Lumipas ang mga araw at gaya ng pinangako mo sa sarili mo ay nag focus ka sa iyong ina. You make sure that she is alright and napansin mo naman ang progress. Mas lively na sya compared nung una mo syang makita. Inaayos nyo na rin ang issue nyo dun sa lalaking yun and processing na ang paghihiwalay nila. Buti naman kesa magdusa pa ang iyong ina.
Masaya ka naman pero dahil sa paghihiwalay nyo ni Doyoung ay di mo magawang maging 100% okay. Wala pa ngang isang buwan ang relasyon nyo ay natapos na agad. Mahal mo sya ngunit gaya ng sinabi mo ay hindi sya ang priority mo.
After that night you broke up with him, ilang beses ka pa nya tinawag at kinulit na ayos lang sa kanya at nauunawaan nya na mas priority mo ang nanay mo. Hindi naman talaga kaso kay Doyoung yun. Ayaw lang nya na maghiwalay kayo. Ang tagal nyang hinintay na maging kayo tapos biglang babawiin agad.
Marami-raming araw na rin nyong nakakasama nyo ang iyong ina. Tuwang-tuwa talaga sya sa mga kasama mo at nakikipagkulitan pa. Ang mga kasama nyo naman ay feeling close agad pero okay lang naman yun. Isa kasi sa inaalala mo na baka maging uncomfortable ang iyong ina na kasama sila and laking pasasalamat mo na tanggap nya ang mga ito. Mababait at masayahing mga bata naman daw kasi.
Ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon na ipagluto kayo. Laging si Taeyong parin kasi ang nagluluto para sa inyo.
"Wow ang bango po ng niluluto nyo po mama." Pumasok si Haechan at Mark sa kusina at tumabi sa iyong ina. Etong dalawa talaga, feeling anak which is ayos lang sa kanya dahil cute naman daw sila kaso ang gugulo.
"Ako na po maghahain." Mark presented himself na kinatuwa ng mama mo.
"Ang sisipag nila." Sabi ng iyong ina sayo.
"Nako ma, plastic yang mga yan. Tatamad maghain nyan." Pabiro mong sabi.
"Hoy grabe ka samin." Umalma si Haechan.
"Mag aasaran na naman kayo. Sumbong nyo sakin pag inaapi kayo nitong anak ko." Panloloko din ng nanay mo.
"Ay nako marami po kaming isusumbong." Sagot ni Haechan kaya binato mo sya nung plastic na pinaglagyan nung binili nyong gulay.
"Oh nakita nyo po yun ma. Binato ako." Nagsumbong at kunwaring nasaktan si Haechan sa bato mo kahit na plastic lang naman yun. Extra talaga.
Lahat ay nasahapagkainan. Biglang bumigat ang atnosphere dahil magkatabi kayo ng ex mo. Yung original seating arrangement parin kasi sinunod nyo although sa kabilang side, mama mo ang katabi mo pero still, katabi mo sya. Hindi mo sinabi sa kanilang lahat ang break up nyo pero sure na alam na nila dahil mabilis kumalat ang chismis sa bahay na ito. Ang nanay mo ang walang ideya kaya ang awkward nang magsalita sya.
"Doyoung, kamusta naman kayo ng anak ko?" Nakangiting tanong ng iyong ina sa kanya. Obviously, she has no idea. Ayaw mo na dagdagan alalahanin nya.
Lahat kayo ay napatigil sa pagkain. Awkwardness filled the room, walang nagsasalita. Magsasalita na sana si Doyoung nang ikaw ay tumayo. "Cr lang ako." You excused yourself nang makaligtas sa hot seat.
Maging si Doyoung ay tumayo na rin at nagpaumanhin. "Salamat po sa pagkain. Papasok na po ako sa trabaho." He said kahit mamaya pa ang pasok nya at hindi pa sya busog.
Hindi manhid ang iyong ina para di mahalata na may problema. Sabi nga sa kasabihan ng matatanda, papunta ka palang, pabalik na ko. "Meron ba kong di alam?" Tanong nya sa mga kasama mo na obvious na may alam dahil biglang nag iwasan ng tingin at kumain.
"Si Lex na lang po tanungin nyo tita... sya lang po ang dapay sumagot." Magalang na sagot ni Taeyong.
Kasalukuyan kang naghuhugas ng plato nang nahihiya kang lapitan ni Doyoung. Until now sinusuyo ka parin, hoping na magbago ang isip mo at balikan mo sya. Inabot nya sayo ang isang pack ng milo para inumin mo. Hindi mo kasi tinapos ang breakfast mo.
"Ayoko nyan." Sagot mo lang.
"Hindi ka kumain halos kanina. Kahit eto lang inumin mo. Favorite mo 'to." He insisted and moved the drink closer to you.
"Ayoko ka nga uminom. Kung gusto mo ikaw uminom." Hindi mo sya tinitignan at tuloy lang sa paghuhugas ng pinggan.
"Concerned lang naman ako. Wag ka naman ganyan sakin. Ano ba kasalanan ko sayo?" May sakit sa bawat bitaw nya ng salita.
"Sinabi ko na sayo. Hindi ikaw ang priority ako. Mali ako na sinagot kita. Hindi ako handa kaya tigilan mo na ko. Maghanap ka na lang ng iba." Hindi mo na naawat ang bibig at nakapagbitaw ka na naman ng masasakit na salita na may tusok din naman sa puso mo pero hindi mo na pinansin. You left him and went to the garden para magpahangin.
"Nagka-initan na naman kayo..." Biglang sumulpot si Jaehyun sa tabi mo.
Napayuko ka na lang. Alam mong naging harsh ka pero nagawa mo na, wala ng bawian.
"Wag kang maging harsh sa sarili mo. Hindi mo kasalanan kung ano dinanas ng mommy mo." Sabi pa nya. "We are all worried about you and Doyoung hyung. Why don't you talk to your mom about it? Baka makatulong sya sayo."
"Ayoko na dagdagan pa problema nya."
"She is still your mom. Sabihin mo na para di mo sinasarili ang problema. Mas kailangan mo sya kesa samin. Alam mo namang neutral kami dito. Wala din kaming magagawa." Dagdag pa nya. "Go ahead. It'a for you naman eh."
"Salamat." Naisagot mo na lang.
"Kung may kailangan ka, nandito lang kami." He comforted you. "Sana maayos na mga problema mo."
"Sana nga talaga."
💚💚💚
Sorry sa panget na update and sorry din at ngayon lang nakapag post ng update. Daming ganap ng nct pati ngayon lang nagka oras. Sana di nyo parin ako nakakalimutan hahaha thank you for reading!
Support OT23 💚
BINABASA MO ANG
My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]
FanfictionAlexa Lim was left with a big family home by her parents. Instead of living alone in a big mansion, she used it by earning money and having the rooms for rent. Money plus friends indeed.