FORTY FOUR

22 2 31
                                    


"Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan?"

Tanong ni Johnny. Nasa café ngayon ni Doyoung lahat ng boarders mo. Yung iba break time habang ang iba ay walang trabaho. Ngayon lang sila nagkasama sama ng wala ka sa café.

Until now, malungkot parin si Doyoung dahil paulit ulit mo syang tinatanggihan kahit ilang beses ka nya suyuin.

Sobra sobra ang effort ni Doyoung sayo. Araw-araw ay binibigyan ka nya ng mga paborito mong pagkain. Pinagluluto ka rin nya kahit pa na tanggihan mo. It's like nililigawan ka nya ulit. Panay padala ng bulaklak, lagi kang kinakamusta kahit na di mo sya kausapin. Naaawa na rin ang mga kasama mo sa kanya dahil sobra na ang ginagawa nya. Sinasaktan lamang nya ang sarili nya.

Ilang beses na rin syang inawat ng nga kasama nyo dahil nagpapaka-martyr lamang sya. Syempre, gusto nila na magkabalikan kayo kasi obvious naman na mahal mo si Doyoung pero mas mahal ka niya kaso bakit ipipilit ang ayaw?

Pero kahit na ganito na ang sitwasyon nyo, ayaw naman nila na forever malamig ang sitwasyon nyo or ikaw ay malamig sa kanya. Bago naman naging kayo, diba ay naging magkaibigan din. Kailan ba babalik ang dati?

"Di ko alam..." sagot lang ni Doyoung. "Ginagawa ko ang lahat pero ang tigas nya."

Napabuntong hininga ang magkakaibigan. "Intindihin mo na lang, may pinagdadaanan silang pamilya." Taeil tried to justify what you did although it hury the other one. Pang unawa at pasensya na lang talaga.

"Alam naman nating slow at may pagka manhid yun." Dagdag pa ni Jungwoo.

"Alam namin at kitang kita namin na sobra mo syang mahal pero bigyan mo naman ng konting pagmamahal sarili mo." Concerned na sabi ni Taeyong. "Di ka na nakakatulog ng maayos, di ka makapag focus..."

"Pahinga ka. Chill chill din." Yuta suggested dahil naaawa na rin sya sa kaibigan.

"Saan mo ba gusto magbakasyon? Or gusto mo ba uminom? Sabihin mo lang, tulungan ka namin." Si Johnny naman ang humirit pero hinampas sya ni Taeil dahil sa huli nyang sinabi.

"Inom ka jan."


Wala ang iyong ina, pumunta sya sa bahay ng lola mo kaya heto ka mag-isa, naghahanap ng maluluto dahil ilang sandali lamang ay darating na ang mga kasama mo galing trabaho at galaan. Pritong isda na lang siguro at egg drop soup ang iluluto mo para mabilis. At ayun na, may dumating na, si Yuta at Jaehyun. Tinulungan ka na nila magluto.

"Where's tita?" Jaehyun asked.

"Nasa bahay ni lola. Mamaya pa daw uwi nya." Sagot mo naman. Nagpasalamat ka naman sa dalawa sa pagtulong nila.

"Musta?" Tanong ni Yuta.

"Okay naman." Sagot mo lang.

"Yung totoo." Sabat ni Jaehyun na may hawak na mga gulay.

"Bakit nyo naman naitanong?" Dense mo naman tanong. Obviously, di ka okay kaya concerned sila sayo and syempre about kay Doyoung.

"Hay nako ewan ko sayo..." napailing na lang si Jaehyun.

"Alam mo swerte ka na. Panay suyo sya sayo, walang patid pero ikaw tong nagtataboy dun sa tao." Paliwanag ni Yuta. "Mag isip isip ka bago tuluyang mawala sayo. Bihira ang mga lalaking ganyan. Di ka namin pinipilit kung ayaw mo gusto pang namin sabihin sayo. You almost lose him once, sana this time gumalaw ka."


Oras na ng tulog pero di mo magawa dahil sa sinabi ni Yuta sayo. Nag-iisip isip ka lang. He is right naman. Muntik na di mo nasabi ang nararamdaman mo dahil umalis sya na kasalanan mo rin naman.

Hindi lang nila alam gaano mo gustong yakapin si Doyoung kaso huli na dahil nasaktan mo na sya ulit. Nakupaghiwalay ka dahil nangako ka sa sarili mo na sa iyong ina lamang ang atensyon mo pero ang kapalit nito ay sarili mong kaligayahan. Ayaw mo na kasing magkulang sa iyong ina.

Nagising ang iyong ina dahil ramdam nya na galaw ka ng galawa. "Bakit di ka pa tulog anak?"

"Sorry ma. Tulog ka na po." Sagot mo na lang pero instead of going back to sleep, dinamayan ka nya.

"Bakit anak? Ano problema?" She asked you worriedly. "Magsabi ka sakin please. Ayoko ng ganyan ka. Nung isang araw pa kita napapansin."

All of a sudden, bigla kang naluha. Matagal mo rin inipon ang mga luha. Wala ka rin kasing pinagsabihan, kusa lang nilang nalaman. Mabigat din naman kasi sa loob mo ang mga sinabi mo, ginawa mo at yung pagtrato mo sa kanya.

"Nag break na po kami nung nakaraan." You confessed at yumakap sa mama mo.

"Why? Ano nangyari? May ginawa ba sya sayo? Tell me." She asked.

Patuloy ka parin sa pag iyak habang nagsasalita. "Ako naman po may desisyon nun. Masyado na ko nagiging masaya, napabayaan kita ma. Gusto ko ang atensyon ko na sayo." Nakayakap ka lang.

Your comforted you like what she always do. "Anak, di mo naman kasalanan kung ano nangyari sakin. Wag ka sana ma guilty. Hindi mo ko napabayaan. Kaya ko ang sarili ko anak." She started. "Isa pa anak gusto ko masaya ka kaya wag mo pagdamutan ang sarili mo dahil sa nangyari sakin. He is a great guy anak, parang tatay mo. Wag mo pakawalan."

"Paano ka ma?"

Natawa naman ang nanay mo. "Ano ka ba anak di naman kita inaawat. Okay lang talaga ako saka deserve mo yan after what you have done for me. Hindi ka nagkulang sakin. Inalagaan mo itong bahay. Enough na mabuti kang anak sakin." She explained. "Isa pa anak, dun din ako titira sa lola mo. She needs me there. It's time for me to take care naman after you took care of me."

Tumingin ka naman sa kanya habang sya ay pinupunasan ang luha sa mga mata mo. "Gusto ko maayos mo na bago man lang ako umalis. Di ko pa nga sya nakikilala or nakakausap ng masinsinan."

"Thank you ma."

"You can do it anak."

My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon