CASSANDRA
"Sigurado ka na ba diyan iha? Baka magbago pa ang isip mo, bukas ka nalang umuwi dahil gabi na" pag pipigil ni nanay Beth sa'kin, ngunit umiling lang ako.
"Pasensiya na po nanay ngunit hindi ho kasi maaari na hindi ako umuwi sa bahay dahil hindi po naka kandadu ang bahay at baka uuwi na si itay at hindi niya ako madadatnan doon" nakikita ko sa pag mumukha ni nanay Beth ang pang hihinayang ngunit hindi talaga maaari na magtagal pa ako rito sa bahay niya, hindi dahil baka uuwi na si itay kundi ay dahil sa kamukha ni Brix.
Nakita ko kanina noong pumasok sa bahay ang nagpapakitang Leonard sa akin, at nahahalata ko sa mukha niya na para bang may nagawa akong mali. Subrang talim ng pagkakatitig niya sa akin na animo'y may nagawa akong malaking kasalanan, at hanggang ngayon ay nakatitig parin sa akin ang lalaki.
"Ganoon ba iha? Sige kung iyan ang gusto mo pero ipapahatid kita rito sa alaga ko ah? Iho Leonard, pakihatid muna itong si Cassandra dahil malayo-layo pa ang kanila at gabi na" napabaling ako ng paningin kay Leonard na nakaupo sa kawayan na silya habang ang mga kamay ay nakalagay sa bandang dibdib niya, nakahalukipkip ito.
"Nako! Wag na ho nanay Beth, kaya ko na pong umuwi na mag-isa lang, wag na po nating istorbohin ang alaga ninyo" sabi ko sabay bawi ng tingin.
"Sige nanay, mauna na po ako ah? Maraming salamat po sa tulong ninyo kanina. Paparuon na po ako" at tuluyang lumabas ng bahay ngunit ilang hakbang lang ay napatigil ako.
"Miss Cassandra!" napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin, si Themoty pala.
Tiyaka nga pala, kaibigan ko na si Themoty kanina. Noong bumalik kasi sila sa bahay ni nanay Beth ay lumapit ito sa akin at humingi ng tawad sa kanyang ginawa kanina. Makulit itong si Themoty kaya naging komportable ako sa presinsya niya kahit hindi ko pa siya lubusang kilala.
"Bakit Themoty?"
"Ihahatid na kita, hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan ka umuwing mag-isa, ako pa naman ang may kasalanan kung bakit ka nagabihan" naglakad ako muli at itong si Themoty naman ay sumabay narin sa akin.
"Sige, hindi nalang ako tatanggi dahil mapilit ka naman" napatawa ito ng mahina sa sinabi ko.
"Alam mo ba Cassandra, si doc Leonard naman talaga ang gustong maghahatid sa iyo kaso ano…" napalingon ako sa kanya.
"Kasi ano?"
"Ayeeeeh curious siya" kumunot ang aking noo.
"Curious?" muli kong sambit sa sinabi niya, hindi ko kasi alam ang ibig sabihin ng salitang iyon.
"Shot! Hindi ka pala nakakaintindi ng mga salitang english, pero hayaan mo Cassandra dahil tuturuan kita kung paano magsalita ng english"
"No need, dahil ako mismo ang magtuturo sa kanya" tinig ng lalaking subrang pamilyar.
Napalingon kami ng sabay ni Themoty sa likod.
"Doc?!"
Hindi kaagad ako naka pagsalita, marahil ay hindi ko inasahan na sumunod siya sa aming dalawa ni Themoty. Hindi pa kami nakakalayo ni Themoty sa bahay ni nanay Beth at dahil may ilaw naman sa gilid ng daan kaya nakikita namin ang kabuohan ng mukha ni Brix, si Leonard. Patungo'ng bahay lang naman namin ni itay ang walang ilaw kaya nagpapasalamat parin ako rito kay Themoty dahil ihahatid niya ako, matakutin pa naman akong tao.
Nakita kong lumapit si Leonard sa amin at tumigil din ilang dangkal nalang ang layo. Naka suot na ito ng itim na diyaket. Ang dali naman ata niyang naka pagsuot ng diyaket.
![](https://img.wattpad.com/cover/237023349-288-k512039.jpg)
BINABASA MO ANG
Yssesa: The Running Bride
RomanceNakilala ni Leonard Moonaro si Yssesa Del Feli sa misyon nila kasama si Steven Smith Austin para hanapin si Loisa Stan. Si Yssesa Del Feli ang napiling rentahan ni Leonard ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napaibig si Leonard sa isip batang si...