Chapter 8 (Sky Valentino POV)

7 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bahay nila Engineer Cindy Garcia, unang beses ko pa lamang ang makapag interview o makausap ang isang mayaman at may sikat na trabaho. "Magandang umaga po, maari po ba naming makausap si Mrs. Garcia?" tanong ni Stephen sa yaya na nagpapasok sa kanila.


"Pasok po, tatawagin ko lang po ang mga amo ko" magalang na sagot ng ginang. Ilang minuto ang lumipas ay nakita nila sila Engineer Cindy Garcia at ang asawa nito na si Thomas Garcia.


"Engineer" bati nila ng makalapit sa kanila si Cindy. "Alam mo na ba ang nangyari sa mga kaibigan mo" paninimula ni Stephen. "Oo, at alam kong ako ang isusunod niya" sarkistong sagot ni Cindy sa kanila habang naka crossarms bakas sa mukha nito ang takot ngunit pinatatag niya ito.


"Kilala mo ba ang killer na hinahanap namin?" tanong niya. "It's was all about that land" walang ganang saad ni Cindy. "Pinag-ipunan namin yon ng magba-barkada, puro babae kami at naging kaibigan din namin yung totoong may-ari ng lupa" saad ni Mia. "Sinong siya?" sabay-sabay na tanong naming lahat.


"Matagal na yon, 10 years ago for sure" sarkistong saad ni Cindy. "Matagal na ding naming kinalimutan iyon" mahinang saad ni Mia. "At alam kong gaganti siya sa aming lahat" mahinang bulong ni Mia ngunit narinig namin. 


"Malapit na din namang matapos ang buhay ko" saad ni Mia at napahilamos sa sariling mukha--mahinang napahikbi. Ilang minuto ang kathimikang bumabalot sa amin nang magsalita si Angelica. "Magpapaalam na kami Mrs. Garcia, hindi ka pwedeng tumakas dahil involve ka pa din sa kasong hawak namin. Maraming Salamat." saad ni Stephen at tumayo na.


"Tatawagan ko na ang mga kasamahan natin at papauntahin ko na sa bahay" malamig na saad ni Angelica at sumakay na kami sa Kotse nito na Jeep. Tinawagan na niya ang mga kasamahan namin at ni-loud speaker. "Mauna na kayo sa bahay" saad ni Angelica at pinaandar na ang kanyang kotse.


"Ang bilis magpatakbo" saad niya sa kanyang isip at hinigpitan ang pagkakahawak ng handle ng sasakyan sa kanyang kanang kamay. Wala pang sampung minuto ay nakarating agad sila sa bahay nila Angelica at nandoon na ang ibanilang mga kasamahan--hindi naman siya opisyal na nagtratrabaho sa SIU dahil galit siya sa gobyerno.


Time check 6:57 PM in the evening. "Sky, hanapin mo ang lahat ng pwedeng maging posible tungkol sa lupa ng Capitol Medical Center" malamig na saad ni Angelica sa kanya tumango na lamang siya at pumunta sa computer. Habang naghahanap ay nahanap ng kanyang mga mata ang owner ng hospital.


"Guys" agad niyang tawag sa mga kasamahan. "It was own by Dr. Luis Clemente" saad ni Angelica. "Kukunin ko lang ang profile niya" saad niya at nagsibalikan sa sofa ang kanyang mga kasamahan. "Dr. Luis Clemente, 41 years old, isang professional medical doctor. No wife and no child. Malapit lang siya dito at kayang lakadin, nasa kabilang kanto lang siya" paliwanag niya sa mga kasamahan at umupo sa tapat ng mga ito. 


"Kaya pa po ba yan ngayon?" tanong ni Althea. "Dito na kayo magpahinga ako na kakausap sa kanya, humingi na lang kayo kay mama ng kumot at unan" malamig na saad ni Angelica at pumunta sa kanyang ina upang magpaalam.


Lumabas na si Angelica, she used bike. Gaya ng sinabi nia ay humingi na kami ng kumot at unan sa kanyang ina at small talks about their life. "Tita Carol na lang ang itawag niyo sa akin" masayang saad sa kanila ng ina ni Angelica.


"Tita Carol, may tanong po kami" tanong ko dito. "Sige ijo, ano ba iyon?" tanong nito. "Bakit ganoon ho si Angelica, why she treated as coldly?" tanong ko dito at sumang-ayon din ang iba sa aking tanong kay Tita Carol.


"Ahh, kung bakit ganoon ang anak ko. Ganito kasi iyan mga anak" saad ni Tita Carol at tumayo upang kunin ang larawan ng kanyang asawa. "Siya si Mharvin Aquino" saad ni Carol at pinakita sa kanila ang larawan kamukha iyon ni Angelica. "Nag-iba ang pakikitungo ni Angelica sa lahat ng nakapaligid sa kanya at si Bautista lang ang nagtiis na lumapit sa anak ko" paliwanag ni Tita Carol at napayuko.


"First year of collage na si Phoenix" pagpapatuloy nito at malalim na bumuntong hininga. "Brain tumor ang sanhi ng pagkapanaw ng asawa ko" malungkot na paliwanag ni Carol sa kanila. "Sorry po" sabay-sabay nilang paghingi ng pasensya.


"Ayos lang mga anak, magpahinga na kayo. Kung gusto niyo ng kape o kahit na anong maiinom kumuha lang kayo sa kusina" nakangiting saad sa kanila. Nagpasalamat ulit sila at nag ayos ng mahihigaan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakauwi na si Angelica.


"Ang sabi ni Clemente ay binili niya iyon ngunit may nagnakaw ng kontrata sa kanya, sapilitang kinuha sa kanya ang kontrata" malamig na paliwanag ni Angelica. "Dito na kayo mapalipas ng gabi" malamig na saad sa kanila at ngumiti, pero walang spark sa mata nito. Umakyat na si Angelica at umakyat na ng kwarto. Ang lamig talaga, balang araw lalambot din ang puso mo Angelica saad niya sarili at natulog na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serial Investigation Unit 1: Dr. DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon