Chapter 22

47 2 0
                                    

Chapter 22

BOGS

Alam ko namang hindi magpapakita si Jet sa akin. Ganun pa man minarapat ko paring mag ayos dahil maaring magkita kami ngayong magdedeliver ako ng printed modules sa school. Naging malago ang aking business kaya dinagdagan ko ang sahod ni Ana at Leo. Naging mas involve at loyal sila sa aking business. Inayos nila ang scheduling at work distribution. Ako ay naging full-time every Saturday at Sunday para makapagday off ang isa sa kanila.

Nagbibilang ako ng modules sa harap nila ng marinig ko ang secretary na kausap ang isang teacher.

"Ma'am. Pinapasabi po ng principal na kung pwede daw po ninyong i-cover ang class ni Sir Jet, ulit?" pagpapaalam nito habang patuloy sa pag-punch ng holes sa bulto bultong papel na nakasalansan.

"Ako na naman. Pang-apat na araw na to. Ano bang nangyari kay Sir Jet?" naiinis na sagot ng bruhang teacher.

"Under recovery pa po siya. Two weeks pa daw po siyang naka sick-leave." sagot ng secretary na tila masayang bagay ang binabalita.

Napuno ang aking isip ng pag-aalala.

"Ano ba yan! Baka naman pwede sa iba mo na muna ipasa kasi dami kong chechekan. Please!" reklamo ng teacher.

"Sigo po. Ma'am. Check ko po kung may mahanap po ako." malumanay namang sagot ng babae.

Hindi ko na napigilan pa ang aking duda.

"Miss, Si Sir. Jet ba yan na English Teacher?" tanong kong malinaw, malakas at mabagal.

"Opo, Sir. Siya yung teacher na nagrecommend sayo, diba?" sagot nitong nagtataka kung bakit di ko alam.

"Opo." sagot ko.

"Di ko alam kung nasa hospital o nasa bahay siya pero four days na siyang absent." dugtong ng babae.

"Ano po bang nangyari?" nalilito kong tanong.

"Di ko rin alam kung nasaksak o nabaril. Daming chismis." nalilitong sagot ng babae.

"Ah, ganun po ba?" sagot ko sabay tawag kay Leo " Ei, ikaw muna bahala dito may pupuntahan lang ako. Ito pera. Mag tricycle ka na lang pabalik. OK?"

Tumango si Leo na di na inintindi ang aking sinasabi dahil nasa kalagitnaan siya nang pagbibilang ng modules. Tumango ako sa secretary para magpaalam. Agad kong kinuha ang phone habang patungo ako sa aking motor. Ito na yata ang pinakamabilis kong pagpapatawad at paglimot.

"Jet, si Bogs to? Nadisgrasya ka daw?" agad kong tanong ng sagutin ni Jet ang tawag.

"Ok lang ako Bogs. Wag kang mag alala." sagot nito.

"Nasan ka ba?" mabilis kong tanong sabay ng mabilis kong paglalakad.

"WAg mo na akong puntahan, please!" naawa sa sariling sagot ni Jet.

"Jet, Alam kong ikaw lang mag-isa ngayon. Wag nang maarte!" pangungulit ko.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang aming paguusap hanggang sa narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Jet.

"Bahay na ako Bogs." pagod na sagot ni Jet.

"O sige. Papunta na ako. Gusto mo nang milktea?" tanong ko nang may paglalambing at awa.

Lalong lumakas ang pagiyak ni Jet.

"Yes, please!" sagot niya

"Wintermelon?"pagpapatawa ko.

"I miss you Bogs!" tugon nito sabay tawa na nagpangiti sa akin.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago sumampa sa motor. Ligtas kong binabay ang kalsada dahil sa alam kong may isang taong nangangailangan na buhay ako sa oras na iyon. Dumaan ako sa tea shop buti na lang at namukhaan ako ng crew.

"Same order ba Sir Bogs?" tanong nito.

"Oo. Dalawang Large." mabilis kong sagot.

Napansin siguro nang crew ang aking pagmamadali kaya binilisan niya ang kanyang kilos. Matapos kong bayaran ay ligtas kong binaybay ang kalsada patungo sa bahay ni Jet. Di pa man ako nakakapasok ay tila nababalot ng lungkot ang paligid. Makikita ang mantsa ng dugo na malapit sa berdeng gate. Ano bang nangyari? Paulit ulit kong tanong sa aking sarili.

Pumasok na ako nang mapansin kong bukas na ang pinto.

"Jet? Andito na ako." sigaw kong nakikiramdam kong buhay pa siya.

"Nandito ako sa kwarto.Tuloy ka na" sagot niya na nagpaibsan ng aking pagaalala.

Mabilis akong tumungo sa kwarto. Bumungad sa aking ang pagod na pagod na si Jet. Magulo at maduming kwarto.

"Hindi mo man lang ako tinawagan, Jet?"pangongonsensiya ko.

"Bogs, ayoko makipagtalo ngayon." sagot niyang pagod na pagod

Nagpaumanhin ako gamit ang aking kamay at ngumiti.

"Kalma, I am here to help. Alila mo ako mula ngayong araw." tugon ko.

Narinig ko ang mahinang "luh" sa kanyang bibig na nagpangiti sa akin. Dinampot ko ang mga kalat na nakapalibot sa kama. Doon palang ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang kawawang kalagayan. Balot ang kanyang katawan ng sandamakmak na plaster dahil sa stabs and cuts.

Naawa naman ako. Hindi siya pwede hawakan o yakapin kaya ipaparamdam ko na lang ang aking concern sa paglilinis ng kanyang hihigaan. Di nagsasalita si Jet. Nakatitig lang siya sa akin habang nililinis ko ang paligid ng kama.

Nagpunta ako ng kusina at sinundan niya ako ng paika ika.

"Lutuin ko na tong Korean Noodles mo." tanong ko.

"Kalahati lang ng powder ang ilagay mo masyadong maalat at maanghang yan." dugtong ni Jet.

Tumango ako at niluto ang noodles. Naglagay ako ng konting gulay na nakita ko sa ref.

"Tara kain ka na." pagiimbita ko.

Umupo si Jet sa hapag kainan at tila hirap na hirap hanapin ang comfortable position niya. Hirap din siyang isubo ang noodles kaya minarapat ko nang ako na ang magpakain sa kanya. Buti naman at hindi naman awkward ang nangyari. Hinihipan ko ang noodles bago ko isubo sa kanya. Natawa na lang ako ng biglang buksan ng kapitbahay nila ang kanilang radyo nang pagkalakas lakas.

"Bingi yata kapitbahay ninyo?" tanong ko.

"Oo, Lagi yan. Gusto ko na nang ireklamo sa barangay yan!" sagot niyang nakalabas ang dila dahil napaso yata ito.

Tumahimik na lang kami sa kwentuhan nang biglang patugutugin ang "Di na muli" ng kapitbahay. On point biyatch! Habang nakatitig ako sa dila ni Jet.

... Ang dami dami bagay na di naman kailangan

Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan

Di mo lang alam hindi mo pa nararanasan

Kahapon sana natin di mo pinahirapan

Patawad Muli

Di na muli

PUSITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon