Your lives are all back to normal. Back to work na lahat pero ang nagbago ay masyadong chaotic ang almusal nyo. Si Haechan at Mark ay medyo behave, medyo lang naman. May pagbibiro parin. Si Jungwoo ay di parin makatingin ng derecho sayo dahil parin sa rejection nya sayo. Hindi ka galit pero nararamdaman naman nyang kailangan mo ng oras. Si Doyoung ay pumasok agad ng work at di sumabay sa inyo sa almusal. Katwiran nya ay marami syang gagawin sa shop.
"Maaga ako uuwi mamaya, ano gusto nyong ulam mamaya?" Pagtatanong ni Taeyong.
"Bulalo!" Sabay nyong sabi ni Haechan.
"Favorite din ni Doyoung hyung kaya yun na lang." Haechan explained.
"Favorite ko din yun." You said.
"Okay okay." Tumayo na si Taeyong para isalang ang baka sa pressure cooker so that when he finally reaches home later malambot na yung baka saka mas malasa. "Pag nag whistle na, pakihinain tapos orasan nyo ng 15 minutes." Paalala pa nito. "Sa mga maiiwan sa bahay, pakibantayan."
"Pano kung ayoko?" Pagbibiro ni Haechan.
"Edi wag kang kumain." Sagot ni Taeyong na mapang-asar din.
"Sumbong kita kay Doyoung hyung." Kunwaring iyak ni Haechan.
Jaehyun is currently at the gym kasama si Jungwoo na maya maya pa ang pasok. Gusto maka-usap ni Jungwoo si Jaehyun at ganun din yung isa.
"Umamin sakin si Lex nung nasa bakasyon tayo." Panimula ni Jungwoo at napataas naman ng kilay si Jaehyun about sa new info na nalaman nya. "Kahit masakit na makitang nasasaktan sya, I have to reject her kasi hanggang friends lang talaga." Jungwoo explained with full guilt pero di nya kayang saktan pa lalo. Hindi rin nya lolokohin ang sarili nya.
"Why are you saying that to me now?" Jaehyun asked in full curiosity.
"You confessed to her diba and she had a short-time crush in you... pwede favor?" Nahihiya pa si Jungwoo.
"What?"
"Help Lex na maka move on sakin. Mahalin mo sya, make a move. I will help you." Jungwoo pleaded. "May tiwala naman ako sayo na di mo sya sasaktan at malinis ang intensyon mo sa kanya."
Jaehyun smiled at the trust that was given to her by your OWN best friend, isa sa pinaka malapit na tao sayo. "I will. Thank you for trusting me." He spoke.
"Pasayahin mo sya."
Kayo na lang tatlo ni Mark at Haechan ang naiwan sa bahay, well except kay Yuta na may pasok mamayang gabi kaya tulog sa kwarto nya. Si Jungwoo ay pumasok na ng trabaho habang si Jaehyun ay may lunch with parents.
Yung dalawa ay kasalukuyang naghahanap ng college na mapapasukan dahil naisipan na nilang magbalik school dahil sayang naman. Bilin din sa kanila yun ni Doyoung.
Babad sa internet ang dalawa nang maisipan mong dalhan ng lunch si Doyoung. Di kasi sya sumabay kumain kahapon ng almusal, tanghalian, hapunan at kaninang umaga. Busy ba talaga sya? Masama parin ba pakiramdam nya mula nung sa bakasyon? Inasikaso mo muna ang bilin ni Taeyong about sa baka saka ka umakyat ng kwarto para magbihis. Pagkatapos ay bumaba ka na.
"Tapos na ba kayo jan?" You approach the two.
"Yes but we haven't chosen yet." Mark replied. "Where are you going?"
"We'll eat lunch sa labas. Wala tayong ulam, nakalimutan ko magluto." Sabi mo. Nakalimutan mo talaga kasi itong si Haechan daldal ng daldal.
"Kung kkb yan wag na lang." Sagot naman ni Haechan sayo.
"Libre ko."
"Ayun naman pala." Tumayo na agad si Haechan. "Mark bilisan mo bihis mo." Umakyat na rin sila para magbihis na syang hinintay mo. Mabilis lang naman ang mga yun.
BINABASA MO ANG
My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]
FanfictionAlexa Lim was left with a big family home by her parents. Instead of living alone in a big mansion, she used it by earning money and having the rooms for rent. Money plus friends indeed.