Chapter 2: Lisa???

47 11 0
                                    

Jungkook's POV

Kasalukuyan akong nakasandal sa sasakyan kong nakapark, kakatapos ko lang bumili sa mall at ngayon nagpapalamig muna dahil sa sobrang init, ewan ko ba 10:00 pa lang naman ng umaga pero parang napaka tirik na ng araw.

"Hahaha, maganda nga kaso bangag naman!" Rinig kong bungisngis ng isang babae sa katabi nya pang babae.

"Oo nga tignan mo gumegewang-gewang pa hahaha baka lasing?" *Clk* sagot ng kasama nitong babae sabay picture sa tinutukoy nila.

Tumingin ako sa lugar na pinagsusulyapan ng dalawang to at dun ko nakita ang isang babae na parang wala sa sarili at malalim ang iniisip. Tama nga sila maganda siya kaso parang bangag. Naglalakad siya ng naglalakad at paminsan minsan pumipikit pikit pa. Nakakatawa siyang panuorin dahil para siya yung manok or something na character dun sa larong Crossy Road.

(See the multimedia para makita niyo po yung larong Crossy Road hihi.)

*Beep! Beep!*

"Oh shit!" Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ng babae matapos nitong tangkaing tumawid. Malamang ay hindi niya namalayang may paparating na truck doon. Mukhang magkakatotoo pa ata yung laro.

"Ano ba miss magpapakamatay ka ba?" Kasalukuyan siyang nasa kanlungan ko dahil hinila ko siya palayo doon sa paparating na truck kanina.

Mainit sya! Napakainit!

Tumigin pa sya sa mga mata ko bago tuluyang mawalan ng malay, wtf! Hinimatay ba sya? Oh baka patay na sya? Sheeet! Ano bang naiisip ko!.

"Ano ba miss magpapakamatay ka ba?" Ginaya nya ba yung sinabi ko? "Kung lasing ka wag kang maglakad mag-isa, kung nagkataong may nangyari sayong masama kargo pa kita!" Dinig kong anas ng isang lalaki sa likuran ko at base sa mga sinabi nya sa tingin ko ay sya ang driver ng truck na muntik nang makabangga sa babae.

"Ano ba yan? Hoy miss sumagot ka!" Dagdag nya pa.

"Can you please shut the fuck up!" Sigaw ko ng hindi parin lumilingon sakanya. Saglit itong natahimik at sa palagay ko ay umalis na sya dahil may narinig akong kaluskos ng sapatos at wala na akong marinig sa likuran ko.

Mukhang wala na ngang malay ang babaeng to.

"Ano na gagawin ko dito? Iwan ko nalang kaya? Oo tama iiwan ko nalang to!" Sabay bitaw sa babae at lakad palayo.

"Pero pag-iniwan ko to mamaya may mangyaring masama dito at ako ang huling nakitang kasama nito at isa pa baka dumikit na ang finger prints ko dito kaya paniguradong wala akong kawala pag-inimbestigahan ito!" Dali dali akong bumalik doon.

"Toy! Bawal ang PDA dito." Sita saakin ng babaeng medyo may katandaan na matapos makitang buhat buhat ko ang babae.

"Ahh hehe." Pilit na ngiti ko pero sa isip isip ko kung di lang to babae tiniris ko na to!.

"Teka!" Napahinto ako ng may sumagi nanamang kakaiba sa isip ko. "Pagdinala ko to sa hospital ng walang permiso ng magulang niya baka naman kidnapping ang ikaso sakin! Tama, ayoko makulong masyado akong gwapo kaya di ako nababagay sa lugar na yon!"

Muli ko pang pinag-isipan kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa babaeng ito. Naguguluhan na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Tama, masyado kang gwapo para makulong pabayaan mo na yang babaeng yan!" At pabagsak kong binitiwan ang babae.

"Huh?!"

"Ayy panget na nilalang!" Gulat na gulat ako matapos sumulpot ng isang bata sa harapan ko. "Ano bang ginagawa mo diyan? Nakakagulat ka!" dagdag ko pa.

UИEXPECTEDLY Fell In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon