CHAPTER NINE

181 15 0
                                    


After mailibing ang papa niya tinext ko siya na magkita kami sa park at pumayag naman siya. Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang bench sa may ilalim ng puno. Lumapit ako sa kan’ya at tahimik na umupo sa tabi niya.

Tahimik ang buong paligid. Tanging huni ng mga ibon sa di kalayuan ang nagbibigay ng ingay.

“Gumagana pa ba yang mp3?” I asked trying to break the ice between us. Hawak niya ang mp3 na binigay ko sa kanya noong high school pa kami.

“Sa tuwing nalalasing si Papa, lumalabas ako ng bahay at pinapakinggan ang kanta dito,” sabi niya saka tinanggal ang headset sa kan’yang tenga.
“Hindi ko akalain na pakikinggan ko ito dahil sayo,” she said with a sigh of sadness.

“Sorry na talaga, I was too dumb to say those words saka nakahanap na ako ng trabaho ngayon dahil tinawagan ako ng professor ko dati,” sabi ko saka hinawakan ang mga kamay niya. Umaasang sana’y patawarin niya ako.

“Mabuti naman kung ganoon. That’s makes me feel better,” sabi nito pero nakikita ko na malungkot pa rin siya.

“Of course, everything will be alright,” I smiled at her but she never took an effort to look  at me.

“Napagdesisyunan ko nang tumuloy sa Paris. It’s also a good opportunity for me,” Tumingin na siya sa akin.

Ngumiti naman ako saka nagsalita. “Okay lang. Maghihintay ako sa iyo,”

Like I always do. Pero tumahimik lamang siya. Napansin ko rin na wala na ang singsing sa kan’yang daliri siguro ay tinnggal na niya.

I’m trying to hold back my tears. Ayokong makita niyang mahina akong tao.

“Kung galit ka sa akin, just hit me huh!” Lumuhod na ako sa harapan niya hinawakan ko ang kan’yang kamay at ihinampas sa mukha ko. “Pwede ba na kalimutan mo na lang ang sinabi ko, please,” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Erick, this will not work anymore kahit ano pa ang ipilit natin. Goodluck for your interview,” sabi niya bago tumayo at iwan ako.

I opened my mouth but none came out. For the nth time, ‘yun na naman ang ginawa niya. Ang iwanan ako at lumakad palayo sa akin.

Sabi nga sa kanta, I did my best but I guess my best wasn’t good enough. Hindi siguro sapat lahat nang ginawa ko para mag-stay siya sa aking tabi.

Tumaya ako sa isang larong, sa umpisa pa lang…talo na ako.

***

June 2018 (present day)

“Physical activity is vitally important for your health,” sabi ko saka ibinagsak sa table ang libro kaya nagsitinginan ang mga aking mga estudyante.

“Sir. ang boring naman ng klase natin ‘e,” angal ng isa kong estudyanteng si Peter na mukhang inaantok na.

“Simula po nang nagturo ka lagi ka ng galit, kwentuhan mo na lang kami sir tungkol sa first love n’yo,” sigaw ng katabi nito.

“Oo nga sir, saka about your first kiss,” sabat pa ng isa.

Ang mga batang ito talaga.

“Hindi ninyo magugustuhan ang love story ko,” Tumutol naman sila at gustong ikuwento ko pa rin sa kanila.

Kaya sa tuwing mag-uumpisa ang klase, kinukwento ko muna sa kanila ang love story naming dalawa para hindi sila antukin sa klase.

Nasa field kami ngayon at naglalaro sila ng football. Napalakas ang sipa ng isa kaya tumalsik sa malayo ang bola. Hinabol ko ito at bigla naman akong napatingin sa may bench sa school. Nakatingin sa akin ang isang pamilyar na mukha.

“Kailan ka pa bumalik ng Pilipinas?” tanong ko sa kanya. Magkatabi kami ngayon ni Haven sa upuan.

“Mga isang buwan na siguro,” sagot nito sa akin.  “Nabalitaan ko full time teacher ka na ngayon ah, congrats,” dagdag niya.

“Oo, salamat,” nakangiti kong sabi. Hindi ko akalain na makakangiti pa ako sa harap niya sa kabila ng nangyari sa aming dalawa.

“Ikakasal na ako,” Bigla naman akong napaubo dahil sa sinabi niya.

Hindi agad ako makapagsalita. Ang ganda namang bungad nito sa akin.

“Ah ganoon ba?” Nag-iwas ako nang tingin. “Pilipino ba?”  dugtong ko.

“Oo, katrabaho ko sa Paris,” maikli niyang tugon.

Tumango-tango na lang ako kahit umiiyak ako sa loob. “Maganda kung ganoon, saka nasa tamang edad ka na naman nga para magpakasal,”

Gusto kong sabihin kung bakit parang ganoon kadali sa kan’ya na kalimutan ako.

“Kaya nagpunta ako dito para dalhin itong invitation, nakakahiya naman kung sa iba mo pa malalaman,” sabi niya saka iniabot sa akin ang isang pulang card.

Triple kill na ‘to . Wala na talagang bawian, dinalhan pa ako ng wedding invitation nila . Sabagay durog na naman ang puso ko, ano pa ba ang dudurugin niya.

“Ganoon ba, salamat at naalala mo akong imbitahin,”

Pero nakalimutan mo na agad kung gaano kita kamahal. “Get married and have plenty of kids and have a happy life.”

Kahit hindi na ako ang kasama mo.

Magdamag kong nilunod ang aking sarili sa alak. Pinipigilan na ako nila Lorenz pero hindi pa rin ako nagpapaawat.

Kung pwede nga lang tanggalin ang utak ko at piliin ang mga memories naming dalawa nagawa ko na. Akala ko hindi na masakit, akala ko manhid na ako pero unti-unti pa rin akong pinapatay.

Sa sobrang kalasingan ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang magising naman ako ay nakahiga na rin sina Homer dahil na rin sa kalasingan.

Pinilit kong tumayo para maghilamos ng mukha at pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto. Mga ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame habang naiimagine si Haven na naglalakad sa altar at nakasuot ng puting wedding gown. Maya-maya naman ay may bigla akong naisip.

Timing.

It’s all about timing.

First Love Never Dies | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon