CHAPTER 22: TAMED

58 9 4
                                    

Chapter 22: Tamed

Lucia's POV

Lumipas ang mga araw ay mas lalo pang naging abala si Morgan sa pag aasikaso ng dumadalas na mga pag atake sa ibat ibang packs. Mapapansin mo rin ang pagbabago ng atmosphere sa pack nitong mga nakaraang araw.

Naging tahimik at mas maingat ang lahat. Wala ka nang makikitang mga bata na naglalaro sa playground at mga nag liliwaliw sa labas. Minsan ay hating gabi na nakakauwi si Morgan kasama si Klaus, Randall at mga warriors galing sa pag papatrolya sa borders.

Nabalot ng takot ang mga nasasakupan ni Morgan dahil sa sunod sunod na pag atake sa pack. The rogues are getting more and more aggressive. Pinapaniwalaan nila na may kinalaman ang mga bampira dito. Ano nga bang pakay nila? Bakit nila 'to ginagawa?

Hapon na at nandito pa rin ako sa opisina ni Morgan. I'm listening to him giving orders to his beta, gamma and warriors.

Tulad nang mga nakaraang araw ay wala pa ring nagbago sa pakikitungo sa'kin ng mga pack members. I can still see the hatred in their eyes. Their stares are always making me feel that I don't belong here and that I don't deserve Morgan. It's hurting me but I need to be strong for Morgan. Ayokong makadagdag sa mga problema niya. The least thing that I can do is to stay beside him. Hindi ko na sinabi sa kan'ya ang mga narinig ko noong araw na iyon dahil ayokong magkagulo. Naging panatag din naman ako ng makita kong umalis ang babaeng iyon noong araw ding iyon.

"Hey"

Napabalik ako mula sa malalim na pag iisip nang narinig ko ang boses ni Morgan. Nakita kong nagsilabasan na ang mga kausap niya. I smiled and waved at Randall when he looked at me.

"Tapos na kayo?" tanong ko dito. Umupo ito sa tabi ko at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Yes. Pero kailangan kong sumama sa kanila sa pag papatrolya" he said.

"It's fine" nakangiti kong sinabi sa kan'ya.
___

Matapos kong patulugin si Blake ay bumalik na ako sa kwarto ko. Naligo muna ako at nagbihis ng pantulog at pagkatapos ay dumiretso na sa kama ko.

I sighed.

I miss Morgan. But I understand him. Malaki ang responsibilidad niya sa pack bilang hari. At bilang mate niya ay kailangan niya ang suporta at pag iintindi ko. Pero kahit anong pag intindi at suporta ang ibigay ko sa kan'ya, I still feel useless. I still feel that I'm not capable of being the luna of the pack.

I was about to close my eyes when I heard a knock at my door. Agad akong bumangon at binuksan ito.

Bumungad sa akin ang tatlong lalaki at dalawang babae. Lahat sila ay mukhang may mga edad na. Nahagip din ng mga mata ko ang babaeng kausap ng isang pack member dito ilang araw na ang nakalilipas. Anong ginagawa nila dito? At sino sila?

"Ano pong kailangan niyo?" magalang kong tanong. Their stares are intimidating. I can feel that there's something wrong about their sudden visit here.

"You" matigas na sinabi ng isang lalaki.

"A-ako? Sino po ba kayo?" nauutal kong tanong. My hands are starting to get sweaty.

"We need you out of this pack" sinabi ng sopistikadang babaeng nakita ko noong nakaraang araw. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko. What's happening?

"B-bakit po?"

"Hindi ka nababagay dito. Magiging malaking gulo ang pananatili mo dito kaya umalis ka na" saad ng isang babae.

My heart beats faster when I realized what's happening. No. Hindi 'to pwede. Hindi ako pwedeng umalis. I promised Morgan...

"Hindi po ako pwedeng umalis. Kailangan kong hintayin si Morgan" nanginginig kong wika.

The Alpha King's LunaWhere stories live. Discover now