Chapter 23

45 2 0
                                    

Chapter 23

JET

Natouch naman ako sa pagdamay sa akin ni Bogs. Nung una nahihiya pa kunwari ako na parang DALAGANG FILIPINA YEAH pero kalaunan ay natanggap ko na rin na kailangan ko ng tulong niya.

Pinaliliguan niya ako. Pinapakain. Nililinis ang sugat ko. Nililinis ang bahay ko. Pinagluluto ako. Pinaglalaba. Dito na rin muna siya natutulog. Nagdala siya ng sandamakmak na damit para di na siya pabalik balik sa bahay niya.

Gusto ko humingi ng tawad sa kanya kasi feeling ko ang bigat sa pakiramdam na ganun ko lang kabilis siyang balewalain tapos ngayong wala na si Manuel na naging dahilan kung bakit ako sugatan at luhaan ay matiyaga naman akong sinamahan ni Bogs.

Maraming bagay ang naituro ng krimen na ito sa aking buhay. Ngayon kasi, Lalong hindi naging big deal sa akin ang sakit ni Bogs dahil naisip ko na mas NAUNA pa sana akong namatay sa kanya.

Hindi na rin ako nagaalala sa mga kahihiyan ng aking kabaklaan kasi in the end titigan lang din nila ako mamatay katulad ng mga kapitbahay kong nakatingin lang sa akin habang sinasaksak ako ng babae. I might just enjoy my journey in life. Ano pa ba itatago o proprotektahan ko?

Natutunan ko ring di big deal ang pagkawala ko sa mundo bukod kay Bogs. Sa loob ng walong araw, ni isang tawag na pangungumusta ang nareceive ko mula sa mga ka co-teachers o almost 250 students ko. Masama siguro akong tao o talaga lang busy sila.

Narealize ko rin na masarap pala talagang may katuwang. Naging sandalan ko si Bogs. Sarap sa feeling na bago ako matulog ay may nakatingin sa akin para icheck kung may masakit akong nararamdaman. Akala ko nun ready na akong mamatay mag-isa. Hindi pala.

Ngayon maagang umalis si Bogs para sunduin ang kanyang nanay at dalhin dito sa bahay para alagaan ako. Ayaw ko sana maabala pa pero walang silbi ang pakikipagtalo ko kay Bogs dahil tama naman siya. Hindi ko pa talaga kaya magkikilos.

Narinig kong bumukas ang pinto sa sala kaya sinipat ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Bumukas ang pinto sa kwarto at bumungad ang di ko inaasahan.

"Okey ka na ba?" tanong ni Manuel.

Nanlamig ang aking buong katawan at nagtayuan ang aking balahibo.

"Wag kang matakot. Di ako bumalik para makipagaway. Andito ako para humingi ng tawad sa nangyari. Hindi ako aasa ng kapatawaran pero please wag na nating palalain ito... Wag mo namang idemanda ang asawa ko.... Kawawa naman mga anak ko... " sambit ni Manuel na halatang napaghandaan ang kanyang sasabihin pero nahihiya

Di ako nakapagsalita. Hindi ko alam saan ko kukunin ang aking lakas. Buti na lang at bumukas ulit ang pinto ng kwarto at pumasok si Bogs na biglang nanlisik ang mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Bogs wag, Hindi siya mangugulo." pakiusap ko kay Bogs para pakalmahin siya. "Manuel, pareho tayong nagkamali... Di ako magdedemanda... pero... pero wag ka nang babalik dito."

"Hindi na, Jet... Pangako yan... Salamat sa lahat..." tugon ni Manuel na may bigat at lungkot. Tumalikod ito para lumabas.

"Manuel? Gusto ko lang malaman mo na hindi siraulo ang papatol kay Bogs... Marangal at mabuti siyang tao.... Higit pa sa'yo o sakin... Higit pa sa mga lalaking nakilala ko." sambit ko habang pinipigil kong tumulo ang namumuo kong luha .

Mukhang maluwag namang tinanggap ni Manuel ang pangiinsulto ko dahil tumingin siya kay Bogs at nagpaumanhin. Lumabas siya kasama ang sama ng loob, pangungulila at pagalala na dinala ko nang maraming taon.

Lumapit si Bogs. Hinawi ang buhok kong lumaylay malapit sa aking mata.

"Okay ka lang? Gusto mo na bang maligo?" pagaalala nito.

"Bogs. Sorry... Sorry talaga... Sorry na... Sana mabigyan mo "TAYO" ng pagkakataon." tanong ko na may pagpaparamdam.

"Jet, may sakit ako." sagot niya na may naramdaman.

"Bogs dapat nga nauna pa ko namatay sayo! Wag kang magalala kasama yang sakit mo sa mamahalin ko Bogs. Sasamahan kita at sasamahan mo ko sa laban ng buhay. Magkasabay." dugtong ko sabay haplos sa kanyang pisngi.

Handa na kong halikan si Bogs ng biglang may narinig akong umiiyak malapit sa pinto. Napalayo ang mukha ko ng konti mula sa kanya.

"Sino nandun?" tanong ko

"Ay... oo nga pala! Ma?" sundot ni Bogs ng maalala na kasama niya ang kanyang nanay na sumilip din sa pintuan na nagpapahid ng luha. Natawa si Bogs takip takip ang kanyang mukha.

"Nay, okey lang ba, mahalin ko anak mo?" tanong ko na may ngiti sa aking mga labi.

"Why not, chocnut, poknat!" sagot nang nanay niyang may kinang sa kanyang mga mata at ngiting nagpaparamdam ng pagsuporta at pagmamahal.

Namula si Bogs sa hiya kaya lalo akong ginanahang lumapit at halikan siya sa kanyang pisngi. Tinakpan ng nanay ni Bogs ang kanyang bibig at lumabas ng kwarto at nagsimulang magtitili na kala mo nakita si Piolo Pascual.

Saan ko kaya kinuha ang lakas ng loob ko. 

PUSITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon