Chapter 8

87 4 0
                                    

Chapter 8:

BOGS

Ang aga gumising ni mama dapat pala siya na lang pinatulog ko dito sa sofa. Nagising agad ako nang maamoy at marining kong may nagsasangag. Sarap naman pag nandiyan si Mama.

"Mader, ang ingay. Ang aga aga."pagbibiro ko.

"Wag OA Bogs, alas 8 na... Bangon na! Dami ko nang nagawa dito. Pumunta ka sa shop mo ngayon wag kang magmukmuk dito. Nakakadepressed bahay mo kasi masyadong tahimik." pagmumungkahing sa tonong pautos ni mama.

"Okay sige. Ma, may kape na?" tanong ko na parang katulong ko si mama.

"Bumangon ka na. Tatamaan ka talaga sa akin. Ang tamad mo." walang kamatayang linya ni mama.

Napangiti ako dahil muling nanumbalik ang pagiging high school student ko. Sa mata talaga ng nanay kahit anong edad o propesyon mo ikaw pa rin ang baby nila na kayang kaya nilang saktan ng walang gantihan.

Tumayo ako at binitbit ang unan at kumot na di ko naman nagamit dahil sa init. Agad akong tumungo sa kusina para kumain. Nilagang itlog at sinangag na kanin. Solve na solve.

May inabot si mama sa aking papel.

"Nak oh. Nakita ko sa pantalon mo. Buti di ko nalabhan yan.Sino si Teacher Jet?" malisyosong tanong ni mama.

"Ah. Kaibigan ko." sagot kong walang ka latoy-latoy.

Kinuha ko ang papel at inilagay sa ilalim ng cp ko habang titig na titig si mama na tila may nagawa akong masamang bagay. Iba talaga mga taktika ng mga nanay. Yun tipong wala kang choice kundi sundan ang pagiging assuming nila dahil sa tahimik na pagkakatitig nito na ramdam mong hanggang buto.

"Hindi ko yan bf o hookup mader." sundot ko.

"Bakit may sinabi ba ako?" sagot ni nanay na level Bea Alonzo.

Sinimangutan ko ang nanay kaya nakatikim ako ng deserving na batok.

"Ang landi mo kaya ka nagkakasakit." pangaasar nito.

"Hayaan mo ma! Isa lang sinisigurado ko sayo. Matitigang na ako forever." malungkot kong sagot.

Nagitla rin ako sa sinabi ko dahil narealize kong totoo nga. Mawawala ang sex life ko. Patay. Masusurvive ko nga ang sakit di ko naman masusurvie ang maging tigang. Di naman pwede puro kamay. Para akong nataranta sa napagtanto ko kaya ininom ko ang kape na parang tubig.

Napaso ako sa init kaya nagkandatalwak ang kape sa mesa.

"Nak! Bakit?... Bakit ang tanga mo?" tanong nang nanay kong tawa ng tawa.

Ito na lang siguro dapat kong gawin. Tawanan ang aking pinagdadaanan. Okey na naman kasi nasa side ko naman ang mader so ano pang hihilingin ko.

Nagpaalam ang nanay na uuwi dahil sa kailangan niyang kunin ang mga apo niya sa aking Ate. Si mader ang nagalalaga sa mga apo niya mula lunes hanggang biyernes kaya spoiled na spoiled ang mga bata.

"Nak pwede naman akong pumunta dito pag kailangan mo kasama ko lang mga bata."pagmumungkahi niya.

"Naku ma wag na. Makukulitan lang ako dun." sagot ko naman na may pagkabitter.

"Ikaw ang sama mong tito."pangiinsulto ni mama.

"Joke lang. Ayokong mapagod ka. Ako na lang pupunta sa bahay." sundot ko.

Inabutan ko si mader ng dalawang libo pang gala at panggastos. Walang mapaglagyan ang ngiti ni mama pag binibigyan ko siya ng pera. Napakadaling pasayahin ng nanay ko.

"Ito naman di naman ako nanghihingi." nahihiya niyang sambit.

"Arte pamore. Akin na yan?" pang aasar ko kay mama.

"Walang bawian. Tanga." sagot naman niyang mas nakakaasar.

Tawanan na naman kami sa pagiging cool ni mader.

Napagpasyahan kong pumunta sa computer shop at magparamdam sa aking mga katiwala.

"Leo, Asan si Ana?" bungad kong tanong.

"Hindi siya papasok. Nakipagdate siya dun sa bumbay para di na daw siya singilin sa kabayo ng plantsa." sagot ni Leo na nagpatawa sa aming dalawa "Di nga siya sisingilin, kakabayuin naman siya." dugtong nito na lalong nagpalakas sa aming tawa.

Naginventory kami ng stocks at tinulungan ko si Leo na magprint at magbind ng mga thesis at books. Magtatlong taon na itong negosyo ko na ito. Malakas ang kita lalo na nung nauso ang mga Computer Games pero nung ipagbawal ng gobyerno na papasukin ang mga student during class days medyo humina ang kita nito. Pero kapag sabado at lingo, palong palo naman kami sa kita. Di kami magkandaugaga ni Leo kakaprepare ng items for printing at pagpasok ng mga mababahong players.

Bawi bawi naman ang kinikita ko at nasasahuran ko naman ang dalawa kong college students na assistant. Mabait si Leo at Ana. Di kagwapuhan at kagandahan pero di matatawaran ang kanilang pagiging tapat. Never nila ako kinupitan. Nakadetalyado lahat ng kita at lagi nila itong inilalagay sa Gcash Account ko daily.

Masaya ako para sa kanila. Sana lang makahanap ako ng katulad nila kung sakaling magdesisyon silang umalis sa poder ko. Mabait naman akong boss, nagpapakain ako at nakikipagbonding sa kanila tuwing may time ako. Karamay ko rin sila sa problema na pinagdadaanan nila. HIndi naman nila inaabuso ang aking kabaitan bagkos ay sinusuklian nila ito ng katapatan.

Pinauwi ko na si Leo nang maaga matapos ko siyang ibili ng meryenda. Mga 11 na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Napansin ko ulit ang papel na may numero ni Teacher Jet. Napagisip isip kong magparamdam kay Jet.

Tumawag ako. Matapos ang ika-anim na ring ay sinagot niya ang aking tawag pero nagulat ako.

"Sagad ko ba babe?"boses ng lalaking malalim ang boses.

"Oo, please!" sagot naman ni Jet na pabulong

Gusto kong patayin ang phone pero mas pinili kong magjakol kasabay ng mga malalaswang ungol at palitan ng mga malilibog na salita. Salamat naman at buhay pa titi ko. Sarap na sarap ako kaya halos sabay kaming nilabasan ng lalaking kumakantot sa kabilang linya.

SOP is life. 

PUSITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon