Chapter 25

45 2 0
                                    

Chapter 25

JET

Makalipas ang ilang buwan ay gumaling din ako at nanumbalik ang aking lakas. Nakapagtrabaho muli ako at laking gulat ko na pinaghandaan ng mga ka co-teacher ko at mga present and former student ko ang aking pagbabalik.

Walang mapaglagyan ang mga cards, flowers and chocolates na nareceive ko mula sa kanila. Tama nga si youtube kapag umiibig ang isang tao ay mas magiging positibo ang pananaw mo sa mundo. Napadali ang aking paggaling dahil sa yakap at halik ni Bogs. Dinagdagan ni Bogs ang extended family ko dahil minsan ay dumadaan din ang kanyang nanay sa bahay para ipagluto kami ng makakain kaya lalong ramdam kong hindi lang isa nagmamahal sa akin.

Kabado ako ngayon kasi first time ko mameet ang kanyang ate. Ang kanyang naging kaaway at sandalan sa napakahabang panahon. Ang kanyang ate ay overprotective sa kanya dahil narin sa pinagdaanan nilang dalawa noong maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Si Ate Virgie ang nagtaguyod ng kanilang pamilya sa mahabang panahon. Hindi nakapagtapos ito dahil narin sa responsibilidad na buong puso niyang sinalo matapos ang paghihiwalay ng kanyang ama at ina.

Pinatapos niya si Bogs ng Senior High School at pinagaral sa college pero nagloko si Bogs kaya dun nagsimula ang lamat nilang magkapatid.

Naiintindihan ko si Bogs pero mas minarapat kong tumayo sa panig ni Ate Virgie na walang hinangad kundi ang mapaayos ang buhay ni Bogs na kalaunan ay naunawaan naman niya. Nung gabing pinaliwanag ko kay Bogs ang mga nasayang na pera at panahon ng kanyang ate dahil sa pag-aalaga sa kanilang pamilya ay lubos na naintindihan ni Bogs ang pinaghuhugutan ng sama ng loob ng kanyang ate. Nun ding gabing yun ay lumuluhang tumawag si Bogs sa kanyang ate at nag-usap sila. Rinig na rinig ko ang paghingi ng tawad ni Bogs sa kanyang Ate.

Hindi ko na inalam ang kanilang napagusapan pero alam kong naging maganda ang epekto nito kay Bogs dahil gabi gabi niyang tine-text ang kanyang ate.

"Andito na ko sa Cabalen. Nasan na kayo?" tanong ko habang palingon lingon sa loob ng buffet restaurant sa loob ng mall.

"Ito nasa entrance na kami. Papunta na kami diyan!" sagot ni Bogs.

Muli akong nagpunta ng banyo at nag ayos suot ang school uniform. Nilinis ko ang aking mukha at inayos ko ang aking buhok. Nagulat ako ng muling bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si Bogs.

"So, talagang SA BANYO tayo laging nagkikita babe!" Sinipat ni Bogs ang mga cubicles kung may tao bago niya ilock ang pinto ng banyo. "Ano gusto mo quickie?"

Kinabahan ako kaya umiling iling ako ng nakangiwi. Natawa si Bogs sa aking reaksyon. Niyakap ako at hinalikan na parang kami ay nasa kwarto lang.

"Ready ka na?" tanong nito.

Sumagot ako na may malalim na paghinga kaya sabay kaming lumabas ng banyo. MAGKAHAWAK KAMAY. Tila estudyante ko na may ginagawang kalokohan ang biglaang pagkilos ni Ate Virgie na nasa tabi ng kanyang ina.

Iniabot ko ang aking kamay pero mas minarapat niyang yakapin ako.

"Bilib ako sa'yo." pambungad ng kanyang ate sabay halik sa aking pisngi. "Paano mo natiis kapatid ko na pagkatigas tigas ng ulo?" sundot nito. Totoo nga namang laging matigas ang ulo ni Bogs lalo na sa baba.

Napanganga naman si Bogs sa kanyang narinig.

"Ate? Excuse me! Andito lang ako"pangaasar nito.

"Naawa lang ako sa boyfriend mo." sagot ng kanyang ate na sinabayan ng malakas na tawa ng kanyang ina.

Nagsimula ang mahabang kwentuhan habang kain kami ng kain. Lugi ang ibinayad namin buffet kay Ate Virgie dahil napakahina nitong kumain. Ang bilis niyang mabusog pero sinulit naman sa nanay ni Bogs ang food. Nakailang balik din kami sa buffet table.

Nang muling umalis si Bogs at nanay nito para kumuha ng food ay nabigyan kami ni Ate Virgie nang pagkakataon para makapagusap.

"Jet, Hindi ka ba natakot na may sakit kapatid ko?" lakas loob nitong tanong.

"Actually nung una, OO pero matapos ang hospitalization ko narealize kong life is a risk. Paunahan lang talaga sa iba't ibang pamamaraan. May dahil sa sakit, may dahil sa murder, at may dahil sa accident. Pinili ko lang mamatay na may karamay." sagot ko na malalim ang pinanghuhugutan

"Natuwa naman ako at binigyan mo ng chance ang kapatid ko. Sana magtagal kayo." sundot nito.

"Oo. Yun din ang hiling ko. Mukha naman hindi na magga-gago si Bogs, diba?" pang iisyoso ko.

"Well, tingin ko mahal ka niya. Sa lahat ng naging ka bf niya ikaw palang pinakilala niya sa akin." pagpapalakas loob sa akin ni Ate Virgie.

"HIndi nga ate?" tanong kong di makapaniwala.

"Oo. Akala ko nga nagloloko lang siya nang sabihin niyang ipakikilala ka niya sa akin. Akala ko pa nga si Jason ka kasi di ko parin yun nakikilala." sagot nito sabay tawa na may pagkailang dahil nabanggit ang ex ni Bogs.

Naglalakad pabalik si Bogs sa aming mesa na nakasingkit ang mga mata na tila may masamang kutob sa aming paguusap.

"Baka binebenta mo na ako Jet!" paningit nito.

"Wow. Akala mo naman pagkamahal mahal mo pag binenta kita. Baka nga buy one take one ka pa." pangaasar ko.

Muli na namang napuno ng tawanan ang aming mesa. Ito pala ang ibig sabihin ng pamilya. 

PUSITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon