Mistulang nasa hot seat ang bagong boarder at kaibigan mong si Jungwoo dahil lahat ng mga roommates mo ay nakaupo sa harapan nya at nakatingin sa kanya. Medyo kinakabahan naman si Jungwoo sabay kalabit sayo."Ganto ba talaga orientation dito sa inyo?" Bulong nito.
"Uy guys pinapakaba nyo sya." Sabi mo sa mga kasama mo.
"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Lex?" Tanong ni Johnny.
"Since kinder magkaibigan na kami. Magkapitbahay kami noon sa dati nilang bahay." Sagot ni Jungwoo.
"Talaga ba? Kung close talaga kayo, sino ang pinaka-paboritong boarder nya samin?" Bigla namang tanong ni Haechan. Seryoso pa mukha nya.
"Huy ano bang tanong yan. Ayusin mo." Pinalo naman sya ni Doyoung.
"Tigilan nyo na yang tanungan, kain na tayo guys." Pag-iba mo ng usapan at niyaya na silang kumain.
"Hindi mo ba sya jowa?" Humirit na naman si Haechan. Di maka move on. Bago pa sumagot si Jungwoo ay niyaya na sya ni Taeyong na kumain ng almusal.
"Iba ang aura mo ahhh. Jowa mo sya no?" Sinundot naman ni Haechan tagiliran mo. "Promise secret lang natin." Nilapit naman nya ang tenga nya sa may bibig mo, signalling na ibulong mo raw sa kanya.
"Ano kasi di kami pero you know pano ba to... complicated ano kasi."
"We didn't ask for such explanation. Yes or no lang." Jaehyun said with his crossed arms, his voice is as snobbish and low as it usually is.
Grabe naman si kuya pero bakit nga ba kasi nag-explain ka pa. Wala naman talagang kayo. Friends lang talaga kayo.
Kumakain kayo ng almusal nang biglang magsalita si Yuta. "Guys wala akong pasok mamayang gabi. Since complete ma tayo, barbeque party ulit tayo." He happily suggested.
"Uy oo nga no. First time din ni Johnny, Jaehyun at Jungwoo. Para na din magkakilala na tayo ng lubos." Pag sang ayon ni Taeil.
Since halos lahat ay may pasok at si Yuta naman ay matutulog dahil nga kakauwi lang nya kanina, si jaehyun at ikaw ang pupunta ng palengke para mamili ng meat, fishball at iba pang kakailanganin sa barbeque party. Si Jungwoo kasi ay magpapahinga daw dahil wala rin syang tulog. Gusto pa nga sumama pero pinagpahinga mo na.
Wet market ang pinuntahan nyo kaya yung rich kid nyong kasama ay diring-diri ata. Di naman kasi dapat sya sasama pero ayaw ng mga kasama mo lalo nila Doyoung at Taeyong na wala kang kasama kaya pinilit talaga nila si Jaehyun na sumama sayo.
"Should I just wait outside?" Jaehyun suggested. Ayaw nya kasi tumungtong sa basa. Ayaw din daw nya ng amoy.
"Sumama ka na. New experience din to." Hinawakan mo naman sya sa wrist nya at sinama na sa loob. Para ka tuloy may dalang anak. Nakakapit kasi sya sa hem ng t-shirt mo. Natatakot ata syang mawala. Wag kang mag alala Jaehyun, hindi ako mawawala char.
First time mo rin naman sya maka bonding kaya buti napapayag mo syang pumasok ng palengke. Bumili ka na sa suki mo na pinagbibilhan mo ng baboy.
"Ang pogi ng bago mong kasama. Nasaan yung isa, yung mukhang cartoon?" Tanong ni aling Tina. "Jowa mo ba yan?" Dugtong nung asawa nitong si Mang Pay. Wala namang kaso sayo na asarin ka dahil close mo naman sila.
"Nasa trabaho po." You said. "Hindi ko po sya boyfriend. Boarder ko din po sya." You clarified.
"Ahhh. Pogi ah."
Pagkatapos nyo mamili sa palengke ay dumerecho kayo sa jollibee dahil init na init na daw sya. Pawis na nga eh. Kawawa naman. Nag-take out na lang kayo dahil sa bahay na lang kayo kakain kasama si Jungwoo.
BINABASA MO ANG
My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]
FanfictionAlexa Lim was left with a big family home by her parents. Instead of living alone in a big mansion, she used it by earning money and having the rooms for rent. Money plus friends indeed.