Kabanata 1

4 0 0
                                    

///







Nakatayo ako ngayon at lumilinga-linga para mamili kung sino ang lalapitan ko. Andami naman nila. Inakap ko ang kaliwa kong braso sa aking bewang at pinatong ang kanang kamay ko dito tsaka tinapik-tapik ang aking daliri sa gilid ng aking mata.

hmmm.. sino kaya sa kanila ang mabait?  Hinila ko ang ibang hibla ng buhok ko at dinilaan ko rin ang daliri ko sabay pahid nito sa ilalim ng aking mata pababa sa aking pisngi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Ateee pahinging pagkain.." nagpapaawang sabi ko dito habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking tiyan.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bibigyan niya kaya akoNagkunwari akong mangiyak-ngiyak at nilahad ang isang kamay sa harapan niya.

Nakita ko siya kanina na kalalabas lang sa malaking pinto ng simbahan. Nilapitan ko siya dahil mukha siyang mabait at.. at.. at mayaman? hihi.

Lihim akong napangiti ng binuksan niya ang maliit niyang bag. Hehe, may pambili nakong sorbetes mamayaaa. "Asan ang mga magulang mo?" ha?

Napatingin ako sa mukha niya. Nakangiti siya sa'kin. A-asan na ang pera? Hinanap ko ang kamay niya. Nakahawak ito sa tali ng bag niya at may nakaipit na.. NA SINGKWENTA!?

Hala.. Halaa kailangan ko mag isip. Sila mama at papa ay malamang nasa bahay 'yon ngayon kase linggo. Pero teka muna, hindi pala!

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya, "Hi-hindi ko po alam eeh.." Malungkot na sagot ko. Nawala ang ngiti niya, "eh saan ka pala nakatira?" Anooo!? bat andaming tanong? Ate namaaaan.

Nilagay ko sa likod ko ang dalawa kong kamay at pinagkrus ang aking mga daliri. "Wa-wala po akong bahay. Sa kalye lang po ako nakatira.." nakayukong sabi ko.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap niya. WAAAAAAH Papa Jesus patawarin niyo po ako! last na po 'to, huwag niyo po ako puputulan ng dila huhuhu.

"Hala ganon ba.. O sige, ito, ibili mo ng pagkain. Mag ingat ka lagi ah." Nag-aalalang sabi niya sabay abot sakin ng pera. Hinawakan niya pa ako sa ulo bago siya tuluyang tumalikod sakin.

Pagtalikod ko, binulatlat ko agad ang pera. Bumungisngis ako,  singkwenta nga! Hmmmm. Hindi lang sorbetes mabibili ko dito ah hehehe.

Lakad-talon akong pumunta sa mga kaibigan ko na kakabalik lang din. Nagbibilang sila ng mga napalimos nila. "labing apat, labing lima, labing--." Nalipat ang tingin nilang tatlo sakin.

Tinaas-baba ko naman ang dalawa kong kilay. "hehe, may pambili na tayong sorbeteeees!" Malakas na sigaw ko sabay taas ng kamay kong may hawak ng pera.

"WAAAAAAAH!"

Lumapit silang tatlo sakin. "Ang galing mo Aiyang ah!" Sabi ni Lenlen sabay apir naming dalawa. "HAHAHAHA! naawa yung ale sakin eh!" tumawa din siya.

"Hulaan namin sinabi mo," natatawang turo sakin ni Kim. Nagtinginan silang tatlo,

"Wa-wala po akong bahay. Sa kalye lang po ako nakatira.. HAHAHAHAHA!" sabay-sabay silang tumawa.

tam is sa kapigaduhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon