Nasa bahay sila nila Angelica at inutos nila kay Sky na humanap ng impormasyon kila Mia Trinidad at Cindy Garcia sila lamang ang natitirang maaring biktimahin ng killer na hinahanap nila. Maaaring lead nila ang ibinigay sa kanila ni Alvin na dating asawa ni Kristina na biniktima ng killer na hinahanap nila.
"Ito lang ang nahanap ko" saad ni Sky at isa isang ibinigay ang mga naprint na impormasyon na maaaring isunod ng killer, nang maibigay sa kanya ay tumayo agad siya. "Mia Trinidad, 31 years old. Isang lawyer malapit lang dito ang condominuim niya sa Victoria Building, may asawa ito na si Gerald Trinidad, 36 years old. Isang architech at nabiyayaan ng dalawang anak na sila Thea Trinidad at Charlotte Trinidad na parehong first year collage" paliwanag niya sa mga kasamahan at umupo na.
"Cindy Garcia, 31 years old. Isang female engineer sa West Trade Center Building. May asawa na isang sikat na Editor sa buong bansa na ang pangalan ay Thomas Garcia, 38 years old at may anak na si Pearl na nasa walong taong gulang" malamig na paliwanag ni Angelica sa kanila.
"Sa tingin niyo ba sila ang isusunod na killer na hinahanap natin?" tanong niya sa mga kasamahan. Nagpaalam sa kanila si Sky dahil ang sabi nito ay may bibilhin lamang ito. "Siguro" saad ni Katelyn at nagkabit-balikat lamang ito.
"Hey, bumili ako ng makakain natin dahil hindi tayo makakatulog nito" saad ni Sky at inilapag sa lamesa ang isang box ng pizza, isang bote ng softdrinks, at iba pang junkfood. Nagpasalamat kami dito at habang kumakain ay nagdi-discuss kami tungkol sa kasong hahawakan namin. Pinakatitigan niya si Stephen na kumakain.
Madalas na napapansin ni Althea na kakaiba ang nasa mata ni Stephen, seems inlove at first sight dahil kakaiba talaga ang mga nasa mata ni Stephen. Kanino naman? tanong niya sa sarili. Natigil siya sa pag-iisip ng magsalita si Casper. "Alam ba nila Cindy at Mia na maaring sila ang isunod ng killer?" tanong ni Casper sa kanila. "Between yes and no" saad ni Katelyn.
"Why?" tanong nilang lahat. "Walang puso ang killer na hinahanap natin, marami siyang pwedeng biktimahin kapwa kakakilala niya o kahit sinong tao na nakapaligid sakanya" paliwanag ni Katelyn. "Kahit sino pwede niyang biktimahin, nasa listahan man o wala" malamig na paliwanag ni Angelica.
"Kami na po bahala ni Katelyn at Casper ang kumausap kila Mia Trinidad at sa pamilya nito" magalang na pag-ako nila kay Stephen. "Kami naman nila Angelica at Sky sa pamilya ni Cindy Garcia" saad ni Stephen. "Uuwi muna ako sa bahay tawagan niyo nalang ako kapag may kailangan kayo sakin" saad ni Sky sa kanila at nauna ng umalis. Nagtama ang kanilang mga mata at tila binabasa ang isa't isa. Stephen's face was full of hope and Angelica was the reason. Yes she like Stephen, pero kailangan niyang itago iyon.
Lumapit siya kay Stephen "Leader, umamin kana kay Ms. Angelica" saad niya dito napagdesisyunan ng lahat ngmagpapalipas sila ng gabe sa bahay nila Angelica. "P-paano mo n-nalaman?" utal na tanong nito. "Hindi pwede Althea, hindi ko dapat ipahalata dahil baka lumayo lalo sakin si Angelica" paliwanag nito at kalaunan ay tumingin ito.
"Don't worry Althea, gusto kong malaman ng buong buo ang pagkatao ni Angelica. Hindi ako titigil. I had an interest in her cold eyes" saad ni Stephen sa kanya. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng sakit na parang tinusok ng maraming karayom ang kanyang dibdib sa mga salitang binigkas ni Stephen. Nagpaalam siya na matutulog na at itutuon na lamang ang kanyang sarili sa trabaho.
Kinabukasan ay umalis na silang lahat upang makapag-ayos ng sarili at patungo sa bahay nila Mia Trinidad. Habang nasa biyahe tulala lamang siya sa malayo dahil hindi pa din mawala sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ni Stephen. Wala siyang magagawa kung hindi naman sakanya nakatuon ng interes ni Stephen.
"Hey Althea, are you okay?" tanong ni Katelyn sa kanya na may pag-aalala ang tono. "Opo" saad niya dito at mapait na ngumiti. "Malapit na tayo sa Victoria Building" saad ni Casper at di kalaunan ay nakarating agad sila sa bahay nila Mia Trinidad. Nasa tapat na sila ng gate at si Katelyn ang nagpindot ng door bell.
"Maari po ba naming makausap sila Mia Trinidad?" tanong niya sa yaya na nagbukas ng gate. "Para saan po ba?" tanong ng yaya sa kanila. "Involve po kasi si Mrs. Trinidad sa kasong hahawakan namin" magalang na sagot ni Casper. "Sige po, pasok po kayo tatawagin ko lang po si Ma'am Mia" saad ng ginang at pumasok sa isang silid ng kwarto na nandoon.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na nga si Mia at nakapang-alis ito at puno ng alahas ang katawan tumayo agad sila at nagpakilala. "Good afternoon officers, what i can do for you?" tanong nito at pinaupo ulit sila. "May ilan kaming katanungan Mrs. Trinidad, kilala mo ba ang mga naunang biniktima ng killer na hinahanap namin?" tanong ni Katelyn, inilabas naman ni Casper ang putol na katawan nila Jessica Santos at Kristina Gomez.
"O-oo" utal na sagot nito. "Kilala mo ba ang maaring pumatay o sanhi kung bakit nakitang putol-putol ang katawan nila?" sarkistong tanong ni Katelyn na ikinalikot ng mata at katawan ni Mia. "Alam mo ba na ikaw ang maaring isunod ng killer na hinahanap namin?" seryosong saad ni Casper naikinagaralgal ng boses ni Mia.
"S-siguro gusto n-niyang bawiin ang l-lupa" utal na bulong ni Mia habang nakatutop ng kanyang dalawang kamay sa kanyang mga labi kaya't napatuwid silang lahat sa pagkakaupo. "Anong lupa Mrs. Trinidad?" tanong niya dito. "Yung lupa sa Capitol Medical Center" diretsong saad ni Mia magsasalita na sana kami ng marinig namin ang boses ng yaya nila.
"Ma'am itatapon ko na po ba ang lahat na ito?" tanong ng yaya nila ng may bitbit na lumang box na naglalaman ng mga lumang trophy at mga lumang pictures noong kabataan ni Mia. "Wag" pigil ni Mia at kinuha ito, binuhos ni Mia ang laman na iyon sa lamesa sa harap nila. Kinalat ni Mia ang mga laman na iyon at may hinanap, may nakita sila na isang libro--Year Book iyon.
"M-makakatulong ito, h-hindi ko alam kung gusto niyang bawiin ang lupa ng hospital. Magkakabarkada kami, at may mga magagandang trabaho lahat sa amin ay mga professional" paliwanag ni Mia. "Salamat Mrs. Trindad, involve ka pa din sa kasong hawak namin at hindi ka pwedeng tumakas" saad ni Katelyn at tumayo na di sila patungo sa van.
BINABASA MO ANG
Serial Investigation Unit 1: Dr. Death
ActionIsang napakalaking biyaya ang natanggap ni Police Inspector Stephen Villarama when the director of SIU gave him his own team, his agency is already handling serial murder cases. Isang kaso na susubok sa kanilang mga sikmura. Stephen promises to be t...