CHAPTER 11: THE LUNA

63 11 3
                                    

Chapter 11: The Luna

Lucia's POV

Kinatok ako ni beta Klaus sa silid, ilang minuto matapos kong makita si Morgan. Hinatid niya ako sa dining room kung saan mag isa na nakaupo si Blake. Hindi raw pinapayagan ng alpha si Blake na makihalubilo sa ibang mga pack members kaya mag isa lang siya dito at wala sa dining hall.  Nahabag ako nang makita ko siyang walang gana na kumakain.

Nakaramdam ako bigla ng kaunting inis sa alpha. Bakit ba kasi bawal makihalubilo sa iba si Blake? And where is he? Bakit hinahayaan niya lang na mag isa si Blake? What's wrong with him?

I sighed heavily.

Agad namang nagbago ang mood ni Blake nang makita ako. Agad niya akong niyakap at inanyayahan na kumain. Nagpaalam na si beta Klaus at iniwan kaming dalawa ni Blake sa dining room.

Hindi ko mapigilang hindi mailang. Dalawa lang kami ni Blake na kumakain sa mahabang lamesa habang may dalawa hanggang sa apat na kasama pa kami sa silid na nakamasid lang sa'min. Mabuti nalang at napunta lahat ng atensyon ko kay Blake. Marami na naman siyang ikinwento sa'kin. I'm happy to see the joy in his eyes while he's talking. Magana na rin siyang kumain. It's sad that he needs to experience being alone for such young age. I wonder where their parents are. Bakit parang sila lang dalawa ng alpha?

Matapos kaming kumain ay sinamahan ko na siya pumunta sa kan'yang silid. Ilang oras din kaming masayang nag k-kwentuhan nang makaramdam na siya ng antok.

"Blake do you mind if I ask you something?" I asked while caressing his hair. Nakasandal ako sa headboard ng kama niya habang siya naman ay nakahiga sa lap ko.

"No" mahinang sagot niya.

"How's your relationship with the alpha?" I asked. Simula nang makilala ko si Blake at malaman ko kung anong nararamdaman niya ay na kuryoso na ako kung kamusta ba ang relasyon niya sa kapatid. Bakit siya laging mag isa? Bakit pinagbabawalan ng alpha na makihalubilo siya sa iba? Is he that ruthless even to his own brother?

"He don't like me" nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Parang may pumipiga sa puso ko.

"Why?"

"I don't know. He never talk to me" my heart broke when I heard his voice cracked. And then I felt something wet on my lap. He's crying.

"Shh don't cry" niyakap ko siya at pinunasan ang luha niya.

Huminto din naman siya kalaunan.

"Goodnight Lucia" mahinang bulong niya bago ko narinig ang malalim niyang paghinga.

"Goodnight" I whispered then I kissed his forehead.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto niya at binuksan nalang ang lampshade matapos ko siyang iayos sa kama. Maglalakad na sana ako papunta sa pinto nang maaninag ko ang isang anino dito.

"Sino ka?" tanong ko at agad na napaatras. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang matitigan ko ang kanyang mga mata. His green eyes glowed in the dark. Here it is again, the feeling.

"I know you can recognize me" matigas na sinabi niya. He walked pass me and headed to Blake's bed. I saw how he crouched and kissed his brother in the forehead.

"I just came here to visit my brother" he said and then left the room. 

Napahawak ako sa dibdib ko nang mawala na siya. My heart is still beating wildly. I closed my eyes and whispered to myself. Please calm down.

Nang kumalma ako ay agad na akong lumabas at naglakad papunta sa silid ko. Buti nalang ay natatandaan ko pa rin.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. I'm slightly confused. I thought he didn't like his brother? Then why would he visit him and kiss him goodnight? Maybe he just act like he don't care but deep inside he really is.

The Alpha King's LunaWhere stories live. Discover now