang ng mga dahon at huni ng mga kuliglig ang maririnig sa buong silid. Napaka lamig at tahimik ng gabi.

Habang nakatitig sa aking kisame ay nahulog ako sa malalim na pag iisip.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang imahe ng lalaking iyon. Siya ba talaga ang Alpha ng lugar na ito? Bakit wala akong maramdamang takot sa kan'ya? Bakit iba ang nararamdaman ko kapag nagkakasalubong ang aming mga mata o kapag malapit siya? Sino ba talaga sila? Posible ba talaga na hindi sila mga tao? Maraming katanungang gumugulo sa isip ko at mas lalo lang akong naguguluhan habang tumatagal ako sa pag iisip. Kung siya nga talaga ang Alpha hindi maaari 'tong nararamdaman ko. Ayokong ilagay na naman ang sarili ko sa kapahamakan. All I just wanted to do is to live.
___

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong sinabihan ni Eris na maligo na at may gagawin pa kami. Agad ko naman siyang sinunod at pumasok na sa banyo. Lahat ng mga gamit ko dito ay galing kay Eris. Nahihiya na nga ako sa kan'ya pero ang sabi naman niya ay marami naman siyang damit.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng banyo.

"Oh buti naman at tapos ka na. Kailangan na nating pumunta sa pack house" sabi niya. Naisip ko naman agad ang ginawa namin kahapon. Siguro ay maghahatid lang din kami ng umagahan sa dining hall.

Nang nakarating kami sa pack house ay patungo na sana ako sa kung nasaan ang kitchen ngunit hinila niya ako sa ibang daanan.

"Hindi tayo magseserve ngayon." paliwanag niya habang hila hila ako.

"Anong gagawin natin?" naguguluhang tanong ko.

"Maglilinis" matipid niyang sagot. Tumigil kami sa tapat ng malaking double doors. Tinulak niya ang mabigat na pinto at hinila ako papasok.

My mouth gaped in awe as the huge room full of books welcomed us. Inilibot ko ang paningin ko sa mga nagtatayugang shelves na nakapalibot sa silid. Namangha din ako sa mataas na kisame at sa malaking chandelier na nakasabit dito. I suddenly wonder how many books in total are in here.

"Lucia tara na" narinig kong tawag sa akin ni Eris. Naglakad siya patungo sa isa sa mga shelves. May dala nang dalawang feather duster at basahan.

"Hindi ba tayo mag seserve ngayon?" tanong ko.

"Hindi. May schedule kasi tayo. Kapag lunes at martes ay mag seserve tayo sa hall. Kapag miyerkules naman hanggang biyernes ay tutulong tayo sa paglilinis dito sa pack house. Sabado at linggo pahinga natin" nakangiting sagot niya.

Napaisip naman ako kung anong klaseng buhay ang meron ang mga katulad ni Eris na omega. Sa mga tao na makakapasok sa boarders nila maiintindihan ko pa ng kaunti kung bakit ginagawa nilang alipin ang mga ito pero ang mga kalahi nila? Iyon ang hindi ko labis na maintindihan. Nasabi rin kasi sa akin ni Eris na huling kumakain ang mga omegas na tulad niya at ang mga alipin na katulad ko. Siguro totoo ngang malupit talaga ang pinuno na tinatawag nila alpha.

Pumili na ako ng shelf na lilinisan pagkatapos ibigay sa akin ni Eris ang isang feather duster at basahan. Nagsimula ko nang tanggalin ang mga alikabok sa mga libro. Hindi naman ito masyadong maalikabok siguro ay may naglinis na rin nito kahapon.

Hindi ko mapigilang isipin ulit ang tungkol sa sinabi ni Eris sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala pa akong nakikitang kakaiba sa kanila na makakapagsabing hindi nga talaga sila tao.

Patuloy lang ako sa pagtatanggal ng alikabok nang may nakita akong isang bagay. Isang kulay ginto na libro. Napakunot ang noo ko at saka hinugot ang libro sa pinagkakalagyan nito.

"The Most Powerful Werewolf"

The title pique my curiosity kaya binaba ko ang hawak kong feather duster at pagkatapos ay binuklat ang unang pahina ng libro. The first page is all about werewolves.

A werewolf is a human with the ability to shapeshift into a wolf, either purposely or after being placed under a curse or affliction with the transformations occurring on the night of a full moon. 

A werewolf is known for having extraordinary abilities. They have super senses of sight, smell and hearing. Furthermore, werewolves are very fast and have speedy healing abilities.

Werewolves can't be killed by conventional means and weapons. Silver however, can kill them.

All werewolves seem to have a similar level of strength, however a possible exception to this would be the Alpha, as alphas are naturally stronger than their descendants.

Pagkatapos kong mabasa ay lumipad na naman ang isip ko sa lalaking iyon.

He's what they call alpha so that means he's stronger than any other wolves here. Then I remember alpha Walter. He's an alpha too right? And what is he doing here? As far as I know a pack only have one alpha. I did feel a little intimidated by his presence but it can't be compared to that man's strong presence. I can feel some electric charge through me whenever he's near. It's like there's a strange connection between us and I know he can feel it too. Should I be scared? I don't know what's happening to me whenever he's near but I know that the only thing that I need to do is to ignore it.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa libro at akmang bubuklatin na ang susunod na pahina nang bigla akong tinawag ni Eris. Agad kong binalik ang libro at pinulot ang mga panlinis ko bago pumunta sa kinaroonan ni Eris.

"Bakit?" tanong ko. Nagpagpag siya ng kamay at ngumiti sa'kin.

"Tara tapos na tayo. Kumain na muna tayo" sabi niya. Bigla naman akong nahiya dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako masyadong naglinis. Sumunod nalang ako sa kan'ya nang hinila niya na ako palabas.

Naglalakad na kami sa malawak at carpeted na hallway nang biglang may bumungo sa binti ko. Agad akong lumingon sa likod at nakita ang isang batang lalaki na nakaupo sa sahig. Agad akong yumuko kapantay niya at tinulungan siyang tumayo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko dito. Agad siyang tumayo at pinagpag ang sarili.

"Oh wow that kinda hurt my butt" he said, smiling widely. Showing his sweet innocence.

"Pasensya na hindi kita nakita" sinuklian ko ang ngiting ibinigay niya.

"It's okay! It's my fault" he smiled again. He's cute.

"What's your name?" I asked.

"I'm Blake" he said and eyed me curiously. "You're not a pack member are you?"

"Uh no. I'm not" nag aalangang sagot ko

"Lucia sino ba yan? Tara na" tawag sa akin ni Eris mula sa likuran ko. Hindi niya siguro nakita ang bata dahil nahaharangan ko.

"Ah may nakabungo lang ako" ngiti ko sabay tayo. Pinakita ko sa kan'ya ang cute na bata.

Nanlaki bigla ang mga mata niya nang nakita ang bata at biglang yumuko.

"Prince Blake"

The Alpha King's LunaWhere stories live. Discover now