CASSANDRA
"Cassandra ayos ka lang ba diyan?" rinig ko na tanong ni Botyok.
Nasa kaliwang bahagi kasi siya ng taniman namin ni itay, nagbubunot ng damo habang ako naman ay nasa kanang banda. Malabong na kasi ang mga damo at kailangan na itong linisin para makasagap ng preskong hangin ang mga gulay. Bukas kasi ay lalagyan na namin ito ng pataba.
"Oo ayos lang ako Botyok! Ikaw ba, ayos ka lang rin ba diyan?!" balik kong tanong sa kanya.
"Oo ayos lang!"
Hindi na muli akong nagsalita pa pagkatapos ko itong marinig, bumabagabag kasi sa aking isipan ang kanina nung iniuwi ni Botyok ang damit ko sa bahay at wala pang sampung minuto ay nakabalik na ito, ngunit ang hindi ko mawari ay kung bakit may dala uli siyang kaing, ngunit pagkain lang ang laman.
Flashback
Natapos na kaming kumain ng pananghalian ni Botyok, at nakahiga na ako ngayon sa duyan na nasa ilalim lang ng punong mangga, habang si Botyok naman ay naka-upo lang sa damuhan.
"Cassandra ihahatid ko muna itong mga damit na binigay ko sa iyo kanina sa bahay ninyo ha?" nagtataka ang mukha ko ng tiningnan ko siya.
"Bakit naman Botyok? Mamayang hapon nalang natin iyan dadalhin sa bahay pagkauwi natin"
"Hindi maaari Cassandra. Maiwan na muna kita rito ha? babalik din kaagad ako" hindi pa ako nakapagsalita ng iniwan niya ako sa ilalim ng mangga.
Hindi ko nalang ito pinansin dahil alam ko naman na babalik din iyon kagaya ng sinabi niya. Pinikit ko nalang ang aking mga mata para sana matulog pero bigla akong napabangon nang may humahangos na lalaking dumating sa bukirin namin ni itay.
"Botyok? Ang dali mo lang atang nakabalik?" at bakit hawak parin nito ang kaing na dala niya kanina?
"HA! HA! HA! AHOOY!" hingal na hingal na sambit niya.
"Pasensya ka na Cassandra kung ngayon lang ako dumating, tinulungan ko pa kasi si ate na maghanda para sa pagbalik niya sa Maynila mamayang madaling araw" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya, parang… parang hindi siya rito galing kung kumilos.
"A-anong ibig mong sabihin Botyok?" magkatagpo ang kilay ko na tinitingnan siya.
Inilapag muna nito sa damuhan ang dala niyang kaing tiyaka ininom ang tubig na dala rin niya.
"Ang ibig kong sabihin ay, natagalan akong makarating dito dahil nagpatulong si ate sa akin kanina dahil aalis na naman ito para bumalik ng Maynila" walang kurap-kurap na tinititigan ko ang mukha niya, dumadaloy ang pawis nito mula sa kanyang buhok.
"Cassandra? Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" binawi ko ang aking tingin sa kanya.
"W-wala Botyok, teka muna, magpalit ka muna ng damit, subrang pawis mo oh"
"Sige-sige, teka muna" may kinuha itong damit sa kaing niya, ibinaling ko naman sa kabila ang ulo ko para hayaan siyang makapagbihis ng maayos.
"Ayos na Cassandra, tapos na akong magpalit ng damit" ibinalik ko ang mga tingin ko sa kanya.
"Kumain ka na ba Botyok?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa Cassandra, kain na tayo? May dala akong niluto ni ate kanina, tinulang manok" masaya itong inilabas ang mga dala niya na nasa loob ng kaing.
"Ano nga palang ibang laman ng kaing mo Botyok? May mga damit ba?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya.
"Mga damit? Wala akong ibang dalang damit maliban sa pampalit ko Cassandra, at ang natitira ay ang dala kong pananghalian nating dalawa" hindi ko mapigilang hindi magulat sa naging sagot niya, pero hindi ko pinapahalata sa kanya na nagulat ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/237023349-288-k512039.jpg)
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomanceNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...