"Leon, may nahanap na ba kayo?" rinig ko sa kabilang linya, tinig ito ni boss.
"Wala pa boss, mukhang mahihirapan talaga tayong hanapin ang babaeng 'yon" isang linggo na kami rito sa lugar na inatasan ni Steven sa'min ni Themoty pero wala parin kaming nakukuhang impormasyon.
Halos maubos na naming haluglugin ang Visayas pero wala kaming nakikitang Maria Terresa Dedal. Honestly, subrang hirap niya talagang hanapin dahil hindi namin alam kung ano na ang itsura niya ngayon. We only have her name and some identity and the rest ay wala na.
"Leon, kain na muna kasi tayo? Gutom na gutom na talaga ako eh" rinig ko uli kay Themoty.
Kanina pa ako nito inaaya na kumain na muna pero kanina ko parin siya tinatanggihan.
"Ano ka ba Themoty! Kanina ka pa nga kain ng kain, ni hindi mo nga ako tinirhan nung donut na binili ko!" sinamaan ko siya ng tingin pero ang gago ayaw paring magpaawat.
"Leoooooon, sige na kasiiiiiiii… Alam mo namang wala akong dalang pera eh huhu, pautang nalang uli ako" sabay tingin sa'kin ng parang asong gala.
"Ano?! Pautang?! Eh halos one hundred thousand na ang utang mo sa'kin dahil diyan sa tiyan mong puro nalang pagkain ang sinisigaw!" may numumuong luha sa mga mata niya, nalintikan na! Iiyak pa ata ang baliw na'to!
"UWAAAAAH! UWAAAAAH! MASAMA BANG MAGUTOM LEON HA? UWAAAAAH! UWAAAAH!" napahilamos ako sa mukha ko ng bigla nalang siyang umupo sa daan sabay padyak-padyak ng mga paa na parang bata, at sinamahan pa ng iyak.
"Pakainin mo muna si Themoty, Leon. Baka paghindi mo 'yan pakainin, ikaw ang kakainin niyan" rinig ko mula kay Iron sa kabilang linya.
"Gees! Kilabutan ka nga Iron! Tsk! Bakit ba kasi sa akin pa ito nasama? Okay lang naman na mag-isa nalang ako!" at dahil sa reklamo ko, narinig ko ang tawa ng computer warrior ko, si Love Mendez.
"Ano ka ba Leon, mas mabuti nga't si Themoty ang naging kasama mo keysa si Iron, dahil kung si Iron pa? Edi mas sasakit ang ulo mo hahaha!" kung nasa harapan ko lang ang babaeng 'to, baka nabatukan ko na.
"Leon" galing ito kay Steven.
"Ano na naman boss?" taas kong boses na tanong.
"Wag mo 'kong taasan ng boses lion ka!" naloko na! Parang pati itong si boss ay nahawaan na sa ugali ng asawa niya!
"Sorry okay?" buti nalang nasa lugar kami kung saan ay bihira lang ang mga taong dumadaan kasi kung titingnan ay para kaming mga baliw dahil sa lintik kong kasamang hanggang ngayon ay umiiyak parin.
"Leon!"
"OO?! Ano na namang iutos mo boss?!" hindi ko talaga mapigilang hindi sila pagtaasan ng boses dahil kanina pa talaga ako pikon dahil kay Themoty.
"Bakit ba ang init ng ulo mong doctor ka?!" si boss uli ito. Napabuga naman ako ng hangin.
"I'm sorry, kanina pa talaga mainit ang ulo ko boss dahil unang-una ay nagising nalang ako kanina na wala ng laman ang wallet ko" sabay tingin ko kay Themoty na naglumpasay parin sa daan.
"At pangalawa, pinaalis kami ng inupahan kong bahay para tirhan sana namin habang hinahanap namin ang babaeng nagpaanak kay Queen Elisa, at panghuli ay kanina pa hingi ng hingi ng pagkain itong kasama ko! Idagdag pa na wala na akong pera dahil na iwan sa bahay ko ang totoo kong wallet!" sa totoo lang ay hindi talaga ito ang rason kung bakit mainitin ang ulo ko ngayon.
I felt sorry for them dahil dinamay ko sila sa init ng ulo ko kahit wala talaga silang kasalanan. Nagising kasi ako kaninang umaga dahil sa tunog ng cellphone ko at si mommy ang tumawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/237023349-288-k512039.jpg)
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomanceNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...