Rosé's POV
"Miss" tawag sakin ng isang customer.
"Bakit po?"
"One more beer please." Sa palagay ko ay lasing na lasing na siya, bukod sa marami na silang naorder ay halata na sa tono ng kaniyang pananalita.
"Oh! Hahahaha tignan mo nga naman nandito yung babaeng ulila! Mga walang magulang."
Papunta na sana ako sa counter para humingi ng beer ng biglang may marinig akong mga babaeng nagtatawanan, kahit hindi nila sabihin ay alam kong ako ang tinutukoy nila.
"Oh!, parang gulat na gulat ka serbedora? Hahahaha." Maarte pang tawanan nila.
"Wala ako sa mood makipag-away sa inyo Nancy."
Isa si Nancy sa pinaka-bulling babae sa school namin. Ewan ko ba almost perfect na sana si Nancy, kaso magaspang ang ugali. Lahat ng hindi niya gusto pinagtitripan niya. Hindi ko alam pero parang laging galit sila sa mga babae sa school. Eh, Ano naman ang laban ko dun? Siya mayaman, ako mahirap. Siya famous, ako loser.
"Ahh, wala ka ba sa mood? E, pano ba yan ako nasa mood na pagtripan ka! Hahahaha" bahagya pa siyang lumapit sa mukha ko nung sabihin niya iyon.
"Ahh, okay." Binilisan ko ang paglalakad ko matapos kong sabihin 'yon
Sa ugali ni Nancy alam kong hindi siya papayag na hindi sakanya ang huling ganti, at alam kong babawian niya ako pero hindi na mahalaga yun, ang mahalaga maibigay ko na muna yung order ng customer.
"Eto na po... ahh." Malapit na sana ako dun sa customer nang biglang matalisod ako kaya naman napaupo ako sa sahig.
"Ohhh my gosh! Sorry po sir." Dali dali akong tumayo at kinuha ang panyo sa bulsa ko, at pinunasan ang lalaking customer. Nako! Lagot ako natapunan ko ng beer yung customer. Panigurado katapusan ko na ito! "I'm so sorry po sir."
"Don't worry ako nang bahala dito." Sabat ng kasama nitong lalaki na sa tingin ko ay wala pang tama. Kinuha niya pa ang panyo na hawak ko.
"Loook whaat youu did! Tinaapunan mo akoo ng beer!" Galit na sigaw sakin ng lalaking customer. "Where is your manager?" Muli akong kinabahan ng sabihin 'yon ng customer.
"I'm really sorry po sir, hindi ko po talaga sinasadya, sorry po talaga." Sana madaan ko sa pakiusapan ang customer na 'to.
Natatakot akong makarating 'to sa manager namin dahil hindi maganda ang trato niyao sa 'kin. Illegal ang pagtatrabaho ko dito dahil wala pa ako sa tamang edad para magtrabaho. Madalas akong saktan at sabihan ng masasakit na salita ng manager ko. Pinapirma niya rin ako sa kasunduan na ¼ daw ng sweldo ko ay mapupunta sa kaniya, hati niya raw dahil ipinasok niya ako dito, na totoo naman dahil siya ang dahilan kung bakit nakapasok ako dito. Ginagawa ko 'to kahit ganito ang trato sakin ng manager ko dahil ako lang bumubuhay sa sarili ko at kailangan ko talaga 'to.
"What's happening here?" Bigla akong kinilabutan ng marinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae. "Oh my gosh! Sir Jungkook what happened to you?"
Bigo akong madaan sa pakiusapan ang customer na 'to, dahil bago pa man 'to makapag-salita ay nasa harap na namin ang manager ko.
"Don't worry ako nang bahala dito." Muli nanamang pagpapakalma sa sitwasyon ng kasamang lalaki ng customer na natapunan ko. (Gets niyo? Hahaha)
"Who did this? Ikaw?" Galit na galit na sigaw ng manager sabay turo saakin.
Wala namang ibang pwedeng sisihin dito, dahil bukod sa ako lang ang waiter na nandito ay halata rin sa damit kong basang-basa na involve ako sa problemang ito.
BINABASA MO ANG
UИEXPECTEDLY Fell In Love With You
FanfictionLisa Manoban is a teenager girl who is talented, kind, rich, genius, beautiful, etc. She can be defined as 'Almost Perfect' but just like what other people say 'NOBODY'S PERFECT'. Nabiyayaan man siya ng magagandang traits pero di siya nabiyayaan ng...