P S Y C H O | 5 |

8 4 20
                                        

SOMEONE'S POV

Fuvk that Jailo guy gonna kill him later, kasalukuyan kung sinusundan si Sandra ngayon para makasiguradong maayos ang kalagayan niya, walang silbi si Raymond the great siguro nasa lamay 'yon nang minamahal n'yang Lexi tangina n'ya!

Habang sinusundan ko si Sandra ay bigla itong tumakbo ng mabilis baka'y natakot ko kaya gan'on dahil sa kakatakbo niya ay may nabangga siyang naka hodie, fuck! ...ng dahil sa'kin baka'y masugatan siya. Bigla naman akong nagtago nang hindi kalayuan sa kanila baka may masama pa itong gawin kay Sandra but what surprised me is that guy-Sonder tsk! Akala ko pa naman ay kung sino ito, nakasuot ba naman ng hodie sa gabi kingina lang. Hinatid niya si Sandra pauwi ng bahay, may pa hawak-hawak pa sa kamay at may pa akbay pang nalalaman tanginakanggago papatayin kita chansing kang yawa ka!

Nang masigurado kung mabuting nakauwi si Sandra ay binagtas kung muli ang daan papuntang paaralan d'on ko nalang isasagawa ang aking plano.

SONDER'S POV

Habang tinatahak ang daan pabalik ay naagaw ang aking atensyon sa isang nilalang nakaitim siya at gusto kung tingnan kung ano na naman ang gagawin niya, minsan ko na siyang nakita at hindi ako mapakali at naiisip ko kung bakit niya 'yon ginagawa. Nakasunod lamang ako sa kanya habang binabagtas ang daan pauntang paaralan namin dito niya siguro isasagawa ang kanyang maduming plano, yawa 'to. Nakapasok na siya sa gate habang ako ay minamatyagan ko muna ang kanyang kilos mahirap na at baka'y mahalata niya pa ako kaya nang tuluyan na s'yang makapasok sa isang silid ay pumasok na rin ako sa gate tanaw na tanaw ko siya mula sa malayo. May kung ano s'yang ginagawa r'on na nagdala sa akin sa kuryusidad kaya binalak kong lumapit dala na rin siguro sa kagalakan na malaman ang kan'yang gagawin ay hindi ko namalayan na may natapakan pala akong plastik bote ng sofdrinks kaya agad 'tong lumingon sa pinanggalingan ko.

SOMEONE'S POV

Nilingon ko kung saan nanggaling ang ingay na 'yon at nabigla ako kung sino 'to tsk! Ano namang ginagawa ng hayop na ito rito? Sinabihan ko na s'yang h'wag sumunod sa'kin kainis! Hindi na lamang ako nagpatinag sa nilalang na'yon at pinapatuloy ko pa rin ang aking ginagawa bahala siya kung makita niya ako, sinabihan ng h'wag sumunod bobo lang. Nang matapos ko nang isagawa ang aking plano ay lumabas na ako sa exit na gate, maaga pa akong pupunta rito bukas.

SONDER'S POV

Nakakatindig balahibo ang ginawang pagtitig sa'kin ng nilalang na 'to siya pala ang dahilan ng pagkawala ng mga ulam rito sa canteen kinukuha niya pala ito. Hayop na pusa matagal niya na pala itong ginagawa, titig na titig sa'kin ang maitim na pusa habang dinidilaan niya ang pinggan kung saan nakapatong ang isang atay ng baboy may dugo pa ngang umaagos rito malamang ay lulutuin pa ito bukas naunahan pa ng maitim na pusa. Interesting! Ngayon lang ako nakakita nang pusang kumakain ng hindi lutong pagkain. Nilapitan ako nito tsyaka ko lang napansin ang kanyang pangalan na nakasabit sa kanyang leeg "HELL" kay gandang pangalan bagay na bagay sa kanyang kulay itim na balahibo at itim na mga mata, pumatong ito sa'king balikat at tsyaka na dinilaan ang aking leeg may dugo pa ngang umaagos rito dahilan upang malagyan ang aking hodie ng mapupulang dugo, kay hirap pa namang labhan nito. Iwinaglit ko na lamang ang aking pansin sa atay na nakapatong sa pinggan na ngayon ay kay liit na lang ang natira, hindi niya nalang ito inubos sabi ko sa'king isipan.

Binalingan ko nalang ang daan pauwi habang nakapatong pa rin ang maitim na pusa sa saking balikat patuloy pa rin ang pag agos nang dugo sa aking damit na nanggagaling sa kanyang baba dala nang kinain n'yang atay kanina. Hinayaan ko na lamang ito kasi kahit anong gawin kung pagpapa-alis sa itim na pusang 'to ay patuloy lamang ito sa kakadila sa aking leeg, punyemas na pusa!

Psycho's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon