CHAPTER TEN

353 32 18
                                    

Mula sa pagkakahiga ay bumangon ulit ako at kaagad na ginising sina Lorenz.

“Gumising na kayo dali, pupunta ako sa kasal,” Pinaghahampas ko ng unan ang tatlo para magising.

“Pero wala kaming suit,” angal ni Homer.

“Ibibili ko na lang kayo, basta bilisan nyo nang kumilos,” sigaw ko sa kanila.

Nagpunta na nga kami sa venue ng kasal nila Haven. Marami na rin ang mga bisita.

“Harangan n’yo muna ang mga guest na pupunta kay Haven,” utos ko kina Lorenz. Kailangan ko siyang makausap bago pa mahuli ang lahat.

Tumango naman ang tatlo sa sinabi ko. Pinalabas nina Homer ang dalawang kasama ni Haven sa dressing room at saka ako pumasok. Nagulat naman ito nang makita niya ako.

Naabutan ko itong nag-aayos ng wedding gown niya. Ang ganda pa rinniya  lalo na ngayong nakasuot siya ng gown.

“Ang ganda ng gown mo ha,” sabi ko nang makalapit sa kanya.

“Yung gown lang ba, hindi yung may suot,” biro nito sa akin. Pareho kaming tumawang dalawa. “Buti naman at nakapunta ka,” pagpapatuloy niya.

“Sabi ko naman ‘di ba pupunta ako. May sasabihin din sana ako,” hinigit ko ang isang upuan at umupo sa tabi niya.

“Alam mo, pinagsisihan ko talaga ang lahat dahil nasaktan kita.” I sighed before I continue. “Im really happy lately, masaya naman ang pagtuturo at nagpapasalamat ako sayo dahil doon. Nagkaroon ako ng pangarap dahil sayo, nakapag-college ako , I’ve met good friends, and I become a teacher. You changed me into who I am today. I could’ve wasted my life but you made me into a better man. Salamat sa pagdating sa buhay ko. Have a good life and always be happy.” sabi ko saka tumayo. Bigla naman siyang nagsalita kaya napalingon ulit ako sa kan’ya.

“Noong bisita kita sa school, may gusto rin sana akong sabihin sa iyo,  sa tuwing malungkot ako, kapag nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay, kapag nakakalimutan ko na ang pangarap ko lagi kang nasa tabi ko para damayan ako,” tumayo ito at humarap sa akin. “Maraming salamat Erick. Maraming salamat sa lahat,” saka inabot ang kaliwang kamay niya.

Inabot ko rin naman ang akin at nakipag-kamay sa kanya. And that is the first and last time na nag-thank you siya sa akin.

“Around of applause for our bride.” announce ng MC . Bumukas ang pinto at saka pumasok si Haven. Nagsisigawan ang mga bisita at nagpapalakpakan.

Dumaan siya sa harap ko nang maglakad siya sa aisle papunta sa latar. Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng ngiti. Ngiti na nagsasabing okay na ang lahat sa pagitan  naming dalawa. Nang makarating na siya sa may altar ay naglakad na ako palabas ng pinto.

And finally, tumigil na ako sa paghahabol. Hindi dahil sa napagod na ako kundi dahil tapos na ang karera. Siguro ganito nga lang talaga maglaro si tadhana at kaming dalawa ang naisipang pagtripan.

Masarap magmahal pero masakit ang masaktan. But getting hurt is part of loving someone.

Ang nakakalungkot lang , may mga taong naging parte na ng buhay natin ang kailangang mawala.

They said that we met someone for two reasons, it’s eaither they’re a blessing or a lessons, and Haven became my blessing and lesson at the same time. I was so blessed that I got the chance to met her and she taught me many things in life.

Some people are going to leave but that’s not the end of our story, that is  the end of their part in our story.



THE END!

Author's note: thank you for reading this story. Don't forget to  vote every chapter and leave your feedbacks below because it'll be highly appreciated.

See you on my next story!


First Love Never Dies | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon