SANDRA'S POV
Naalimpungatan ako nang marinig kung may nagbukas nang pinto sa baba kaya hinanda ko ang aking sarili para kung may masamang tao man na papasok sa bahay namin ay madali lang akong makaka-alis, wala pa naman si Raymond dito nasan na kaya 'yon! Dati naman ay hindi siya umuuwi nang ganitong oras 11 in the evening na pero wala parin siya. Nabalik ang aking ulirat nang sumuka ito kaya naisipan kung silipin iyon sa maliit na butas nang aming pinto at napagtanto kung si Raymond pala 'to. Nakahalumpasay at sumusuka kaya dali-dali kung binuksan ang aming ilaw at nilapitan ang sumusukang si Raymond.
"Baby, anong nangyari sayo? Bakit lasing na lasing ka? Akala ko ba ay may pupuntahan ka lang?" Sunod-sunod na tanong ko kay Raymond habang hinihimas ang kanyang likuran para maibsan ang kanyang pagsusuka.
"Hano bha n-naman shan! Minshan na nga lang akong magpakashaya sa buhay! Shinushumbatan mo pa ako!" sigaw na sabi niya sakin pabalik habang tuloy parin sa pagsusuka.
Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi niya pero lasing lang siya kaya niya nasabi 'yon at papalampasin ko nalamang ito.
"Alam mho! Shawang-shawa na ako sa buhay ko alam mo ba 'yon! Palagi nalang kitang nakakashama ni ayaw ko naman shayo! Pinagtiya-tiyagaan kita pero h'wag na h'wag mo akong shushumbatan sha mga ginagawa ko sha buhay!"
Diko na mapigilan ang akong mga luha sa pagtulo, nag-uunahan ito sa pag-agos pababa sa aking pisnge kahit na lasing siya at hindi niya alam ang kaniyang mga sinasabi ngunit masakit parin pakinggan ang mga salitang binitawan niya. Kaya napatigil ako sa paghagod nang kanyang likuran at itinuon ang aking sarili sa refrigarator at kumuha nang tubig. Tumulo pa ang aking mga luha bago ko ibinigay ang tubig sa kanya, walang patutunguhan itong pag-iyak ko dahil wala siya sa katinuan lasing siya kaya hahayaan ko nalamang muna ito. Tuluyan kung nilisan ang lugar kung nasaan si Raymond at agad akong nagtungo sa aking silid at rito itinuloy ang pag-iyak.
Alam ko namang hindi niya 'yon sinadya, mahal ako ni Raymond! Lasing lamang siya kaya niya 'yon nasabi. Pero bakit niya naman mabibitwan ang mga katagang 'yon kung wala lamang 'to? Arghh! Ang hirap isipin. Nasa baba parin si Raymond dahil patuloy parin ito sa pagsusuka na rinig na rinig ko rito sa aking silid, gusto ko sana siyang samahan roon pero narito parin ang takot na baka may masabi na naman siyang masama at baka hindi ko kakayaning marinig ang mga 'yon kaya minabuti ko nalamang na humiga sa aking kama habang yakap-yakap ang aking unan at kasabay nang pag pikit nang talukip saking mga mata ay ang pag-agos naman nang mga butil nang aking luha na kanina pang nagbabadya.
Kinaumagahan, maaga akong nagising sa mahigpit na yakap sakin ni Raymond, okay na pala siya? Hindi na siya lasing. Agad naman akong tumingin sa kanyang mga mata nagbabakasakaling may sasabihin siya patungkol sa nangyari kagabi kaya lang wala akong nakikitang kahit anong pagbabadya rito kaya minabuti ko nalamang manahimik, baka dala lang talaga iyon nang alak na nainum niya kagabi kaya siya nakapagsabi sa akin nang ganung masasakit na bagay. Sa katunayan ay unang beses kung makarinig nang ganun sa kanya. Iyon lang talaga kagabi kaya laking gulat ko nang masabihan niya ako nang ganun.
"Are you okay baby? May masakit ba sayo? Ba't mugto 'yang mga mata mo?" Raymond asked me without breaking his hug. Mukhang hindi niya nga alam kung ano ang pinagsasabi niya kagabi.
"Wala to baby, naiiyak kasi ako sa pinanuod kung pelikula kagabi hindi ko maiwasan umiyak, 'yong bida kasi inaaway 'yong babae!" Palusot kung sabi sa kanya, maybe hindi niya nga sinasadya ang mga nasabi niya kagabi kasi lasing naman siya.
"Ganun ba baby? Sayang naman hindi kita nasamahan sa panunuod kagabi napasarap kasi inuman namin nang barkada ko eh. Sorry!"
Nakayakap parin siya sakin habang sinisinghut niya ang aking buhok na nagdala nang pagkiliti saakin.