💜

2 0 0
                                    






Lahat ng eskinita at mga kanto, madilim man o maliwanag ay handa niyang pasukin kahit walang kasiguraduhan kung meron pa ba siyang malalabasan na daan o kung makalalabas pa ba siyang humihinga.

Takbuhin man ang walang katapusan na daan ay patuloy pa rin siya sa pagangat ng kanyang mga paa para makausad. Makikita mo rin ang mga marka sa kanyang katawan dahil sa ilang ulit na pagkakadapa.

Sumusulong na rin siya sa kalaliman ng karagatan at nakikipagsabayang lumangoy sa mga nilalang na hindi niya kauri at mas lalong hindi niya mapapantayan. Pag-ahon pa ay sasalubungin siya ng malalaking alon na dapat niyang tyempuhan para makakuha ng hangin at mabuhay.

Minsan pa siyang nahuhulog sa bangin na puno ng mga buhayang nag-aantay lamang ng malalapa para mapunan ang sariling kagutuman. Kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi kumapit sa kahit anong sanga na magliligtas sa kanyang tuluyang pagkahulog. Kahit pa isa itong nakabaon na patalim.

Isang babae ang gagawin ang lahat para sa pamilya at sa ibang tao kahit hindi na para sa kanyang sarili.

Pero ano ba't hindi siya sumusuko?

Dahil hindi lang sarili niya ang matatalo, pati na rin ang mga taong mahal niya na umaasa sa kanyang pag uwi.

Na nagsisilbi niya ring lakas para patuloy na lumiko-liko, tumakbo, sumisid at kumapit. Tila ba parang nakatatak na sa kanyang noo ang salitang, "para sa pamilya."

Pero hindi lahat ng tao ay nanatiling malakas at kasama siya sa mga taong iyon. Nakakaramdam din ng pagod at naghahanap rin ng pagmamahal.

Pagmamahal na maaring dumagdag sa kanyang lakas, pero maari ding maging dahilan para siya'y tuluyang maging mahina.












Mananaig ba ang kanyang kagustuhan na piliin naman ang kanyang sarili o magpapatuloy sa nasimulan na niyang gawin para sa pamilya?

tam is sa kapigaduhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon