Jungkook's P.O.V
Agad akong umuwi ng bahay matapos akong makatatanggap ng tawag mula kay yaya Tess.
"Buti po at nandito na po kayo ser!" Masaya ngunit may halong takot na bungad niya.
"Where's dad"
"Nandoon po siya sa kwarto niya, ser pigilan niyo na po siya kanina pa po siya nagbabasag at marami na po siyang nainom" bakas ang pag-aalala sa kaniyang tono.
Si yaya Tess ang pinaka matanda at pinaka matagal naring naging kasambahay namin dito, mahigit 40 years na namin siyang kasambahay wala pa man daw ako sa mundo ay kasama na ni daddy si yaya Tess dahil isa ito sa mga nagalaga sakanya noong maliit pa siya at itinuring niya narin itong pangalawa niyang magulang. 62 yrs old na si yaya pero malakas parin sya katunayan ay nakakasabay parin siya sa mga mas nakababatang kasambahay dito, pero mas minabuti na lang namin gawin siya ditong taga pamahala o pinaka head sa lahat ng kasambahay dito.
"Sige ako na po bahala, magpahinga na po kayo, pag nangulit pa po na humingi ng beer wag niyo na po bigyan.
"Eh per.."
"Pag nagpumilit parin po punuin niyo nang alak yung container natin at ilagay niyo sa Despenser sa kwarto niya." Bahagya pa siyang napanganga ng sabihin ko yun.
"Pero sir!" Parang nagulat pa siya sa mga nasabi ko.
"Pahanda nalang po ng hot water and yung shower ko maliligo po ako after."
Nasa hagdan pa lang ako ay dinig ko na ang hagulgol at pagbabasag ni dad.
"Bakit mo ko iniwan Veronica!!!" Sabay basag ulit ng bote.
Simula ng iwan kami ni Mommy ay palagi nang ganiyan si Daddy, kung di nagiinom, nagwawala. Iba siya kung malasing, hindi naman siya nananakit pero nagwawala siya. Noon tuwing may okasyon lang din siya kung mag-inom pero simula nga ng iwan kami ni Mommy ay naging madalas na ito.
"Dad stop it." Sabi ko matapos tuluyang makapasok ng kwarto niya. "Sabi sakin ni yaya tess marami ka na daw nainom, tama na yan." Kinuha ko ang beer na nasa kamay niya.
"Wala kang pake! Iinom ako kahit kailan ko gusto!" Bahagya niya pa akong tinulak at binawi ang beer na inagaw ko sakanya.
"Please dad, stop it! Napeperwisyo na sina yaya." Muli kong kinuha sakanya ang beer. "Just stop it."
"Bakit may magagawa ka ba pag naginom parin ako ha?" Sabay duro sakin.
"Bakit may magagawa din ba yang pag-iinom niyo? Kahit naman magdamag kayong uminom walang mangyayari, accept the fact na iniwan na tayo ni mom...huk! " Bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang kamao ni dad sa kanang pisngi ko. Nabitiwan ko pa ang beer na hawak ko kaya naman nabasag ito.
"Wala kang pake! Bakit ikaw rin naman ah, wala kang nagawa ah? Alam mo nang niloloko na ako ng nanay mo pero hindi mo man lang sinabi sakin, wala kang kwenta!" Galit na sigaw niya sakin. "Dahil sa katangahan at kabobohan mo nawala satin ang nanay mo!" Galit paring sigaw niya habang dinuduro ako. Napansin kong muli nanamang pumatak ang luha niya matapos sabihin ang mga huling salitang iyon. "Oh! Ngayon, ngayon mo sabihin sakin kung may magagawa ka!"
"Pero dad wala namang maitutulong yang pag-iinom mo." Sinusubukan ko siyang pakalmahin
"Parang ikaw, wala kang naitulong na maganda sa buhay ko, wala kang ibang ginawa kundi ang makipagbasag ulo at mambabae wala kang kwenta! Your just a DISAPPOINTMENT in this family!" Pagdidiin niya sa salitang iyon.
"You know what dad? If mom's here hindi siya matutuwa na ganiyan ang iniaasta mo, your wasting your time for nonsense things, your being immature...huk" muling sinuntok ni dad ang mukha ko pero mas malakas na ito kumpara kanina.
BINABASA MO ANG
UИEXPECTEDLY Fell In Love With You
FanfictionLisa Manoban is a teenager girl who is talented, kind, rich, genius, beautiful, etc. She can be defined as 'Almost Perfect' but just like what other people say 'NOBODY'S PERFECT'. Nabiyayaan man siya ng magagandang traits pero di siya nabiyayaan ng...