TWO

98 7 29
                                    


New day. This is the very first day na may bago kang kasama sa bahay, ang bago mong boarder na si Taeyong. Nagligpit ka ng iyong higaan at ginawa ang iyong morning routine; naligo, nag sipilyo.

You look extra great today. Hindi sa nagpapacute ka kay Taeyong. Ayaw mo lang magmukhang kahiya-hiya sa harap nya dahil sobrang gwapo nga naman ni boarder number one. Kailangan mag catch-up. It's embarrassing for him to see you na mukhang gusgusing bata. Usually naman kasi minsan hindi ka na nagsusuklay dahil nga mag-isa ka lamang so who cares? Pero iba na ngayon.

You checked yourself on the mirror and you are now satisfied. Mukha ka ng tao. Bumaba ka na at dumerecho sa kusina para sana magluto ng almusal nang may maamoy ka sa kusina na napakabango. Nagluluto lang naman si Taeyong.

Shit ang jowable.

You faked a couch to catch his attention. He turned his head and looked at you then smiled widely. "Good morning Alexa."

Nyemas bakit biglang nag slowmo? Parang scene sa anime or sa kdrama. Ang gwapo.

Sambit mo sa iyong sarili. Hoy paghanga lang. Hindi pa love ito. Walang harot harot. Your boarder might find you creepy.

"Good morning din Taeyong." You greeted back.

Nakita naman nya na tinitignan mo kung ano ang ginagawa nya kaya agad nyang pinakita ito. "Nagluto ako ng almusal para satin. Omelette lang hehe. Naghanap kasi ako kung anong pwedeng iluto kaso walang kalaman laman yung ref mo kaya bumili ng lang ako ng itlog sa tindahan pati ibang sahog."

"Hala pasensya na. Di kasi ako nakapamalengke kahapon kasi diba... naglinis pa ako tapos dumating ka. Mamaya mamamalengke ako." Sagot mo naman.

"Sige sama ako." Masayang sambit ni Taeyong.

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Hilig ko talaga mamalengke."

"Sige." Nakangiti mong sagot.

Naghain ka na ng plato para sa inyong dalawa. Nagtimpla ka na rin ng milo para sa sarili mo pero tinanong mo na rin si Taeyong kung gusto nya.

"Umiinom ka ba ng milo?" Tanong mo.

"Oo naman. Paborito ko yan." Masayang sagot ni Taeyong.

Hala parehas kayo. Meant to be ba? Char. Pinagtimpla mo na rin si Taeyong ng kanya at inilagay ito sa tabi ng plato nya. Sakto namang tapos na magluto ang gwapo mong boarder at inihain na ang almusal.

"Tikman mo na."

Agad ka naman tumugon at tinikman ang luto nya at nagningning ang iyong mga mata. Not to be exaggerated pero sobrang sarap. May kakaiba sa lasa at napaka espesyal nito.

Nakatingin lamang si Taeyong sayo at hinihintay kung anong masasabi mo sa luto nya.

"Uy ang saraaaap!" You commented. "Seriously walang halong echos. Kakaiba yung lasa."

"Salamat. Sariling recipe ko yan." Masayang sabi nya. Isa sa pinaka gusto nyang bagay ay kapag napupuri ang luto nya. It is his pride.

"Talaga? Ang sarap mo magluto ah. Itlog pa lang yan. How much more kung mahihirap na putahe pa."

"Salamat. Sa susunod ipagluluto kita ng mga specialties ko." Pagmamalaki nya. "Kung gusto mo pwede ka pumunta sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Bigyan kitang discount."

My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon