...
Pinagbuksan ako ng pintong salamin ng gwardiya sa mamahaling kainan na'to kaya gumiti ako sa kanya at tumango.
Isinabit ko muna ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid na aking tenga. Inayos ko na rin ang pilantik ng aking daliri habang hawak ko ang magandang pitaka tsaka dahan dahang pumasok.
Pag-apak ko ng dalawa kong paa sa loob, halos lahat ng ulo ay napalingon sa gawi ko, karamihan ay lalaki. Tahimik akong napangisi.
Hinanda ko ang aking hita at tsaka dahan dahan itong pinag-eekis habang naglalakad. Ramdam ko ang paninitig sakin ng iba lalo na ng lalaking nasa bandang kanan ang lamesa.
Lumingon ako dito at binigyan ng matamis na ngiti. Napili kong umupo sa lamesang bakante sa gawing kaliwa at dahan dahan ring umupo.
Maya maya pa ay lumapit sakin ang isa sa mga waiter. "Good afternoon Ma'am, here's our menu." Magiliw na bati nito sakin sabay abot ng menu nila. Nag lapag rin siya ng isang basong tubig at mangkok na may sabaw.
Napagdesisyunan kong magorder na lang ng steak at salad bago ibinalik ang menu. "Thank you." disenteng sabi ko rito. Tumango muna siya bago tumalikod.
Nilapag ko ang pitakang itim sa ibabaw ng lamesa. Isang baso, mangkok, table napkin at kutsara at tindor na may kasamang bread knife. Napangiti ako.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng restaurant at napako ang tingin ko sa lalaking mag isa lang at malagkit ang tingin sakin. Ngumiti ito sakin at kumaway.
Ngumiti rin ako dito ng pagkatamis tamis. Inangat ko ang makinis kong kamay para kumaway pero nasanggi ko ang bread knife.
Nagdulot ito ng munting ingay kaya lahat ng kumakain ay nagawi ang tingin sa gawi ko. Tumango ako bilang paumanhin sa pang iistorbo sa kanila.
Pag tingin ko sa lalaki, tumatawa siyang nakatingin sakin. Imbis na mahiya ay ngumiti lang ako ako ulit dito bago dahan dahang yumuko para abutin ang nahulog na kutsilyo.
Pero ang kutsilyo ay napunta pala sa ilalim ng upuan ko kaya nahirapan pa akong abutin ito. Hinawi ko ang buhok kong nakalugay papunta sa likod ko tsaka buong lakas na yumuko para abutin ang kutsilyo.
Nang maabot ito ay dahan dahan pa rin akong umangat. Nilapag ko ang kutsilyo sa lamesa at lumingon ulit sa lalaking nasa kanang lamesa.
Kung kanina ay tatawa-tawa siya ngayon ay parang siyang mabangis na leon na handang kumain ng munting hilaw laman.
Nginitian ko 'to ng pagkatamis tamis habang siya ay nakakagat sa kanyang labi. Iniwas ko ang tingin ko dito at bumaling na lang sa tanawin sa labas.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang waiter at hinain sa lamesa ang inorder ko. Nilapag rin nito ang isang baso ng pulang inumin. huh?
Nagtataka ko siyang tiningala, "The owner of this restaurant wants to give it to you ma'am." pormal na sabi nito dahilan para manlaki ang mata ko.
"The owner?" naguguluhang tanong ko. Tumango siya at gumilid kaya nagawi ang tingin ko sa likod niya.
Ang lalaking malagkit na nakatingin sakin kanina ay itinaas ang baso niyang may pula ring inumin. Siya ang may-ari?
Tumango ako sa waiter kaya tumalikod na siya. Inabot ko ang pulang inumin at lumingon dito tsaka inangat ang baso sabay inom.
Juice? Kalahati lang ang nainom ko. Naramdaman kong may basa sa gilid ng labi ko kaya pinalis ko ito gamit ang aking dila. Napangisi ako, yung juice ba ang masarap o yung labi ko?
Sinimulan ko ng hiwain ang steak at tinikman. Masarap pa luto ni mama dito. Sunod kong tinikman ang macaroni salad. Gatas lang nagdala.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng may lumapit sa lamesa ko. Pag angat ko ng tingin dito, muntik pakong mabilaukan dahil sa gulat.
"Hi beautiful lady." Paos ang boses na bati nito sakin gamit ang tono ng kanyang lahi. Napalingon ako sa mga tauhan niyang naghagikgikan dahil nakikiusyoso rin samin.
Binalik ko ang tingin ko sa kanya at naabutan siyang nakatitig sa magandang tanawin sa harapan niya.
Napangiti ako. Binaba ko ang kutsarang may salad at uminom muna ng pulang juice. "Hi handsome." Tinignan ko siya sa mata. Abuhin?
"Can I join you?" Nang aakit na tanong nito sakin. Lumunok muna ako bago sumagot, "Sure." Maarteng sagot ko dito.
Habang kumikilos siya sa pag upo, sandali akong lumingon sa gawi ng lamesa niya. Wala na ang kaninang nakapatong don.
Pag upo niya ay nagsalita ako, "It's delicious." Makabuluhang sabi ko. Ngumiti siya, "Really?" garalgal na tanong niya.
Tumango ako, "Taste like heaven." hindi siya nakasagot dahil na sa iba ang mata niya, "The meat and the salad." Nakangiting sabi ko.
Nabalik ang tingin niya sa mukha ko, "Uh-yeah! We have the best cook here." Biglaang sabi nito.