Chapter 1 ( Stephen Villarama POV )

12 1 0
                                    

Serial Investigation Unit Headquarters


Nag angat ng tingin si Stephen mula sa ginagawang report nang maramdamang may lumapit sa kanyang table. Nakita agad niya ang isa sa mga kasamahan sa trabaho—si Althea Miller.


Sumaludo sa kanya ang lalaki. Baguhan lamang ito sa ahensya. "Inspector, pinapatawag po kayo ni Director Leo Bautista" sabi ni Althea Miller.


Nagtatakang tumango na lamang si Stephen bago tumungo sa kinaroroonan ng opisina ng direktor ng SIU. Mahigit pitong taon na mula ng magsimula siyang magtrabaho bilang isang police inspector sa Philippine National Police.


Sa panlimang taon ng pagseserbisyo sa police force, na-recruit siya upang magtrabaho sa SIU—isang pribadong ahensya ng gobyerno na humahawak ng mga serial murder cases.


It was an honor to work in this special unit dahil sa pagkakaalam niya, tanging mga 'pinakamagaling' lang sa criminology ang nagkakaroon ng pagkakataong ma-recruit sa SIU.


Hindi madali ang naging training ni Stephen noong nakapasok siya sa police force. Mabuti na lang ay mahusay siyang makipaglaban nagtraining din si Stephen ng taek wan do, he has a black belter.


He had learned judo and boxing as well, pero natuto si Stephen na humawak ng baril noong nagtra-training sa pagiging pulis.


Inayos ni Stephen ang kanyang suot na police uniform bago kumatok sa pintuan ng director's office. "Come in" sabi ni Director Leo Bautista.


"Sir" saad niya at agad sumaludo sa diretor ng SIU. Nasa late forties na si Director Leo Bautista simula ng magtrabaho siya sa SIU.


Sa pagkakaalam niya pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa SIU ang director. Ang chairman naman ng ahensya ay hindi pa niya nakikilala nang personal narinig lamang niya ang pangalan—si Chairman Ronald Alvarez, dating heneral ng Philippine Army.


Kinamayan naman siya ng direktor at inayayahang umupo. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Sir?" tanong ni Stephen ng makaupo sa tapat ng direktor tumango-tango naman ito.


Napahawak naman ang direktor sa baba. "Inspector Villarama, marami na akong maggandang nalalaman at naririnig mula sayo. And i really admire you for that" saad nito. "Maraming salamat po, Sir" puno ng saya ang bumabalot sa puso ni Stephen ng marinig ang paliwanag ng direktor.


"I want you to be a good leader in my team, wala na akong ibang maasahan dito sa loob ng headquarters dahil mababa ang tingin nila sa atin" pagpapaliwanag ng director kay Stephen.


"Isa ka sa mga magagaling na emplayado dito si SIU and im signing you to lead a new team for SIU, Inspector Villarama" sabi ng direktor sa kanya. A team? Bakit? tanong ni Stephen sa sarili.


"Hindi ko po alam kung magagawa ko ang expectation niyo sa akin, Sir" nakayukong saad ni Stephen tumayo naman si Director Leo Bautista at tinapik ang kanyang mga balikat.

Serial Investigation Unit 1: Dr. DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon