P S Y C H O | 6 |

12 4 19
                                    

SANDRA'S POV

Malutong na sampal ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa'king silid aralan, kay gandang pambungad sa umaga. Tiningnan ko kung sino ang sumampal sa'kin at si Krisy lang pala 'to, ba't ang init ng ulo nito sa'kin?

"Bakit?" Usal ko rito, simula n'ong nasabihanan ako ni Jailo ng malandi ay hindi na maalis sa kanilang isipan na naakadumi ko kahit hindi naman 'yon totoo.

Isa pang malakas na sampal ang iginawad niya sa'kin, ngayon ay halatang nakamarka na sa aking pisnge ang kanyang kamay. Isang nakapandidiring tingin ang ipinukol niya at tsyka niya sinabunutan ang aking buhok, wala akong magawang pagpupumiglas kasi ang hapdi ng pagkakahawak niya rito bumaon sa'king balat ang kanyang matutulis na koko.

"Alam niyo bang lahat na napakalandi ng babaeng 'to, pati ang mesteryoso at tahimik na si Sonder ay nilandi niya wala na talaga s'yang pinipili"  sigaw ni Krisy sa buong silid, naagaw naman ang atensyon ng aking mga kaklase at tsyaka ako binato ng mga bagay na kanilang mapupulot ang sakit.

Hindi na napigilan ng aking mga luha sa pagpatak, nag uunahan silang umagos. Wala akong pakialam kung makita man nila akong umiiyak, wala akong ginawang masama.

Bigla namang bumukas ang pinto tsyaka iniluwa roon si Sonder na halatang napipikon sa kan'yang bag. Bigla niya naman akong pinukulan ng pansin at tsyaka ngumiti, hindi niya ba napansin na umiiyak ako? Sabagay sino ba namang may pakialam?

"Malandi, akala mo siguro ay ipagtatangol ka ni Sonder h'wag kang asssuming!" Bulong ni Krisy sa'kin at saka niya na ako nginud-ngod sa pisara.

Nagtatawanan silang lahat habang pinagmamasdan akong namimilipit sa sakit, pinukulan ko naman nang tingin si Sonder at nakatitig rin pala ito sa'kin. Dali-dali akong tumakbo palabas nang silid at tinahak ang daan papuntang rooftop doon ay sigurado akong walang tao na makakakita sa pag-iyak ko.

Habang nakaupo ay hindi ko lubos mawari kung bakit pinag-iinitan nila ako, wala naman akong ginawang masama. Iyak lang ako nang iyak rito, walang taong gustong lumapit sa'kin dahil malandi raw ako, ba't nila nasabi 'yon mga mapanghusga!

Pati ang taong inaasahan kung dadamay sa'kin ay hindi ko na nakikita, si Raymond. Nasaan na kaya siya? Simula n'ong namatay si Lexi ay wala na s'yang paramdam sa'kin miss na miss ko na siya.

"Heto... panyo" usal nang kung sino mang nilalang sa'kin kaya tinignan ko ito at nagulat ako n'ong napag alaman kung kaklase ko pala.

"Salamat" mahinang turan ko rito, tahimik naman siyang umupo sa tabi ko at saka itinuro ang dalawang nilalang na masayang naglalakad sa eskinita. Tiningnan ko naman ang itinuro n'yang magkasintahan, sa una'y nasiyan akong pagmasdan sila napakagandang relasyon pero nagulat ako nang maaninag ko kung sino ang binatang 'yon, parang wala ako sa katinuang tumayo at tsyaka pinagmasdan sila sa malapitan hindi ko lubos maisip na mamagawa niya 'yon sa'kin, sa lahat ng taong pinagkatiwalaan ko siya pa. Kaya pala hindi na siya umuuwi kasi may inaatupag s'yang malandi.

"Ayos ka lang ba?" Sonder asked me ngunit hindi ko siya pinansin bagkus ay mas pinagtuunan ko talaga ng atensyon ang dalawang naglalampungan sa eskeneta, bigla namang pumatak ang aking luha.

Hindi ko alintana na mas masakit pa lang lukohin kaysa masampal ni Krisy, wala lang 'yong hapdi sa'king pisnge kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naging kulang ba ako Raymond?

Nahalata siguro ni Sonder kung ba't ako umiyak kaya dinala niya ako pabalik sa upuan, dito ko na talaga inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Walang kahit isang salita na lumalabas sa bibig ni Sonder ngunit panay pa rin ang hampas niya sa kanyang bag na labis na ipinagtaka ko imbes na umiyak ay naagaw ang atensyon ko sa ginagawa niya kaya napatitig na lamang ako rito.

Psycho's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon