Chapter 7

146 6 0
                                    

Araw ng lunes, panibagong araw at panibagong araw para ako'y maghintay sa pagbabalik ni itay.

"Cassandra?" napatayo ako ng makita ko si Botyok na may dalang saging.

"Botyok! Akala ko ay pati ikaw iiwan din ako" sinalubong ko siya at tutulungan na sana sa dala niyang saging ngunit umiling ito sa akin.

"Ako na rito Cassandra, wag ka ng mag-abala pa. Pero teka, bakit ke umaga-umaga ay nandito ka sa labas? Alas singko palang ng umaga Cassandra, dapat ay natutulog ka pa" ibinaba nito ang dala niya.

"At bakit basa ang pisngi mo? Umiiyak ka na naman ba?" hindi kaagad ako naka sagot sa tanong niya sapagkat hindi ko maitatago na galing ako sa pag-iyak.

"Umiiyak? Hindi ako umiiyak Botyok hehe, ano kasi... Na puweng ako kanina at nag-alala na ako para kay itay Botyok, isang linggo na siyang hindi umuuwi. Ang sabi niya ay uuwi siya kinabukasan ngunit… ngunit walang itay ang dumating" subrang bigat ng aking nadarama dahil sa pag-alala ko kay itay.

"Wag ka ng malungkot Cassandra, babalik din ang iyong itay" niyakap ko siya, at naramdaman ko na nagulat ito sa ginawa ko.

"Sabihin mo sa akin Botyok, babalik si itay diba? Babalik siya?"

"Babalik ang iyong itay Cassandra, wag kang mag-alala dahil bukas ay pupunta ako ng lungsod at hahanapin ko ang iyong itay" nakaramdam ako ng tuwa sa narinig ko mula sa kanya.

"A-aray!" daing ko ng bigla na namang parang may pumatid sa tiyan ko, napahawak ako rito.

"Bakit Cassandra? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin Cassandra!" tanong niya habang kumuwala sa yakap at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"W-wala Botyok… S-sumakit lang ang tiyan ko" mahina ko na sagot sa kanya, at nakita ko rito ang pag-alala niya sa akin.

"Nagugutom ka na siguro, umiinom ka lang ng gatas kagabi eh. Tara pumasok tayo sa bahay ninyo, pasensya ka na kung ngayon lang ako naka balik, hindi ako nakatulog dito para samahan ka sana" bigkas niya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Ayos lang Botyok, dahil sa totoo lang ay nahihiya na ako sa iyo" inilagay nito ang saging sa ilalim ng lababo namin na gawa rin sa kawayan.

"Bakit ka naman nahihiya?" umupo muna ako sa silya, at halos umiimpit ako sa sakit dahil para na namang may pumapadyak sa loob ng tiyan ko ngunit pinigilan ko na gumawa ng kilos na ikapag-alala ni Botyok.

"Dahil subra na akong nakakaabala sa iyo Botyok. At kung tutuosin ay para na tayong mag-asawa dahil sa mga mata ng mga tao rito ay dito ka na tumitira sa bahay" umupo ito sa tabi ko.

"Kung naiilang ka na sa akin Cassandra ay pwedi mo naman itong sabihin sa akin. Pero hindi maaari na hindi kita sasamahan dito sapagkat nangangako ako sa iyong itay na aalagaan kita hanggang sa makabalik siya, ngunit ang hindi ko inakala na aabot ng isang linggo pero hindi parin siya bumabalik. Kaya nakapagdesisyon na ako Cassandra na hahanapin ko sa lungsod ang iyong itay, at mangangako ako sa iyo na pagbalik ko rito ay kasama ko na ang iyong itay" hindi ko mapigilang hindi ngumiti, napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng ganitong kaibigan.

"Maraming salamat Botyok, maraming-maraming s-salamat" hindi ko mapigilang hindi siya yakapin uli dahil sa tuwa ko at pag-asa na maiuuwi niya si itay.

Halos isang linggo narin ako na halos walang tulog dahil sa kakaisip kay itay. Hindi ko mawari kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. At halos isang linggo ko narin napapansin ang tao sa lawa na palaging nanunuod sa akin mula sa malayo, ngunit ang hindi maintindihan ay kung bakit hindi pa ito nagpapakilala sa akin.

Yssesa: The Running BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon